Office of the Municipal Treasurer- LGU Midsayap

Office of the Municipal Treasurer- LGU Midsayap Cellphone Number: 09500160250
Telephone Number: 0645770301

PAGPUPUGAY SA MGA BARANGAY TREASURER NG MIDSAYAP SA PAMAMAGITAN NG BARANGAY TREASURY SERVICE AWARD!Sipag, katapatan, at ...
19/08/2026

PAGPUPUGAY SA MGA BARANGAY TREASURER NG MIDSAYAP SA PAMAMAGITAN NG BARANGAY TREASURY SERVICE AWARD!

Sipag, katapatan, at malasakit—ito ang mga katangiang patuloy na ipinapakita ng ating mga Barangay Treasurer sa kanilang araw-araw na panunungkulan. Sa kanilang maingat na pangangasiwa sa pondo ng barangay, malaki ang kanilang ambag sa pagpapanatili ng maayos at responsableng pamamahala sa ating pamayanan.

Bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel at tapat na paglilingkod, binibigyang-pugay ng Lokal na Pamahalaan ng Midsayap, sa pamumuno ni Hon. Rolando C. Sacdalan, CPA at sa pamamagitan ng Office of the Municipal Treasurer, ang lahat ng ating mga Barangay Treasurer na patuloy na ginagampanan nang buong husay ang kanilang mga tungkulin.

Nais din nating bigyan ng natatanging pagkilala ang mga Barangay Treasurer na naglaan ng mahigit dalawang dekada ng kanilang buhay sa tapat na paglilingkod:
• Ms. Tessie L. Viloan (Barangay Rangaban) - 44 na taon sa serbisyo
• Mr. Wilfredo Arisapa (Barangay Patindeguen) - 35 na taon sa serbisyo
• Ms. Hilda Hallado (Barangay Poblacion 3) - 29 na taon sa serbisyo
• Ms. Teresita G. Ebo(Barangay Poblacion 8)- 29 na taon sa serbisyo
• Ms. Anecita E. Señeres (Barangay Ilbocean) - 29 na taon sa serbisyo
• Ms. Rena Molaga (Barangay Bagumba) - 24 na taon sa serbisyo
• Ms. Glory Tagpis (Barangay Upper Glad 1) - 21 na taon sa serbisyo

Ang inyong higit dekadang dedikasyon at mahabang panahon ng paglilingkod ay tunay na kahanga-hanga at karapat-dapat ipagmalaki! Maraming salamat sa katapatan at malasakit sa inyong mga barangay at sa buong bayan ng Midsayap.

Sa ating 42 Deputized Barangay Treasurers ng Midsayap, maraming salamat sa inyong patuloy na pakikipagtulungan sa LGU Midsayap-lalo na sa pangangasiwa at pangongolekta ng Community Taxes, pati na rin sa pagtataguyod ng Tax Campaign para sa Real Property Taxes. Ang paggawad ng Barangay Treasury Service Award ay pagkilala sa inyong sama-samang pagsisikap, mahusay na pangangasiwa ng mga gawaing pangpinansyal sa ating mga barangay, at mahalagang kontribusyon sa maayos na paghahatid ng pampublikong serbisyo sa ating munisipalidad.

Mabuhay ang mga Barangay Treasurers ng Midsayap!

Mabuhay ang tapat at mahusay na paglilingkod!




09/08/2026
06/08/2026

𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐑𝐎𝐋𝐋𝐘 𝐒𝐀𝐂𝐃𝐀𝐋𝐀𝐍, 𝐍𝐀𝐍𝐀𝐖𝐀𝐆𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐒𝐔𝐏𝐎𝐑𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐓𝐑𝐀𝐅𝐅𝐈𝐂 𝐌𝐀𝐍𝐀𝐆𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐔𝐍𝐈𝐓 𝐍𝐆 𝐌𝐈𝐃𝐒𝐀𝐘𝐀𝐏

MIDSAYAP, Cotabato – Buong suporta ang ipinahayag ni Mayor Rolly Sacdalan para sa Traffic Management Unit (TMU) ng Midsayap kasunod ng insidente ng pamamaril sa isang traffic enforcer.

Ayon sa alkalde, patuloy na naninindigan ang Lokal na Pamahalaan na ang mga traffic enforcer ay nagsasagawa ng kanilang tungkulin para mapanatili ang kaayusan at disiplina sa bayan.

Sinabi ni Mayor Sacdalan na ang pangunahing layunin ng Enforcers ay ang magkaroon ng mapayapa at maunlad na komunidad, kaya mahalaga ang pagpapatupad ng batas sa lansangan. Hinikayat niya ang mga TMU personnel na manatiling magalang at mahinahon sa pakikitungo sa publiko, ngunit maging matatag sa pagpapatupad ng mga batas at ordinansa.

Ibinunyag din ng alkalde na palalakasin pa ng lokal na pamahalaan ang kakayahan ng TMU sa pamamagitan ng pagdaragdag at pag-upgrade ng kanilang communication radios, gayundin ng pagbibigay ng iba pang kinakailangang kagamitan at sasakyan upang mas maging epektibo ang kanilang operasyon.

Nanawagan din siya sa publiko na pahalagahan ang sakripisyo ng mga traffic enforcer. Aniya, limitado lamang ang bilang ng TMU personnel na nagseserbisyo sa Midsayap, sa kabila ng dami ng mga sasakyan at motorista na dumaraan sa bayan, kabilang na ang mga biyahero mula sa iba’t ibang lalawigan at mga karatig-munisipyo.

Ayon kay Mayor Sacdalan, hindi sapat ang kasalukuyang bilang ng mga traffic enforcer upang matugunan ang lahat ng pangangailangan sa trapiko, subalit ginagawa nila ang kanilang makakaya upang mapanatili ang kaayusan. Dahil dito, hinimok niya ang mga mamamayan na ipakita ang kanilang suporta at pagpapahalaga hindi lamang sa TMU kundi maging sa Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies.

Binigyang-diin din ng alkalde na ang disiplina ang pundasyon ng maayos na pamayanan. Aniya, kung walang nagpapatupad ng mga batas at regulasyon, maaaring humantong sa kaguluhan at kawalan ng kaayusan ang komunidad.

26/07/2026

The Bureau extends its sincere appreciation to their dedicated local treasurers and budget officers for ensuring the timely submission of the FY2026 Q2 Statement of Receipts and Expenditures (SRE) Reports through the LIFT System.

We likewise commend the BLGF Regional Offices for their steadfast support and invaluable assistance with our LGUs throughout the reporting process.

Thank you for your continued commitment to timely, accurate, and transparent reporting.

Please be reminded that today, July 20, 2026 is the deadline for 3rd Quarter Payment of Business Taxes. The Municipal Tr...
20/07/2026

Please be reminded that today, July 20, 2026 is the deadline for 3rd Quarter Payment of Business Taxes. The Municipal Treasurer's Office is open until 5:00pm today.

Thank you for your cooperation.

The Local Government Unit of Midsayap led by Mayor Rolando C. Sacdalan,CPA together with Vice Mayor Manuel M. Rabara,DMD...
19/07/2026

The Local Government Unit of Midsayap led by Mayor Rolando C. Sacdalan,CPA together with Vice Mayor Manuel M. Rabara,DMD and the members of the Sangguniang Bayan extend our sincere gratitude to the Bureau of Local Government Finance (BLGF) Regional Office XII under the leadership of Regional Director June Ann C. Abella represented by Mr. Jonathan B. Susvilla,JD, LTOO IV, Mr. Rogelio A. Rubellano, III, CPA, Financial Analyst IV and our fellow Midsayapenya, Ms. Marfe C. Lambuyot, LTOO III for their invaluable presence and guidance during our recent Public Hearing on the Revised Revenue Code. This collaboration ensures that any updates to our local revenue policies are firmly grounded in national legal standards and structured to support the continuous growth of our community. We highly appreciate the BLGF’s expertise in helping us maintain a transparent, fair, and legally compliant framework that ultimately serves the best interests of every Midsayapenyo.

Address

Poblacion 3
Midsayap
9410

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Office of the Municipal Treasurer- LGU Midsayap posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share