26/05/2026
Serbisyong Purok Kalusugan, naisagawa sa Barangay Central Labas, Kadayangan.
Matagumpay na naisagawa ang Purok Kalusugan activity ng RHU Kadayangan sa pangunguna ni Dr. Hessah Ibrahim sa Talong Purok ng Barangay Central Labas. Kasama ang mga Nurses, Midwives at Nutritionist at katuwang ang mga BHWs, BNWs at barangay officials sa pangunguna ng Punong Barangay Hon. Nacil Guintem, ay naihatid ang Programang Purok Kalusugan sa Purok 1, Purok 4 at Purok 5 ng nasabing Barangay.
Tinalakay ang iba’t ibang programang pangkalusugan upang mapataas ang kamalayan ng komunidad tungkol sa tamang pangangalaga sa kalusugan at pag-iwas sa sakit. Nagkaroon din ng health education, open forum, at pagbibigay ng mga paalala ukol sa healthy lifestyle at smoke-free community.
Layunin ng programa na mapalakas ang pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan tulad ng National Immunization Program, Safe Motherhood Program (SMP), Family Planning (FP), Nutrition, Non-Communicable Diseases (NCD), Diabetes Mellitus (DM), Hypertension (HPN), patient safety, Environmental Sanitation at smoking prevention upang mapanatiling malusog at ligtas ang bawat pamilya sa komunidad.
Sama-sama tayo para sa mas malusog at mas ligtas na komunidad! 💚
Special Geographic Area Field Health Office