19/08/2026
PARA SA LAHAT NG MGA MAGULANG AT TAGAPANGALAGA:
Muling ipinapaalala ng lokal na pamahalaan ng Moncada na maging maingat at bantayang mabuti ang ating mga anak, lalo na sa panahon ng tag-ulan at pagtaas ng tubig.
MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL:
Ang pagligo o paglalaro ng mga bata sa ulan at baha.
Ang pagpunta, pagtambay, o paglangoy sa mga lugar na malapit sa d**e, ilog, o kanal.
MGA PANGANIB NA DULOT NITO:
Panganib ng Pagkalunod: Ang malakas na agos ng tubig sa d**e o ilog ay mabilis tumaas at pwedeng tangayin ang sinuman, lalo na ang mga bata.
Mga Sakit mula sa Baha: Ang tubig-baha ay may dalang dumi at lepto (leptospirosis), pati na rin mga sakit sa balat at tiyan.
Panganib ng Aksidente: May mga nakatagong matutulis na bagay, open drainage, o bumagsak na kable ng kuryente sa ilalim ng tubig.
MGA MAGULANG: Ang kaligtasan ng ating mga anak ay nagmumula sa ating tahanan. Huwag po nating hihintayin na magkaroon pa ng sakuna bago tayo maghigpit.
Maging alerto. Maging responsable. Protektahan ang ating pamilya!
_____________________________________________
Alamin ang mga emergency hotlines ng iba't-ibang mga ahensya ng gobyerno rito sa bayan ng Moncada na maaaring matawagan kung kinakailangan.
โข MIO HOTLINE: 0962 395 9620
โข MDRRMO / RESCUE: 0969 156 6151
โข PNP MONCADA: 0939 634 2781 / 0998 598 5486
โข BFP MONCADA: 0956 247 7300 / 0931 076 7252
โข HEALTH OFFICE: 0910 893 3009
โข DISTRICT HOSPITAL: 0919 067 4619
โข TARELCO UNO: 0947 994 6436
Join our MIO channel today and stay in the loop with the latest happenings! Whether it's breaking news, insightful analysis, or exciting announcements, we've got you covered.
CLICK HERE: https://m.me/j/AbaRZ3WNXlb3SNQk/