31/01/2026
MAAGANG PAGPAPALISTA PARA SA TAONG PANURUAN 2026–2027
Ngayong araw ng Sabado, ika-31ng Enero tsong kasalukuyan, muling isinagawa ang maagang pagpapalista para sa incoming Kinder learners, Grade 1, at mga transferee na nagnanais mag-aral sa Paaralang Elementarya ng Gahitan.
Mula sa unang araw nang pagpapatala, may mangilan-ngilan ang nagtanong ukol sa proseso nang pagpapalista sa pamamagitan ng opisyal na page ng paaralan, SMS, at mayroon ding mga personal na nagtungo sa paaralan upang magpalista at humingi ng karagdagang impormasyon.
Lubos namang nagpapasalamat ang g**o ng panimulang baitang sa mahalagang tulong na ibinigay ng g**o ng Poblacion 6 Barangay Day Care Center, Teacher Rhoda na boluntaryong nag-alok na mamahagi ng early registration forms para sa mga incoming Kinder learners na magpapalista sa ating paaralan. Ang kanyang pakikiisa ay malaking tulong upang mas mapadali at mapalawak ang impormasyon hinggil sa maagang pagpapalista.
Inaasahan ng paaralan na sa mga susunod na araw ay mas madaragdagan pa ang bilang ng mga mag-aaral na magpapalista para sa Kinder at Grade 1, bilang patunay ng patuloy na pagtitiwala ng komunidad sa kalidad ng edukasyong inihahandog ng paaralan.
Inaanyayahan ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na samantalahin ang maagang pagpapalista upang masig**ong maayos at handa ang paaralan sa darating na taon ng panuruan.
Sama-sama nating ihanda ang kinabukasan ng ating mga bata.