16/07/2026
๐ฐ ๐๐๐๐๐๐
๐๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ค๐๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ฅ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐ญ๐ฎ๐ง๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฌ๐๐ฒ ๐๐ญ ๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ฏ๐ฎ๐ง๐ ๐๐ง ๐๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐ฌ ๐๐๐๐
KIDAPAWAN, COTABATO โ Patuloy na ipinapakita ng Metro Midsayap Water District (MMWD) Basketball Team ang kanilang husay at galing matapos makapagtala ng dalawang magkasunod na panalo sa nagpapatuloy na Kalivungan Sports 2026. Ang mga tagumpay na ito ay nagsisilbing matibay na simula sa kauna-unahang paglahok ng MMWD sa naturang palaro.
Noong Hulyo 10, 2026, matagumpay na tinalo ng MMWD ang koponan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa iskor na 66-42. Pinangunahan ng mahusay na depensa, mabilis na opensa, at matatag na pagtutulungan ng bawat manlalaro na nagging daan ng kanilang pagkapanalo.
Sinundan ito ng isa pang kahanga-hangang tagumpay, kahapon, Hulyo 15, 2026, nang manaig ang MMWD laban sa Metro Kidapawan Water District (MKWD) sa iskor na 63-45. Mula sa unang sipol hanggang sa pagtatapos ng laro, nanatiling kontrolado ng MMWD ang laban sa pamamagitan ng mahusay na koordinasyon, at disiplina ng buong koponan.
Tinanghal namang Best Player of the Game si Mr. Jeffrey I. T. Pahil, matapos ang kanyang natatanging kontribusyon sa opensa at depensa na naging malaking bahagi ng tagumpay ng koponan laban sa MKWD.
Ipinahayag nina Engr. Joey C. Tonzo, MMPA, at Engr. Brian V. Rodriguez, MMPA, na kapwa coaches ng MMWD Basketball Team, ang kanilang kasiyahan sa ipinakitang dedikasyon at determinasyon ng buong koponan. Nagpaabot din sila ng taos-pusong pasasalamat sa MMWD Management sa pangunguna ni GM Carol S. Tolentino, CPA, MMPA, para sa patuloy na suporta at tiwalang nagsisilbing inspirasyon sa mga manlalaro upang maibigay ang kanilang husay sa bawat laban.
Muling sasabak ang MMWD Basketball Team sa kanilang susunod na laban kontra sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region XII, bukas, Hulyo 17, 2026. Inaasahan ang isa na namang kapanapanabik na bakbakan habang hangad ng koponan na maipagpatuloy ang kanilang winning streak at higit pang maipagmalaki ang Metro Midsayap Water District sa Kalivungan Sports 2026.
Photo credits: Metro Kidapawan Water District