Municipality of Midsayap

Municipality of Midsayap This is the official Facebook account of the Local Government of Midsayap.
(1)

PAGLALAHAD NG 100 DAYS SA PANUNUNGKULAN NI MAYOR ROLLY "UR DA MAN", NAGING MATAGUMPAYSa isandaang araw na panunungkulan ...
11/10/2022

PAGLALAHAD NG 100 DAYS SA PANUNUNGKULAN NI MAYOR ROLLY "UR DA MAN", NAGING MATAGUMPAY

Sa isandaang araw na panunungkulan ni Mayor Rolly "Ur Da Man" Sacdalan, matagumpay na naipatupad nito ang ilang mga programa para sa Pagbangon at Pagbabago.

Nakasentro ang pag-uulat nito sa mga programang kanyang naipatupad na nakapaloob sa 12-point Agenda: Health Care, Agricultural Productivity and Economic Recovery, Barangay & Infrastructure Development, Environmental Management & Protection, Social Protection & Sensitivity, Peace, Order & Security, Sustainable Education, Youth and Sports Development, Tourism Development & Promotion, Disaster Risk Management, People's Participation & Empowerment at Good Governance.

Ang mga programa at proyekto ng kanyang administrasyon ay naglalayong maghatid ng serbisyo diretso sa mga tao.

Ayon kay Mayor Rolly, “Nilagyan natin ng kulay ang dating puro drawing. Ang ilang dreams, naging dream come true, ang ibang wishful thinking, naging reality natin, at ang puro ‘sana all,’ ngayon, naging happy all."

Dagdag pa nito na "Ang ating naabot sa loob ng isandaang araw ay produkto ng ating kolektibong inspirasyon para sa isang tunay na Masayang Midsayap."

Ginanap ang naturang pag-uulat sa Municipal Gymnasium, Poblacion 6, Midsayap, Cotabato.



PARA SA MGA NAGHAHANAP NG TRABAHO ❗Ang Lokal na Pamahalaan ng Midsayap ay naghahanap ng:    1. ELECTRICIAN I    2.ADMINI...
07/10/2022

PARA SA MGA NAGHAHANAP NG TRABAHO ❗

Ang Lokal na Pamahalaan ng Midsayap ay naghahanap ng:

1. ELECTRICIAN I
2.ADMINISTRATIVE ASSISTANT II (LABOR GENERAL FOREMAN)
3.ADMINISTRATIVE AIDE III (DRIVER)
4.ENGINEER II
5.ADMINISTRATIVE OFFICER II (HUMAN RESOURCE MANAGEMENT OFFICER I)
6.LIBRARIAN I
7.ADMINISTRATIVE AIDE IV (CLERK II)

Ang mga interesadong aplikante ay kailangang magsumite ng mga sumusunod:

1. Fully accomplished Personal Data Sheet (PDS) with recent passport-sized picture (CS FORM No. 212, Revised 2017) which can be downloaded at www.csc.gov.ph;
2. Performance rating in the last rating period (if applicable);
3.Photocopy of certificate of eligibility/ rating/license; and
4. Photocopy of Transcript of Records.

Para sa posisyon na ELECTRICIAN I, ADMINISTRATIVE ASSISTANT II (LABOR GENERAL FOREMAN), ADMINISTRATIVE AIDE III (DRIVER), ENGINEER II at ADMINISTRATIVE OFFICER II (HUMAN RESOURCE MANAGEMENT OFFICER I),
maaring isumite ang inyong mga dokyumento via email [email protected] o maaring magtungo sa tanggapan ng OFFICE OF THE MAYOR hanggang ika- 19 ng Oktubre, 2022.

Para naman sa posisyon na LIBRARIAN I
at ADMINISTRATIVE AIDE IV (CLERK II) maaring isumite ang inyong mga dokyumento via email [email protected] o maaring magtungo sa tanggapan ng OFFICE OF THE VICE MAYOR hanggang ika- 19 ng Oktubre, 2022.



MAYOR ROLLY "UR DA MAN" AGAD NA NAGPAABOT NG TULONG SA MGA RESIDENTENG APEKTADO NG BAKBAKAN SA BRGY. SAMBULAWAN, MIDSAYA...
05/10/2022

MAYOR ROLLY "UR DA MAN" AGAD NA NAGPAABOT NG TULONG SA MGA RESIDENTENG APEKTADO NG BAKBAKAN SA BRGY. SAMBULAWAN, MIDSAYAP

Matatandaang kahapon, ika-04 ng Oktubre 2022, nagsilikas ang mga residente sa Brgy. Sambulawan dahil sa bakbakan na naganap sa kanilang Barangay.

Upang mag-abot ng ayuda sa mga residente, pinulong ngayong araw, ika-05 ng Oktubre, 2022 ni Mayor Rolly ang mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni MSWD Officer John Karlo Ballentes kasama ang mga kawani mula sa Ministry of Social Services and Development of the BARRM Government.

Ayon kay Mayor Rolly, “I am in close coordination with the army and other peacekeeping mechanisms to ensure the safety of our residents".



Nagkaroon ngayong araw, ika-04 ng Oktubre 2022, ng Emergency meeting ang Municipal Peace and Order Council at Municipal ...
04/10/2022

Nagkaroon ngayong araw, ika-04 ng Oktubre 2022, ng Emergency meeting ang Municipal Peace and Order Council at Municipal Anti-Drug Abuse Council ng Lokal na Pamahalaan ng Midsayap.

Pinangunahan ang pagpupulong ni Mayor Rolly "Ur Da Man" Sacdalan na ginanap sa Sangguniang Bayan Social Hall, Legislative Building, Midsayap, Cotabato.

Inaprobahan ngayong araw ang Peace and Order and Public Safety (POPS) Plan at Anti-Drug Abuse Plan na naglalaman ng mga gagawing programa/stratehiya ng pamahalaan kontra kriminalidad, kalamidad, at iba pang pamamaraan upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga kababayan.



FLAG RAISING CEREMONY October 03, 2022Masayang sinalubong ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Roll...
03/10/2022

FLAG RAISING CEREMONY
October 03, 2022

Masayang sinalubong ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Rolly "Ur Da Man" Sacdalan kasama ang iba't ibang ahensya ng gobyerno ang unang Lunes sa buwan ng Oktubre sa pamamagitan ng pagtaas ng watawat.

Bilang paggunita sa Elderly Filipino Week, ang Municipal Social Welfare and Development Office, katuwang ang Office of Senior Citizens Affairs, ay nagsagawa ng aktibidad ngayong araw kung saan sila'y nag-alay ng bulaklak sa mga senior citizens na kawani ng Pamahalaan.

Ang flag raising ceremony ngayong buwan ay pinangunahan ng General Services Office, Municipal Civil Registrar Office at DILG.



PEACE AND ORDER AND PUBLIC SAFETY PLAN FORMULATION / WORKSHOP NG LGU MIDSAYAP Ang Municipal Peace and Order Council ng L...
26/09/2022

PEACE AND ORDER AND PUBLIC SAFETY PLAN FORMULATION / WORKSHOP NG LGU MIDSAYAP

Ang Municipal Peace and Order Council ng Lokal na Pamahalaan ng Midsayap ay nagkaroon ng tatlong araw na formulation/workshop na inumpisahan noong ika-20 hanggang ika-22 ng Setyembre 2022 na ginanap sa Ritz Hotel, Garden Oases, Davao City.

Pinangunahan ni LGOO V Vita Gumahad
ang aktibidad upang gabagayan ang mga miyembro ng Municipal Peace and Order Council sa pagbalangkas ng 2023-2025 Peace and Order and Public Safety (POPS) Plan.

Ilan sa mga matrix na ginagawa ng bawat sektor ay ang mga sumusunod :
1.Table A. Goal Descriptors
2.Table B. Peace and Order and Public Safety Situation
3.Table C. Problem identification
4.Table C.2. Prioritizing Issues
5.Table D. Strategy Formulation

Ang POPS plan ay naglalaman ng mga gagawing programa/stratehiya ng kontra kriminalidad, kalamidad, at iba pang pamamaraan upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga kababayan.

Sa paglaki ng ating industriya at ekonomiya, hatid nito ang posibilidad ng pagtaas ng kriminalidad kaya layunin ng Lokal na Pamahalaan ng Midsayap sa pamumuno ni Mayor Rolly "Ur Da Man" Sacdalan ang kabuuang seguridad ng bawat Midsayapeño.



September 26, 2022 | Pinangunahan ng Midsayap Municipal Police Station ang Flag Raising Ceremony ngayong araw para sa ik...
26/09/2022

September 26, 2022 | Pinangunahan ng Midsayap Municipal Police Station ang Flag Raising Ceremony ngayong araw para sa ika-apat na lunes ng buwan ng Setyembre 2022.

Inanunsyo ni Mayor Rolly "Ur Da Man" Sacdalan na ang LGU Midsayap ang nag-iisang munisipyo sa Probinsya ng Cotabato na kwalipikadong magbigay ng Performance-Based Bonus (PBB) sa mga empleyado at opisyales nito.

Inanunsyo din nito na ang LGU Midsayap ay maswerteng pinagkalooban ng isang ambulansya mula sa Probinsya ng Cotabato sa pamumuno ni Governor Emmylou "Lala" Taliño Mendoza.

Nagpapasalamat naman si Mayor Rolly "Ur Da Man" sa pondong inilaan ng TUCP Partylist sa pangunguna ni Congressman Raymond Mendoza upang maisaayos ang Municipal Gymnasium.



LGU MIDSAYAP NAGSAGAWA NG TREE GROWING ACTIVITY SA BARANGAY KIMAGANGO NGAYONG ARAWNanguna sa isinagawang Tree Growing Ac...
23/09/2022

LGU MIDSAYAP NAGSAGAWA NG TREE GROWING ACTIVITY SA BARANGAY KIMAGANGO NGAYONG ARAW

Nanguna sa isinagawang Tree Growing Activity ang LGU MIDSAYAP katuwang ang Midsayap PNP ngayong araw Setyembre 23, 2022 sa Barangay Kimagango, Midsayap.

Ang nasabing aktibidad ay alinsunod sa Month-long celebration ng ika-122nd Anibersaryo ng Serbisyong Sibil sa Pilipinas na may temang "Transforming Public Service in the Next Decade: Honing Agile and Future-Ready-Servant Heroes".

Mahigit kumulang isang daan (100) ang lumahok sa nabanggit na aktibidad na siyang inisyatiba ng Human Resource Development Office kasama ang Municipal Environment and Natural Resources Office.



AKTIBONG SERBISYO PARA SA INDUSTRIYA NG TURISMO HIGIT PANG TINUTUKAN UPANG LALONG LUMAGO AT  UMASENSONananatiling aktibo...
22/09/2022

AKTIBONG SERBISYO PARA SA INDUSTRIYA NG TURISMO HIGIT PANG TINUTUKAN UPANG LALONG LUMAGO AT UMASENSO

Nananatiling aktibo ang LGU Midsayap sa pagtataguyod ng pagbangon ng industriya ng turismo sa unang distrito ng Probinsiya ng Cotabato.

Sa pamamagitan ng inisiyatibo ng Midsayap Tourism Division, pinaunlakan ng Department of Tourism Region 12 ang hiling nitong mabahagian ng training ang iba’t ibang tourism destination stakeholders ng Midsayap at maging ang mga karatig Munisipyo patungkol sa Destination Branding at Marketing.

Malugod na binati ni Midsayap Tourism Operations Officer Fersan Jocel Sawit ang 33 na participants mula sa iba’t ibang Munisipalidad ng PPALMA.

Labing pito sa mga ito ay mga tourism destination establishments mula sa Midsayap.

Dinaluhan din ito ng mga Tourism Officer Designates mula sa Pigcawayan, Libungan at Aleosan. Ang dalawang araw na seminar na ito ay ginanap mula ika-20 hanggang ika-21 ng Setyembre 2022 sa Wiw’s Function Hall sa bayan ng Midsayap.

Layunin ng seminar na ito ang mabigyan ng kaalaman ang mga stakeholders ng tamang pamamahala ng kanilang negosyo sa industriya ng turismo. Nagbahagi ng mga mahahalaga at makabagong estratehiya ang guest speaker na si Apple Allison Perez na nagmula pa sa Bicol Region. Binigyan diin nito ang importansiya ng paggamit ng Social Media Platforms at kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman patungkol sa branding at marketing upang mas higit pang mapalawak ang pag-promote ng iba’t ibang destinasyon sa PPALMA.

Pinasalamatan ni Sawit sina Jose Cabulanan at Xander Estrabon ng DOT 12 SOCCSKSARGEN Regional Office sa kanilang walang sawang suporta sa Midsayap upang matulungan ang industriya ng turismo sa bayang ito.

Sa ngalan ni Mayor Rolly "Ur Da Man" Sacdalan, nagpasalamat din si Sawit sa mga tourism destination stakeholders na dumalo sa seminar at sa kanilang aktibong suporta sa mga programa at adbokasiyang pang turismo ng LGU Midsayap sa pangunguna ng Midsayap Tourism Division.




GAD FOCAL POINT SYSTEM REORIENTATION AND PLANNING WORKSHOP NG LGU MIDSAYAP, MATAGUMPAY NA NAISAGAWANaging matagumpay ang...
16/09/2022

GAD FOCAL POINT SYSTEM REORIENTATION AND PLANNING WORKSHOP NG LGU MIDSAYAP, MATAGUMPAY NA NAISAGAWA

Naging matagumpay ang tatlong araw na reorientation at planning workshop ng LGU Midsayap sa GAD Focal Point System na ginanap sa Pinnacle Hotel, Davao City.

Ang mga programa ni Mayor Rolly "Ur Da Man" Sacdalan sa ilalim ng Gender and Development ay may layunin na matugunan ang pagkakapantay-pantay at patas na oportunidad ng bawat isa maging ano man ang kasarian.

"Kami sa Civil Society Organization ay hindi magpapabigat, kundi kami ay isa sa tutulong sa gobyerno para sa isang Masayang Midsayap" ibinahaging mensahe ni CSO Representative Mabel Lynnel Calungsod.

Samantala narito naman ang naging mensahe ni GAD Focal Person Vergelita D. Guilaran "We are doing this for the women especially to those who are in the marginalized sector and we will be monitoring all the plan".

Ang buong plano ay inaasahang maipepresenta sa susunod na mga araw at
Inaasahang maipepresenta ang buong at magkakaroon muli ng isang pagpupulong para sa huling presentasyon bago ito aprobahan.



ANUNSYO MULA SA DOLE-AKAP ❗Ang mga pangalan na nasa ibaba ay ang mga OFWs Midsayap DOLE-AKAP APPROVED application.Maari ...
16/09/2022

ANUNSYO MULA SA DOLE-AKAP ❗

Ang mga pangalan na nasa ibaba ay ang mga OFWs Midsayap DOLE-AKAP APPROVED application.

Maari po kayong pumunta sa opisina ng Public Employment Service Office (PESO) na matatagpuan katabi ng Land Transportation Office Midsayap.

Magdala lamang ng Passport or Valid ID.




GAD FOCAL POINT SYSTEM REORIENTATION AND PLANNING WORKSHOP NG LGU MIDSAYAP, NASA PANGALAWANG ARAW NA Tinalakay ngayong a...
15/09/2022

GAD FOCAL POINT SYSTEM REORIENTATION AND PLANNING WORKSHOP NG LGU MIDSAYAP, NASA PANGALAWANG ARAW NA

Tinalakay ngayong araw ang Gender- Assessment tool score sheet at LGU action points kung saan ay inilista ng mga partisipante ang Gaps at Interventions na magagamit nito upang mas mapaunlad pa ang mga programa at aktibidad ng Gender and Development sa pamumuno ni Mayor Rolly "Ur Da Man" Sacdalan.

Tinalakay din ni LGOO V Narciso Beceira Jr. ang kakailanganing preparasyon sa GAD planning and budgeting.



Address

Midsayap
9410

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipality of Midsayap posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipality of Midsayap:

Share