Sangguniang Barangay ng Bahay Pare '23-'26

Sangguniang Barangay ng Bahay Pare '23-'26 May Dangal at Tapat na Paglilingkod Tungo sa Pagbabago at Pagkakaisa

[SEMINAR SA KAMALAYAN SA KARAPATAN NG MGA PERSON WITH DISABILITIES]Idinaos noong ika-24 ng Hulyo ang isang seminar patun...
27/08/2026

[SEMINAR SA KAMALAYAN SA KARAPATAN NG MGA PERSON WITH DISABILITIES]

Idinaos noong ika-24 ng Hulyo ang isang seminar patungkol sa kamalayan sa mga karapatan ng mga person with disability. Ito ay kaugnay ng pakikiisa sa selebrasyon ng ika-48 na taon ng National Disability Rights Week.

Lubos po ang pasasalamat ng Sangguniang Barangay ng Bahay Pare, sa pangunguna ni Punong Barangay Joel E. Bernardino at ni Brgy. Kagawad Rolando Santiago (Chairman, Committee on Social Services), sa lahat ng mga nakiisa lalo’t higit kay Pastora Rosemarie G. Lagasca, ThD, na siyang naging resource speaker sa seminar na ito.

[ONSITE VALIDATION - HUWARANG BARANGAY]Idinaos noong ika-30 ng Hulyo, 2026 ang onsite validation para sa Huwarang Barang...
27/08/2026

[ONSITE VALIDATION - HUWARANG BARANGAY]

Idinaos noong ika-30 ng Hulyo, 2026 ang onsite validation para sa Huwarang Barangay 2025 na kikilalanin sa Disyembre. Nakiisa ang buong Sangguniang Barangay ng Bahay Pare sa pangunguna ni Punong Barangay Joel E. Bernardino.

Ito po ay taunang programa ng pamahalaang lungsod ng Meycauayan kung saan ang lahat ng barangay ay sumasailalim sa pagtatasa ng iba’t ibang kategorya (Health, Environment, Budget & Accounting, Social Services at iba pa).

Maraming salamat po sa ating mga city validators na pinangunahan ni Ma’am Ella Panen kasama ang mga department representatives.



[AUGUST 3, 2026 | MONTHLY FLAG CEREMONY]Idinaos noong ika-3 ng Agosto ang buwanang flag ceremony ng Barangay Bahay Pare ...
27/08/2026

[AUGUST 3, 2026 | MONTHLY FLAG CEREMONY]

Idinaos noong ika-3 ng Agosto ang buwanang flag ceremony ng Barangay Bahay Pare sa pamumuno ni Punong Barangay Joel E. Bernardino.

Kasama po natin ang buong Sangguniang Barangay at lahat ng kawani ng ating barangay mula sa iba't ibang departamento.


[AUGUST 18, 2026 | 2ND MONTHLY SESSION]Ginanap noong ika-18 ng Agosto ang ikalawang pangkaraniwang pagpupulong nang Sang...
27/08/2026

[AUGUST 18, 2026 | 2ND MONTHLY SESSION]

Ginanap noong ika-18 ng Agosto ang ikalawang pangkaraniwang pagpupulong nang Sangguniang Barangay ng Bahay Pare sa pangununa ni Punong Barangay Joel E. Bernardino para sa buwan ng Agosto 2026.

Inalatag ng mga Barangay Kagawad ang mga pagawain, proyekto, at programa na nais maisakatuparan ngayong buwan.



[PAMAMAHAGI NG SCHOOL SUPPLIES SA MGA MAG-AARAL NG ALS (ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM)]Namahagi ang Sangguniang Barangay n...
27/08/2026

[PAMAMAHAGI NG SCHOOL SUPPLIES SA MGA MAG-AARAL NG ALS (ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM)]

Namahagi ang Sangguniang Barangay ng Bahay Pare, sa pangunguna ni Punong Barangay Joel E. Bernardino at sa inisyatibo ni Brgy. Kagawad Cathy Santiago (Chairman, Committee on Education), ng mga school supplies sa mga mag-aaral natin ng Alternative Learning System.

[KARANGALAN NG BARANGAY BAHAY PARE]Malugod po naming ipinababatid sa lahat na isa ang ating barangay na napabilang sa mg...
27/08/2026

[KARANGALAN NG BARANGAY BAHAY PARE]

Malugod po naming ipinababatid sa lahat na isa ang ating barangay na napabilang sa mga nakapasa sa 2026 B.E.S.T (Building Excellence in Service and Transparency) Barangay - Provincial Level.

Ito po ay pagpapatunay na ang ating barangay ay may maayos na pamamahala, transparent, at nagbibigay ng dekalidad na serbisyo sa mga mamamayan sa mga aspeto ng: Financial Administration and Sustainability, Disaster Preparedness, Safety, Peace and Order, Social Protection and Sensitivity, Business-Friendliness and Competitiveness, at Environmental Management.

Ang tagumpay po na ito ay tagumpay nating lahat.

Source: DILG Central Luzon
https://www.facebook.com/share/p/1DNk4Cgt1r/?mibextid=wwXIfr

Maligayang Kaarawan sa isa sa masipag nating Barangay Kagawad Ariel A. Gonzales! 🎂🎉Hangad namin ang patuloy na pagpapala...
22/08/2026

Maligayang Kaarawan sa isa sa masipag nating Barangay Kagawad Ariel A. Gonzales! 🎂🎉

Hangad namin ang patuloy na pagpapala sa iyo at iyong pamilya ng Poong Maykapal.

Pagbati mula kay Punong Barangay Joel E. Bernardino at buong Sangguniang Barangay ng Bahay Pare. 💚

22/08/2026


[AUGUST 18 | PAMAMAHAGI NGMEDICAL / BURIAL ASSISTANCE]Patuloy po ang tulong medikal at burial ng buong Sangguniang Baran...
18/08/2026

[AUGUST 18 | PAMAMAHAGI NGMEDICAL / BURIAL ASSISTANCE]

Patuloy po ang tulong medikal at burial ng buong Sangguniang Barangay ng Bahay Pare, sa pangunguna ni Punong Barangay Joel E. Bernardino.

Ito po ay bukas sa lahat ng residente ng Brgy. Bahay Pare. Mangyaring magpasa lamang po ng mga kinakailangang dokumento sa tanggapan ng ating barangay.

📌MEDICAL ASSISTANCE REQUIREMENTS:
- Medical Certificate / Clinical Abstract
- Sulat Kahilingan
- Brgy. Indigency
- Photocopy ng Valid ID nang pasyente
- Photocopy ng Valid ID ng maglalakad (must be immediate family member)

📌BURIAL ASSISTANCE REQUIREMENTS:
- Death Certificate
- Sulat Kahilingan
- Brgy. Indigency
- Photocopy ng Valid ID nang namatay
- Photocopy ng Valid ID ng maglalakad (must be immediate family member)

16/08/2026

August 17, 2026 - Monday

Dahil sa patuloy na pag-ulan dala ng , kanselado ang face-to-face classes sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Meycauayan bukas, Agosto 17, 2026 at sa halip ay magsasagawa ng Flexible Learning Program.

Mag-iingat po tayong lahat.

Address

Barangay Bahay Pare
Meycauayan
3020

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay ng Bahay Pare '23-'26 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share