20/08/2026
PAMAMAHAGI NG 10KlLONG BIGAS SA 1, 282 BENEFICIARIES SA BAYAN NG MERCEDES ABANGAN!
Nakatakdang mamahagi ng sampung kilong ( 10kls) bigas ang lokal na Pamahalaan Ng Bayan ng Mercedes sa ilalim ng "LOCAL GOVERNMENT SUPPORT FUND PROGRAM- RICE SUBSIDY" , sa pamamagitan ng Department of Interior and Local Government ( DILG) na pangangasiwaan ng DSWD at MSWDO.
Ito ay Gagawin sa Agosto 26, 2026 nang sabay- sabay sa tatlong magkakahiwalay na Venue.
🏛️ JPL Sports Complex 👉 POBLACION Barangays
🏛️ CAYUCYUCAN Covered Court 👉 Riverblocks and Island Barangays
🏛️ PAMBUHAN Covered Court 👉 Coastal Barangays
Ang mga kawani ng MSWDO ay pupunta sa bawat Barangay para ibigay sa Barangay Council ang talaan ng mga pangalang mabibiyayan nito.
Ang Rice Subsidy ay anim na beses ( 6 rounds) na matatanggap sa ibat- ibang petsa na ilalathala batay sa schedule.
May CLAIM STUB na ibibigay sa qualified beneficiaries. Pinapayuhan na ingatan ang nabanggit na stub dahil ito ay gagamitin ng anim na beses.
Bawat pamamahagi ng bigas, kukunin ito ng MSWDO at muling ibibigay sa mga susunod na pamamahagi.
Nota: * Ang listahan ay ibibigay sa bawat Barangay bago ang nakatakdang rice distribution.
📸: Ctto
Ang larawang makikita sa ibaba ay "Sample image " at HINDI mismong iyan ang ibibigay.