22/08/2026
๐๐๐๐๐ | ๐๐ฎ๐ซ๐จ ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ซ๐จ?
Panulat ni: Alexandra Nicole C. Galura, Kawaksing Patnugot
Dibuho ni: Sabrina H. Sanico, Dibuhista
Ilang pangalan ang kailangan bago natin matawag na sapat ang isang sisi?
Sa bawat trahedyang dumaraan sa ating mga balita, tila may ritwal na hindi natin nakalilimutan: magluksa, magalit, at pagkatapos ay maghanap ng taong maaaring ituro.
Sino ang nakakita?
Sino ang nakapansin?
Sino ang dapat sanang gumawa?
At kapag paaralan ang naging lugar ng trahedya, madalas ay iisa ang unang tinatanongโnasaan ang g**o?
Matapos ang pamamaril sa isang paaralan sa Zamboanga, naging kontrobersyal ang pahayag ni Palace Press Officer Claire Castro tungkol sa papel ng mga g**o sa paghubog ng asal ng kabataan. Para sa ilang grupo ng educators, hindi lamang ito usapin ng isang pahayag. Isa itong mapanganib na paglalagay ng bigat ng isang komplikadong suliranin sa balikat ng mga taong may limitadong kontrol dito.
Ngunit bago natin tanungin kung sino ang nagkulang, marahil ay kailangan muna nating itanong:
Gaano kalawak ba talaga ang kayang abutin ng isang g**o?
Sa loob ng silid-aralan, maaaring ituro ang respeto. Maaaring ipaliwanag ang pagkakaiba ng tama at mali. Maaaring sawayin ang bullying at hikayatin ang pakikipagkapwa.
Ngunit ang silid-aralan ay may pintuan. At kapag nagsara iyon, nagpapatuloy ang buhay ng estudyante sa ibang lugarโsa bahay, sa barkada, sa internet, at sa komunidad.
Doon nagiging delikado ang isang simpleng paliwanag.
Sapagkat ang isang batang may pinagdaraanan ay hindi lamang estudyante kapag nasa paaralan. Anak siya sa bahay. Kaibigan sa barkada. Netizen sa internet. Miyembro ng komunidad.
Kung gayon, kung ang school violence ay pangunahing bunga lamang ng kakulangan sa paggabay, bakit napakalawak ng problemang kinakaharap ng ating mga paaralan?
Ayon sa PISA 2022 data na binanggit ng Second Congressional Commission on Education, 43 porsiyento ng Filipino girls at 53 porsiyento ng boys ang nakaranas ng bullying nang maraming beses kada buwan. Higit ito sa OECD averages na 20 porsiyento at 21 porsiyento. Sa Metro Manila lamang, iniulat ng Department of Education ang humigit-kumulang 2,500 bullying incidents noong School Year 2024โ2025. Samantala, sa loob lamang ng tatlong linggo noong Hunyo hanggang unang bahagi ng Hulyo 2026, 15 school-related violence at threats ang naiulat, na nag-iwan ng tatlong patay at 32 sugatan.
Hindi na ito iisang insidente.
Isa na itong pattern.
At ang pattern ay hindi malulutas ng isang taong may hawak na chalk.
Mas lalong lumalalim ang tanong kapag armas ang pinag-uusapan.
Sa Zamboanga shooting, iniimbestigahan kung paano nakapasok ang mga baril sa paaralan. Ayon sa Reuters, ang mga armas ay pag-aari umano ng ama ng suspek.
Kung gayon, bakit ang unang usapan ay kung ano ang itinuro ng g**o tungkol sa asal?
Bakit hindi rin natin itanong kung paano nakarating ang armas sa isang kabataan?
Bakit hindi pag-usapan kung paano pinoprotektahan ang mga paaralan?
Bakit hindi siyasatin kung may mga senyales na hindi napansin, mga intervention na hindi umabot, o mga sistemang hindi gumana?
Hindi ito pagtatanggol sa bawat g**ong maaaring magkamali.
May pananagutan ang g**oโsa mga bagay na saklaw ng kaniyang tungkulin. Ngunit may pagkakaiba ang pananagutan sa pag-ako ng buong sisi.
Dahil ang g**o ay hindi magulang.
Hindi siya pulis.
Hindi siya opisyal ng seguridad.
Hindi siya sikologo.
At lalong hindi siya ang buong lipunan.
Maaari siyang maging mahalagang bahagi ng paghubog sa isang bata, ngunit hindi makatarungang hingin sa kaniya ang kapangyarihang wala naman siya.
May pananagutan ang g**o. Ngunit may pananagutan din ang magulang na gumabay sa anak, ang mga institusyong nagbabantay sa kaligtasan, ang mga taong may hawak at responsibilidad sa armas, ang mga paaralang nagpapatupad ng intervention, at ang pamahalaang gumagawa ng mga polisiya para sa kabataan.
Ang pananagutan ay dapat kasinglawak ng problema.
Kung malawak ang sanhi, dapat malawak ang solusyon.
Kung maraming salik ang bumubuo sa isang trahedya, hindi maaaring isang tao lamang ang gawing mukha nito.
Dahil ang pinakamadaling sisi ay hindi nangangahulugang ito ang tamang sisi.
Marahil, iyon ang pinakamahirap tanggapin sa gitna ng isang trahedya: hindi natin laging mahahanap ang isang taong maaari nating ituro.
Minsan, ang kailangang ituro ay hindi isang tao.
Kundi ang sistemang nagpahintulot na mangyari ang lahat ng ito.
Hindi para takasan ang pananagutan, kundi para malaman kung saan talaga dapat magsimula ang pagbabago.
Sa halip na mga g**o ang ituro, hanapin natin ang bawat pagkukulang. Sapagkat sa trahedyang maraming ugat, hindi sapat ang isang taong sisihin. Putulin ang bawat ugat bago muling tumubo ang panibagong trahedya.