01/08/2026
Taos-pusong pagbati sa ating Barangay Population Worker (BPW) Jonalyn Dignos at sa ating mga Grade 7 learners ng Langka Integrated School sa matagumpay na pagsasagawa ng Junior KaTROPA Seminar.
Lubos din ang ating pasasalamat sa ating mga naging resource speakers mula sa City Nutrition and Population Office sa pangunguna ni Sir Nick Sanggalang, Sir. Dann Michael Resurreccion, Mrs. Emilie Sangalang, gayundin kina Sir MC Gerard De Jesus, Sir Rey Martin, at Sir Ricardo Barretto mula sa Langka Integrated School, na nagbahagi ng kanilang kaalaman at mahahalagang aral sa ating mga kabataan.
Layunin ng seminar na ito na palawakin ang kaalaman ng mga kabataan tungkol sa adolescent health and development, responsableng pagdedesisyon, paggalang sa sarili at sa kapwa, pag-iwas sa maagang pagbubuntis at iba pang panganib na maaaring makaapekto sa kanilang kinabukasan, at hikayatin silang maging responsable, disiplinado, at mabubuting kabataan sa kanilang komunidad.
Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy nating gabayan at ihanda ang ating kabataan tungo sa isang mas ligtas, mas malusog, at mas maunlad na kinabukasan.