10/05/2025
𝑷𝒂𝒕𝒉𝒆𝒕𝒊𝒄 𝒄𝒂𝒎𝒑𝒂𝒊𝒈𝒏𝒊𝒏𝒈. 𝑴𝒂𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒎𝒑𝒐𝒓𝒎𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏. 𝑨𝒕 𝒉𝒊𝒈𝒊𝒕 𝒔𝒂 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕, 𝒑𝒂𝒏𝒍𝒊𝒍𝒊𝒏𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂 𝒕𝒂𝒖𝒎𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.
Ang isyu ng umano’y “7,000 ektarya na nawala sa Midsayap” ay hindi kasalanan ng dating administrasyon, taliwas sa gustong ipalabas ng Wow Radio — isang kilalang estasyon na sana’y nagsisilbi bilang patas at mapanuring boses ng publiko. Sa halip, naglabas ito ng mga hindi beripikadong impormasyon na malinaw na nagdulot ng kalituhan at maling pananaw sa mga mamamayan.
Narito ang mga katotohanan:
Ang survey na ginawa noong 2012–2014 ay isinagawa ng Field Network Survey Party na kinontrata ng DENR. Hindi ito basta-basta pinamunuan o inaprubahan lang ng lokal na opisina o ng mayor, kundi bahagi ng mas mataas na inisyatiba ng DENR.
Mismong Sangguniang Bayan ng Midsayap noon pa man ay tutol na sa resulta ng survey. Ang oposisyon na ito ay iniakyat sa tamang forum — sa Sangguniang
Panlalawigan (SP) ng Cotabato, na may legal na hurisdiksyon pagdating sa mga boundary disputes. Ibig sabihin, hindi trabaho ng mayor o SB lang ang magdesisyon dito; ito ay dapat resolbahin sa antas ng probinsya.
𝑵𝒐𝒐𝒏𝒈 2023, 𝒏𝒂𝒈𝒌𝒂𝒓𝒐𝒐𝒏 𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒅𝒊𝒏𝒊𝒈 𝒂𝒏𝒈 𝑺𝑷 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒈𝒊𝒕𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑺𝑩 𝒏𝒈 𝑴𝒊𝒅𝒔𝒂𝒚𝒂𝒑 𝒂𝒕 𝑳𝒊𝒃𝒖𝒏𝒈𝒂𝒏.
Dito napagkasunduan na:
1. Mag-request sa DENR ng relocation survey upang muling tukuyin ang tamang hangganan.
2. Ideklara ang status quo habang hindi pa tapos ang legal na proseso — ibig sabihin, walang galawan sa mga lupain hangga’t hindi ito pinal na nareresolba.
3. Napagkasunduan din na ang dalawang LGU — Midsayap at Libungan — ang sasalo sa gastos ng relocation survey (P400,000 o P200,000 bawat isa). Ngunit ayon mismo sa ulat ng SP, ang Midsayap ay bigong magbayad ng kanilang bahagi. Kaya hanggang ngayon, pending pa rin ang survey at wala pang pinal na hatol. Isa pa rito hindi lang Midsayap at Libungan ang nagkaroon ng issue ng boundary dispute, halos lahat ng bayan at lalawigan sa ating bansa, kahit ang ating lalawigan ay may existing boundary conflict with the Province of Bukidnon and other neighboring provinces.
Kaya, sino ngayon ang nagpapabaya?
Sino ang gumagamit ng isyu para lang sa pansariling pulitika, habang nililihis ang mata ng publiko sa totoong proseso?
Ang totoo: ang kasalukuyang administrasyon ang bumalewala sa kasunduan at ngayon ay ginagamit ang isyu bilang campaign propaganda.
Ang mas masakit pa, binabansagan pa nila ang mga dating opisyal na tila mga traydor, gayong ito ay isang komplikadong isyu na matagal nang nilalakad sa tamang legal na daan.
Hindi dapat gawing laruan ang mga isyu ng lupa na sensitibo at mahalaga sa ating mga kababayan.
Kung talagang “ipaglalaban” ng kasalukuyang liderato ang Midsayap, simulan nila sa pagtupad sa kanilang obligasyon — bayaran ang share ng LGU at ituloy ang relocation survey para may malinaw na basehan, hindi puro sigaw at drama.
Moreover, Wow Radio’s unethical proliferation of unverified claims ay hindi lamang nakakasira sa kredibilidad ng media, kundi nagsisilbi ring hadlang sa tunay na pag-unlad ng ating bayan. Dapat nating manindigan laban sa anumang uri ng disimpormasyon.