06/08/2026
Matagumpay na Naipamahagi sa Mga Benepisyaryo ng Walang Gutom Program sa Bayan ng Mobo
MOBO, AGOSTO 6, 2026 β Matagumpay na naipamahagi ngayong araw ang UPLiFT Assistant Payout para sa mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program sa Bayan ng Mobo.
Kabuuang 397 na benepisyaryo mula sa 28 na barangay sa nasabing bayan ang nakatanggap ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng β±2,000.00 bawat isa.
Isang malaking hakbang ito tungo sa layuning matiyak na walang pamilyang magugutom sa Mobo.
Sa pagkakataong ito, nagpasalamat si Mayor Raymund Doni Salvacion sa suporta at tulong na ibinigay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang maisakatuparan ang programang ito na tunay na nakatulong sa mga pamilyang Moboanon.
Taos-puso ring pasasalamat ang ipinapaabot sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maging matagumpay ang nasabing gawain.
Ipinapatupad ang proyekto sa ilalim ng Walang Gutom Program, sa pakikipagtulungan ng UPLiFT at ng DSWD, bilang bahagi ng tapat na paglilingkod sa bayan.