17/03/2026
EXAM TAYO, ANO TARA??
Last exam of the school year 2025 - 2026 4th quarter na, kaya natin ito! 📚✨
Good luck sa ating lahat! Ilabas na natin lahat ng natutunan, pinagpuyatan, at pinagdaanan natin buong taon. Alam kong hindi naging madali ang journey na to may mga times na napagod tayo, na-stress, at muntik nang sumuko, pero nandito pa rin tayo ngayon, lumalaban hanggang dulo.
Sa huling exam na to, gawin lang natin ang best natin. Huwag masyadong mapressure, kaya mo yan. Tandaan, ang scores ay numero lang. Mataas man o mababa ang maging resulta, hindi nito nasusukat ang tunay mong kakayahan at halaga bilang estudyante at bilang tao. Ang mahalaga ay nagsikap ka, natuto ka, at hindi ka sumuko kahit mahirap.
Konting push na lang, matatapos na rin natin ang school year na to.
PADAYON GEORGIANS!✨💞
✍🏻/💻: Sanjuan, Clarizza ( PRESIDENT )