01/11/2023
โ๐๐๐๐๐. ๐๐๐๐๐๐๐๐. ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐.โ
Isa na siguro sa pinaka malaking desisyon na aking ginawa ay ang pagtakbo bilang isang Lingkod Bayan. Isang taon bago ako mahalal hindi ko alam kung paano ko pagsasabayin ang pagseserbisyo publiko at pag-aaral. Bukod pa rito ay hindi ako nanggaling sa kilala at marangyang pamilya. Hindi sapat ang aking pinansyal na kapasidad upang tustusan ang mga nagbabadyang gastusin sa araw ng kampanya hanggang sa araw ng halalan.
Marami ring oportunidad ang humimok sa akin upang iisantabi ang politika ngunit dito pa rin ako dinala at ito ang aking naging hantungan. Sa loob ng higit sa isang taong preparasyon ay maraming beses sinubok ang aking kakayahan bilang lider upang panindigan at pamunuan ang aking grupo. Ngayon, nandito ako sa inyong harapan upang ibahagi ang ang hamon at pagpapalang ipinagkaloob sa aking maykapal. Totoo ngang hindi niya ako iniwan marahil dito ako inilagay ng Diyos upang marami pang mga kabataan ang makakilala sa kanya.
Pauna na po ang pasasalamat ko sa Diyos para po sa probisyon mula kampanya hanggang election. Sa Team Matias at Pajo Youth Movement, alam po natin na nakita po ng mga tao kung paano natin ginawa ng pinaka best natin para lang makilala at pagtiwalaan ng ating mga kabarangay. Hindi man pinalad ang ilan sa atin ay gusto ko lang po sabihin na labis po ang pasasalamat ko sa pamilyang nabuo sa panahon ng election. Sa aming lider na Ka Matias De Guzman sobra po ang aking pasasalamat. Hindi niyo po kami pinabayaan mula umpisa. Salamat po sa pagtitiwala sa amin. Utang ko po sa inyo lahat ito. Salamat po dahil hindi niyo po kami pinabayaan. Sa mga konsehal po na gumabay sa amin, hilaw pa po kami sa larangan salamat po sa mga payo niyo. Patuloy po naming kikilalanin lahat ng mga suhestiyon at patnubay niyo. Sa mga kasama ko sa PYM, proud ako sa inyo. Ipapangako ko na walang maiiwan sa atin. Salamat sa sakripisyo ng bawat isa. Salamat sa dugoโt pawis na inalay ng bawat isa. Hindi man pinalad ang lahat, lagi nating tatandaan na may buhay pa pagkatapos ng eleksyon. Iikot pa rin ang mundo maupo man tayo o hindi. Patuloy lang po tayong lumaban. Maraming salamat po sa buhay ng bawat isa. To more missions with my Team Matias. Maraming salamat po sa inyong lahat!
Sa mga taong tumulong, nagmahal at sumuporta sa aking lakbayin mula sa mga simpleng proyekto hanggang sa pagtatapos ng halalan, maraming salamat po! Sa aking mga kaibigan (KBP) na hindi nagsawang samahan kami sa kampanya. Salamat sa pagsama sa amin umulan man o umaraw. Gayun din sa aking mga kaklase at kaibigan na sumama sa aking kampanya mula online at sa bahay-bahay, lubos ang aking pasasalamat.
Sa aking Pamilya sa CROSSWORLD magmula sa aking mga aking mga spiritual leaders at mentors, maraming salamat po sa pagdarasal para sa akin. Salamat sa palagiang pagpapaalala sa akin na unahin ang Panginoon dahil totoo pong โHe never leave me during my journey.โ Sa aking Kuya Joey at Kuya Christian na hindi nagsawang makinig at ipagdasal ako. Salamat sa mga encouragement para maging isang mabuting Youth Leader. Sa aking Spiritual Parent, Mamii Sherry at Dadi Ramel, maraming salamat sa paggabay sa akin sa loob ng mahigit isang taon. Salamat sa paggabay sa akin. Salamat sa pagsuporta at pagtatama sa akin. Hindi sapat ang salitang โSalamatโ para tumbasan pagmamahal na ipinaramdam niyo sa akin. Higit ko pong ipinagpapasalamat na hindi kayo napagod na ipagdasal ako. Dala ko po sa aking puso ang lahat ng payo niyo.
Sa aking pamilya, sa aking Mama Nhing maraming salamat po sa walang sawang pagsuporta. Salamat sa pagmamahal at mahabang pasensya, sa pag intindi at pagtanggap na pansamantala ko muna iisantabi ang aking propesyon upang magserbisyo publiko. Sa aking Papa Dante, patawad kung hindi ko natupad ang ipinangako kong karera matapos ang aking pag-aaral. Salamat sa pagsuporta sa akin sa araw ng halalan. Sa aking kapatid na si Aden, salamat sa pagsama mo sa akin mula umpisa. Hindi ko ito mararating kung hindi mo ako sinamahan, salamat sa palagiang pagsuporta kay Kuya! Sa aking mga ate at kuya, sa walang sawa niyong pagsuporta lalo na aking mga kuya Johnny at Jose Darryl na hindi ininda ang pagod at puyat upang mabantayan ang aming mga boto. Gayundin sa aking mga pinsan at kamag-anak na nagpaabot ng tulong, maraming salamat po!
Sa mga kabataan ng Brgy. Pajo na naniwala at sa mga Kapatid na INC, sa pagsuporta at pagtitiwala sa akin sa kabila ng limitadong oras ng kampanya. Lubos ang aking pasasalamat sa inyong lahat.
Hangad ko ang mas aktibo at mas progresibong kabataan ng Pajo kayaโt kasama ang aking liderato sama sama po nating isabuhay ang lahat ng mga planong hinubog mula sa Puso, para sa kabataan. Hindi biro ang responsibilidad na iniatang sa akin ngunit handa akong gawin ang lahat ng aking makakaya upang ibigay ang pangakong inklusibong serbisyo na nararapat na matamasa ng lahat. Maraming salamat! Sa Diyos ang lahat ng kapurihan.๐ค๐
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
๐๐๐ฐ๐ฅ๐ฒ ๐๐ฅ๐๐๐ญ๐๐ ๐๐ ๐๐ก๐๐ข๐ซ๐ฆ๐๐ง
๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐๐ฃ๐จ, ๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐จ๐ ๐๐๐ฒ๐๐๐ฎ๐๐ฒ๐๐ง, ๐๐ฎ๐ฅ๐๐๐๐ง