Minglanilla Municipal Jail

Minglanilla Municipal Jail OFFICIAL FACEBOOK PAGE

πŸ‡΅πŸ‡­ PAGDIRIWANG NG KATATAGAN AT KAYAMANAN NG WIKANG FILIPINOBuong pagpapahalaga at pagmamalaki nating ipinagdiriwang ang ...
28/08/2026

πŸ‡΅πŸ‡­ PAGDIRIWANG NG KATATAGAN AT KAYAMANAN NG WIKANG FILIPINO

Buong pagpapahalaga at pagmamalaki nating ipinagdiriwang ang Pangwakas na Pagdiriwang ng Buwan ng Wika, na may temang β€œWikang Filipino: Sandigan ng Pagkakaisa at Pagkakakilanlan.”

Ang pagdiriwang na ito ay nagsisilbing paalala sa kahalagahan ng ating sariling wika bilang tulay sa pagkakaunawaan, pagkakaisa, at pagpapanatili ng ating kultura at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

Sa pamamagitan ng iba’t ibang makabuluhang gawain, muling naipamalas ang pagmamahal at paggalang sa wikang Filipino, gayundin ang pagpapahalaga sa ating mga tradisyon, kasaysayan, at kulturang minana sa mga naunang salinlahi.

Nawa’y hindi lamang tuwing Buwan ng Wika natin pahalagahan ang ating sariling wika, kundi maging bahagi ito ng ating pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan at pagkilos tungo sa isang mas nagkakaisa at makabayang lipunan.

Mabuhay ang Wikang Filipino!
Mabuhay ang Kulturang Pilipino! πŸ‡΅πŸ‡­








#

21/08/2026

πŽπŽππ’! 𝐇𝐔𝐖𝐀𝐆 πŒπ€πŠπˆπ”π’πŽ!

Umuso kamakailan sa social media ang AI-generated photos kung saan nakasuot ng uniporme ng pulis ang mga user. Bagama’t maaaring bahagi ito ng isang online trend, mahalagang paalala na ang paggamit ng artificial intelligence ay hindi nangangahulugang malaya na itong gawin nang walang pananagutan.

Kaugnay nito, mahigpit na pinapaalalahanan ang lahat ng personnel ng BJMP Regional Office VII na huwag makilahok sa paglikha, pag-post, o pagpapakalat ng AI-generated photos o videos na gumagamit o gumagaya sa uniporme, insignia, badge, o iba pang opisyal na pagkakakilanlan ng ibang uniformed agency. Bilang mga kasapi ng isang uniformed service, nararapat na manatiling maingat at responsable sa pagsali sa mga viral trends sa social media.

Samantala, pinapaalalahanan din ng Philippine National Police (PNP) at National Police Commission (NAPOLCOM) ang publiko na ang maling paggamit ng AI-generated content na may kaugnayan sa mga uniporme, insignia, o pagkakakilanlan ng mga uniformed personnel ay maaaring magdulot ng pananagutan sa ilalim ng mga umiiral na batas, kabilang ang mga probisyon hinggil sa usurpation of authority at illegal use of uniforms or insignia, lalo na kung ginagamit upang magpanggap, manlinlang, o magpakalat ng maling impormasyon.

Hindi lahat ng viral trend ay dapat salihan. Maging malikhain, ngunit maging responsable.


18/08/2026

The BJMP Regional Office VII reminds the public to refrain from providing, sharing, disclosing, or confirming any personal or official information concerning current or former BJMP personnel when the identity, authority, or purpose of the requesting individual cannot be verified.

For inquiries involving personnel information, please refer the concerned individual to the Personnel and Records Management Division (PRMD), the appropriate office, or authorized personnel for proper verification and handling.

Stay vigilant. Respect privacy. Protect the security and confidentiality of personnel information.



18/08/2026

Hinihikayat ng BJMP Regional Office VII ang publiko na mag-ingat sa mga indibidwal na nagpapanggap na mga tauhan ng BJMP upang makakuha ng pera, personal na impormasyon, o iba pang sensitibong detalye.

Huwag basta maniwala sa mga mensahe, tawag, o social media accounts na gumagamit ng pangalan, ranggo, litrato, o pagkakakilanlan ng sinumang BJMP personnel.

I-verify muna ang kanilang pagkakakilanlan at awtoridad bago makipagtransaksyon o magbigay ng anumang impormasyon.

Tandaan, kung kahina-hinala, huwag magbigay, huwag mag-click, at huwag magpadala ng pera.

Manatiling mapagmatyag!
Mag-ingat sa nagpapanggap!


14/08/2026
14/08/2026

Kilalanin ang bagong hanay ng Command Group ng BJMP Region VII, handang magpatuloy sa pamumuno, paglilingkod, at pagtupad sa tungkulin para sa kapakanan ng bawat kawani at Persons Deprived of Liberty.

Sama-sama sa mas matatag at makabuluhang serbisyo.




VALUES RESTORATION PROGRAM | NATIONALISMAng nasyonalismo ay higit pa sa pagmamahal sa ating bayan. Ito ay makikita sa pa...
13/08/2026

VALUES RESTORATION PROGRAM | NATIONALISM

Ang nasyonalismo ay higit pa sa pagmamahal sa ating bayan. Ito ay makikita sa paggalang sa batas, pagiging tapat sa tungkulin, malasakit sa kapwa, at aktibong pakikibahagi sa ikabubuti ng ating bansa.

Sa pangunguna ni JO1 Edsel Alberio, isinagawa ngayong Agosto 13, 2026 ang Values Restoration Program na nakatuon sa pagpapalalim ng pag-unawa sa tunay na kahulugan ng Nasyonalismo.

β€œAng pagmamahal sa bayan ay hindi lamang sinasabiβ€”ito ay isinasabuhay sa bawat mabuting gawa.” πŸ‡΅πŸ‡­

MALIGAYANG PAGBATI, SOUTH SIDE BAND!Isang malaking congratulations sa South Side Band sa pagkakamit ng kampeonato sa pag...
12/08/2026

MALIGAYANG PAGBATI, SOUTH SIDE BAND!

Isang malaking congratulations sa South Side Band sa pagkakamit ng kampeonato sa pagdiriwang ng 35th BJMP Regional Office VII Anniversary! πŸ†πŸŽΆ

Binubuo ng mga mahuhusay na personnel mula sa iba’t ibang jail facilities sa South Cebu, sa pangunguna at paggabay ni JCINSP DANILO D DELGADO JR, Jail Warden.

Isang patunay ng talento, pagkakaisa, at dedikasyon sa serbisyo. πŸŽΆπŸ‘

Congratulations, South Side Band! Isang banda, isang ritmo, isang kampeon! πŸ†πŸŽΈ

12/08/2026

Address

Tulay
Minglanilla
6046

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Minglanilla Municipal Jail posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Minglanilla Municipal Jail:

Shortcuts

Share