09/08/2026
๐๐ ๐๐ก๐จ๐๐๐ก๐ ๐ง๐ฅ๐ข๐ฃ๐๐๐๐ก ๐๐จ๐ฃ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ๐๐
Mula po sa Sangguniang Kabataan ng Anuling, na binubuo ng mga Sangguniang Kabataan Ng Anuling Cerca 1, SK - Anuling CERCA DOS, Anuling Lejos 1, at Sangguniang Kabataan - Anuling Lejos 2, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa, sumuporta, at naging bahagi ng Anuling Tropahan Cup 2026 mula sa unang laro hanggang sa ating Championship Night. ๐
Una sa lahat, maraming salamat sa ating 16 na teams at lahat ng players na nakibahagi sa liga. Bata man o mas nakatatanda, ipinakita ninyo ang galing, respeto, sportsmanship, at tunay na diwa ng pagkakaibigan at pagkakaisa sa loob at labas ng court. Kayo ang dahilan kung bakit naging matagumpay ang ating Tropahan Cup. ๐๐ฅ
Lubos din po ang aming pasasalamat kay Vice Raygan Dimapilis, sa Sangguniang Barangay ng Anuling sa kanilang suporta.
Maraming salamat din sa EZ Jersey OPC Mendez-Tagaytay sa paggawa ng ating mga jersey at pag suporta sa Tropahan.
Sa ating mga referee, sa pangunguna ni Boss Jack, maraming salamat po sa pangangasiwa ng bawat laro. Maraming salamat din po sa pakikiisa ng BetterLife Treatment and Rehabilitation Center in Cavite sa ating exhibition games.
Sa ating mga volunteers na kusang-loob na tumulong kahit hindi bahagi ng SK, taos-puso po kaming nagpapasalamat. Alam ninyo kung sino kayo, at tunay naming pinahahalagahan ang inyong tulong. โค๏ธ
Maraming salamat din sa lahat ng nakiisa sa ating Championship Nightโsa Palocpoc Ballers at San Isidro Labrador para sa exhibition game, sa Mendez Dance Company at The Queens para sa kanilang kahanga-hangang pagtatanghal, sa Raygan TUNOG at ILAW, Shootomatic., at Ballers Elite sa pagbibigay ng karagdagang saya at mga alaalang mananatili sa ating lahat. ๐โจ
Lubos din po kaming nagpapasalamat sa Anuling Sports Association sa kanilang paggabay, suporta, at pakikiisa mula umpisa hanggang sa pagtatapos ng liga. ๐๐๐ฏ
Higit sa lahat, nagpapasalamat tayo sa Poong Maykapal sa Kanyang patuloy na paggabay at pag-iingat upang maisagawa natin ang Anuling Tropahan Cup 2026 nang ligtas, maayos, at mapayapa.
Gayundin kay San Isidro Labrador, na naging inspirasyon sa pagkakaisa ng buong komunidad ng Anuling. ๐๐
Muli, mula po sa buong Sangguniang Kabataan ng Anuling, maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta.
๐๐ ANULING TROPAHAN CUP 2026 ๐๐ค