31/08/2026
โโAng mamatay nang dahil saโyo.โ ๐ต๐ญ
โ
โBilang paggunita sa buhay, sakripisyo, at kabayanihan ng mga Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan, hustisya, at kapakanan ng bansang Pilipinas, ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 1 ay nakikiisa sa pagdiriwang ng National Heroes Day.
โ
โSa araw na ito, ating kinikilala ang mga bayaning nag-iwan ng makasaysayang pamana, maging ang mga makabagong bayani na patuloy na nagsisilbi at nagsasakripisyo para sa bayanโkabilang ang ating mga mangingisdang Pilipino.
โ
โNawaโy magsilbi itong paalala na ang pagiging bayani ay hindi nakasalalay sa posisyon o katungkulan, kundi sa mga taong maagang gumigising, humaharap sa hamon ng buhay, at nagsisikap upang may maihain sa hapag at may seguridad sa pagkain ang bawat mamamayan.
โ
โHalinaโt bigyang-pugay ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay at ang mga makabagong bayaning patuloy na kumikilos para sa kapakanan ng sambayanan.
โ
โMabuhay ang mga Bayani ng Pilipinas!
โMabuhay ang ating mga Mangingisdang Pilipino!
โMabuhay ang sambayanang Pilipino!