03/09/2026
๐ญ.๐ต๐/๐ต๐ฎ ๐ฑ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ป๐ถ ๐ด๐ฎ๐บ๐ถ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ง๐ฒ๐ธ๐ป๐ผ๐น๐ผ๐ต๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฆ๐ถ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ.๐ฌ!
Nagtipon ang mga farmer-cooperators mula sa IslamCris Irrigators Association para sa Exit Conference ng RCEF PalaySikatan 2.0 sa Sultan Mastura, Maguindanao del Norte.
Sa nagdaang season, sinubukan at ginamit ng mga magpapalay ang Seed Spreader.
Ano ang naging resulta?
โ
๐ง๐๐บ๐ฎ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ป๐ถ: Tumaas ng 1.9 tons bawat ektarya ang average yield.
โ
๐๐๐บ๐ฎ๐ฏ๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐๐ผ๐: Nabawasan ng humigit-kumulang โฑ1.00 bawat kilo ang kanilang cost of production.
Nakamit ang resultang ito sa kabila ng mga pagsubok, kabilang na ang kakulangan sa supply ng tubig sa sakahan dulot ng matinding init at iba pang mga peste at sakit.
Magpapatuloy pa rin ang pagbibigay-kaalaman sa mga cooperators at pamimigay ng libreng dekalidad na binhi mula sa na kanilang makukuha bawat season sa pamamagitan ng Binhi e-Padala sa kabila ng pagtatapos ng RCEF PalaySikatan 2.0 sa Sultan Mastura.