13/08/2026
Sa buong buwan ng Hulyo 2026, idinaos ang ika-52 hanggang ika-55 Regular Session ng 38th Sangguniang Bayan ng Mendez-Nuñez, kung saan tinalakay at inaprubahan ang mahahalagang resolusyon at ordinansa para sa patuloy na pag-unlad at kapakanan ng ating mga Mendezeño.
Kabilang dito ang Supplemental Investment Program at Supplemental Budget ng Barangay Asis III (₱125,000.00), Poblacion I (₱145,000.00), Anuling Lejos II (₱27,000.00), Asis II (₱12,700.00), Poblacion IV (₱110,000.00), at Poblacion V (₱300,000.00). Inaprubahan din ang mga kasunduan para sa student internship at pangangalaga sa kalikasan, Deed of Usufruct with Mendez Water District, pagkilala sa PUKNAT bilang CSO, at reclassification ng 20 Child Development Centers. Kasama rin dito ang mga ordinansang may kaugnayan sa pagtaas ng tricycle fares at paglikha ng apat na bagong posisyon sa Local Economic Enterprise
Makakaasa po kayo na patuloy ang Serbisyong Hindi Nagbabago ng inyong Sangguniang Bayan sa pagsusulong ng mga programa at panukalang makatutulong sa ating mga Mendezeño.