22/01/2026
Enero 22 2025,
sa ilalim ng PPD-POA para sa Special Population Group, isinagawa ng aming Barangay ang Profiling of Teen Moms (AHD – Adolescent Health and Development). Layunin ng aktibidad na ito na makuha ang mahahalagang impormasyon tungkol sa mga kabataang ina upang matukoy kung anong uri ng tulong at serbisyong maaaring maibigay ng Barangay alinsunod sa kanilang pangangailangan.
Ang naturang profiling ay nagsilbing mahalagang batayan upang makapagplano ng mga programang may kaugnayan sa kalusugan, nutrisyon, edukasyon, at psychosocial support para sa mga teen moms. Kasabay nito, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng edukasyon at wastong kaalaman sa responsableng pagpaplano ng pamilya bilang pundasyon ng mas maayos na kinabukasan para sa kanila at sa kanilang mga anak.
Ang aktibidad ay isinagawa sa pangunguna ng aming butihing Punong Barangay Arnaldo Velasco , katuwang ang Sangguniang Barangay, sa paggabay ng aming Hepe ng Populasyon at Nutrisyon na sina Boss Nick Sangalang at Ma’am Emy Sangalang . Salamat sa aking Barangay Nutrition Scholar (BNS) at mga Mother Leaders sa matagumpay na pagpapatupad ng programa.
Sa kabuuan, ang Profiling of Teen Moms ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng Barangay na tugunan ang pangangailangan ng mga kabilang sa special population group at itaguyod ang kalusugan, edukasyon, at kapakanan ng kabataan sa aming komunidad.
❤️saluysoy