02/09/2026
PAHAYAG NG SANGGUNIANG BARANGAY NG CALVARIO
Nauunawaan po namin ang hinaing ng ating mga kabarangay at nais lamang naming magbigay ng mahinahon na paglilinaw ukol sa isang post patungkol sa naging tugon ng Barangay Calvario sa nagdaang paglikas dahil sa Habagat noong August 29,2026.
Sa kasagsagan ng baha, pagrescue at kaligtasan ng mga residente ang pangunahing prayoridad ng Barangay. Sa limitadong manpower ,resources at pondo, patuloy na nag-asikaso ang ating mga kawani sa evacuation center at naghanda ng hot meals gaya ng sopas at lugaw.
Umabot sa 238 pamilya o mahigit 600 plus na indibidwal ang nasa evacuation center.
Dahil sa pagkawala ng kuryente at signal, hindi agad na-update ang bilang ng evacuees na naipadala sa ating CSWDO, kaya hindi nagtugma ang Foodpacks, bigas at mga de-lata na naipadala ng City Government sa aktuwal na bilang ng mga evacuees.
Gayunpaman, hinati ang mga ito ng Barangay kada pamilya upang ang lahat ng pamilya sa evacuation ay mabigyan.
Ang mga de-lata ay may expiration date na 2028; ang ilang lata ay nayupi lamang sa mabilisang transportasyon ng relief goods sa panahon ng emergency.
Noong August 30,2026 personal na nagsagawa ng assessment ang ating Mayor at nangakong babalik.
Noong August 31,2026 tinupad niya ito at nagbigay ng cash assistance sa mga pamilyang evacuees, kung saan walang naiwan.
Hindi man naging perpekto ang lahat, bukas po kami sa puna at patuloy na magpapabuti. Hinihiling lamang namin ang pang-unawa at patas na pagtingin sa mga kawani at responders na naglingkod sa kabila ng may sarili rin silang mga pamilyang naapektuhan.
Sa panahon ng kalamidad, iisa ang ating layunin:
MAILIGTAS ANG BUHAY.
WALANG MAWAWALA.
WALANG KABARANGAY NA MAIIWAN.
Lahat tayo ay nasa iisang baryo ng Calvario.
Magkaisa, magtulungan at mag-unawaan.
Maraming salamat po!
Sangguniang Barangay ng Calvario