Barangay San Julian Moncada, Tarlac

Barangay San Julian Moncada, Tarlac Official page of Barangay San Julian. Moncada, Tarlac

BDRRMC ALERT | HEAVY RAINS AND FLOODING ๐ŸŒง๏ธ๐ŸŒŠPatuloy ang pag-ulan kaya hinihikayat ang lahat na manatiling alerto at updat...
29/08/2026

BDRRMC ALERT | HEAVY RAINS AND FLOODING ๐ŸŒง๏ธ๐ŸŒŠ

Patuloy ang pag-ulan kaya hinihikayat ang lahat na manatiling alerto at updated sa lagay ng panahon.

๐Ÿ“ PAALALA SA LAHAT:
โ€ข Mangyaring magbigay ng update sa inyong lugar/purok, lalo na kung may pagtaas ng tubig o pagbaha.
โ€ข Posibleng i-activate ang Contingency Plan depende sa sitwasyon.
โ€ข Sundin ang mga abiso at direktiba ng BDRRMC at Purok Leaders.
โ€ข Sa ilalim ng Memorandum of Agreement, ang sinumang nangangailangan ng ligtas na masisilungan ay maaaring gumamit ng San Julian Elementary School bilang evacuation/safe shelter.

๐Ÿ™ Unahin ang kaligtasan. Bantayan ang ating mga pamilya, kapitbahay, senior citizens, bata, PWD at iba pang nangangailangan ng dagdag na tulong.

MAGING ALERTO. MAGING HANDA. MAGING LIGTAS.
๐ŸŒง๏ธ Keep safe, everyone! ๐Ÿ’œ

โ€” Barangay San Julian BDRRMC
Serbisyong Nararamdaman, Kaligtasan ay Prayoridad Namin.

29/08/2026
๐˜ฝ๐˜ฟ๐™๐™๐™ˆ๐˜พ ๐™๐™‹๐˜ฟ๐˜ผ๐™๐™€ : ๐™๐˜ผ๐™๐™‡๐˜ผ๐˜พ , ๐™Š๐™๐˜ผ๐™‰๐™‚๐™€ ๐™’๐˜ผ๐™๐™‰๐™„๐™‰๐™‚ ๐™‡๐™€๐™‘๐™€๐™‡Heavy Rainfall Warning No. 7  Weather System: Southwest Monsoon (Habagat)Is...
28/08/2026

๐˜ฝ๐˜ฟ๐™๐™๐™ˆ๐˜พ ๐™๐™‹๐˜ฟ๐˜ผ๐™๐™€ : ๐™๐˜ผ๐™๐™‡๐˜ผ๐˜พ , ๐™Š๐™๐˜ผ๐™‰๐™‚๐™€ ๐™’๐˜ผ๐™๐™‰๐™„๐™‰๐™‚ ๐™‡๐™€๐™‘๐™€๐™‡

Heavy Rainfall Warning No. 7
Weather System: Southwest Monsoon (Habagat)
Issued at: 11:00 AM, 28 August 2026(Friday)

ORANGE WARNING LEVEL: ๐™๐˜ผ๐™๐™‡๐˜ผ๐˜พ Pampanga , Bulacan, Bataan(Abucay, Bagac, Balanga, Limay, Mariveles, Orani, Orion, Pilar, Samal) and Nueva Ecija(Guimba, Santo Domingo, Talavera, Llanera, Rizal, Bongabon, Gabaldon, Laur, Palayan, General Mamerto Natividad, Cabanatuan, Aliaga, Quezon, Licab, Zaragoza, Jaen, Santa Rosa, San Leonardo, San Isidro, San Antonio, Cabiao, Gapan, General Tinio, Penaranda).
ASSOCIATED HAZARD: FLOODING is still THREATENING.

The public and the Disaster Risk Reduction and Management Offices concerned are advised to MONITOR the weather condition and watch for the next warning to be issued at 2:00 PM today

KUDOS TO OUR BARANGAY FRONTLINERS! ๐Ÿ‘Kudos to all our Barangay Officials who were there, hand in hand and side by side, t...
28/08/2026

KUDOS TO OUR BARANGAY FRONTLINERS! ๐Ÿ‘

Kudos to all our Barangay Officials who were there, hand in hand and side by side, throughout the relief distribution.

Our heartfelt appreciation also goes to our dedicated Barangay Personnel, Barangay Health Workers (BHWs), and Civilian Volunteer Organization (CVO) who worked tirelessly behind the scenesโ€”from repacking and preparing the relief goods, checking and validating the names of family heads, organizing the distribution, and ensuring that the assistance reached the intended beneficiaries.

Hindi man nakikita ng lahat ang bawat pagod, puyat, at oras na inilaan, ramdam namin ang inyong dedikasyon at malasakit. โค๏ธ

This is what BAYANIHAN truly meansโ€”working together, serving together, and making sure that no one is left behind.

Maraming salamat sa inyong serbisyo at sakripisyo! ๐Ÿ™Œ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ




BARANGAY ROAD CLEARING OPERATION (BARCO) & KALINISAN DAY ๐Ÿงน๐ŸšงMalinis na Kapaligiran, Maluwag na Daan, Ligtas na Barangay!P...
28/08/2026

BARANGAY ROAD CLEARING OPERATION (BARCO) & KALINISAN DAY ๐Ÿงน๐Ÿšง

Malinis na Kapaligiran, Maluwag na Daan, Ligtas na Barangay!

Patuloy na isinasagawa ng Barangay San Julian ang Barangay Road Clearing Operation (BARCO) kasabay ng ating Kalinisan Day bilang bahagi ng ating sama-samang pagkilos para mapanatili ang ating barangay na malinis, maayos, ligtas at organisado.

Sa pamamagitan ng BARCO, layunin nating alisin ang mga obstruction sa mga pampublikong daanan upang matiyak ang maayos na pagdaan ng mga motorista, pedestrian at emergency vehicles.

Samantala, sa Kalinisan Day, sama-sama nating isinusulong ang:
๐Ÿงน Paglilinis ng mga kalsada at pampublikong lugar
๐ŸŒฟ Pangangalaga sa ating kapaligiran
๐Ÿšฎ Wastong pagtatapon at pamamahala ng basura
๐Ÿค Bayanihan at pakikiisa ng bawat residente

๐Ÿ“ข PAALALA:
Ang kalinisan at kaayusan ng barangay ay hindi lamang responsibilidad ng pamahalaang barangay. Ito ay pananagutan nating lahat.

Huwag mag-iwan ng basura.
Huwag humarang sa pampublikong daan.
Makilahok sa mga gawaing pangkalinisan.

Kapag malinis ang paligid at maluwag ang daan, mas ligtas at mas maayos ang ating pamayanan.

๐Ÿ’š BARCO + KALINISAN DAY
Sama-sama para sa Malinis, Maayos at Ligtas na Barangay San Julian!






AICS โ€“ Barangay Burial Assistance ProgramThird Quarter of Calendar Year 2026The Barangay Burial Assistance Program, unde...
27/08/2026

AICS โ€“ Barangay Burial Assistance Program

Third Quarter of Calendar Year 2026

The Barangay Burial Assistance Program, under the Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) initiative, provides financial assistance amounting to โ‚ฑ5,000.00 per qualified beneficiary/family to help defray burial and funeral-related expenses of all constituents of the barangay.

Amount of Assistance: โ‚ฑ5,000.00
Coverage: Third Quarter of 2026
Program: AICS โ€“ Burial Assistance
Implementing Office: Barangay San Julian, Moncada, Tarlac

Isang Kilong Bigas at Dalawang Instant Noodlesโ€œAyan lang ang ipinagmamalaki nilang ayuda? Wala pang kape at delata?โ€Masa...
27/08/2026

Isang Kilong Bigas at Dalawang Instant Noodles

โ€œAyan lang ang ipinagmamalaki nilang ayuda? Wala pang kape at delata?โ€

Masakit pakinggan. At kung tutuusin, maaaring sabihin ng iba na hindi nga sapat ang isang kilong bigas at dalawang instant noodles para sa isang pamilya.

Pero bago natin husgahan ang laman ng isang supot, sanaโ€™y tingnan din natin kung bakit ganoon lamang ang laman nito.

Ang pondong ginamit dito ay mula sa AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situation) at hindi pa ito ang pondo para sa kalamidad o Calamity Fund/Quick Response Fund (QRF), sapagkat hindi naman tayo nasa ilalim ng State of Calamity.

Napakaliit ng pondong nakalaan para sa ganitong uri ng pagtugon. Kaya may isang tanong na paulit-ulit naming kinakaharap:

Mas mabuti bang marami ang matatanggap ng iilan, o kaunti ang matatanggap ngunit lahat ay mabibigyan?

Noong mga nakaraang administrasyon, hindi naman kalimitang nangyayari ang ganitong kalawakang pamamahagi ng ayuda. Kapag may pagbaha, kadalasan ay nakatuon lamang sa mga pamilyang direktang naapektuhanโ€”marahil nasa 30โ€“40% lamang ng kabuuang pamilya, o minsan ay iyong mga bahay na mismong pinasok ng tubig.

Ngunit mula noong 2024, sinubukan nating baguhin ang pananaw na ito.

Dahil may mga pamilyang dati ay hindi nabibigyan dahil sinasabing โ€œmay kamag-anak na nagtatrabaho sa abroad,โ€ โ€œmay-kaya naman,โ€ โ€œnasa mataas na lugar,โ€ o โ€œhindi naman binaha ang bahay,โ€ naisip namin:

Bakit hindi natin subukang maramdaman ng bawat pamilya na kasama sila?

Sa halip na magbigay ng kumpleto at masaganang rekado sa PILING PAMILYA SA BARANGAY, bakit hindi natin paghatian kung ano lamang ang kayang ibigay ng maliit na pondong mayroon tayoโ€”PARA MABIGYAN ANG LAHAT?

Hindi man isang sakong bigas.

Hindi man isang kahon ng delata.

Hindi man kumpleto ang rekado.

Pero kahit kaunti, lahat ay may maiuuwi.

Dahil ang layunin namin ay hindi ang gumawa ng ayuda na pang-isang pamilya lamang, kundi ang gumawa ng paraan upang walang pamilyang makaramdam na sila ay naiiwan.

Para itong isang pamilya na nagsasalo-salo sa hapag.

Hindi man magarbo ang pagkain.

Hindi man marami ang putahe.

Minsan, isang simpleng ulam lamang ang nasa gitna ng mesa.

Ngunit kapag pinagsaluhan nang sabay-sabay, may kakaibang saya.

Hindi man busog sa dami ng pagkain, busog naman sa pakiramdam na walang naiwan.

Kaya kung isang kilong bigas at dalawang instant noodles lamang ang laman ng ayuda, maaaring maliit ito sa paningin ng ilan.

Pero para sa isang pamilyang nangangailangan, maaari itong maging isang hapunan, isang almusal, o isang araw na nabawasan ang kanilang iniisip kung saan kukuha ng pagkain.

At higit sa lahat, sana matutunan nating pahalagahan ang anumang biyayang dumaratingโ€”maliit man o malaki.

Dahil ang tunay na pagpapasalamat ay hindi nasusukat sa halaga ng natanggap.

Ang taong marunong magpasalamat sa maliit na biyaya ay taong marunong kumilala sa malaking biyaya kapag ito ay dumating.

At minsan, ang pinakamalaking biyayang ipinagkakaloob ng Panginoon ay hindi pera, pagkain, o materyal na bagay.

Kundi ang pagkakaroon ng mabuting pusoโ€”isang pusong marunong magbahagi, marunong umunawa, at higit sa lahat, marunong magsabing:

โ€œKaunti man ito, nagpapasalamat ako. Dahil kahit kaunti, may naiabot sa akin. At higit sa lahat, hindi ako nakalimutan.โ€

Serbisyong hindi kailangang marami para maramdaman.
Serbisyong ang hangarin ay walang maiiwan. ๐Ÿค

Serbisyong Nararamdaman, Lahat Makikinabang! โค๏ธNaipamahagi ngayong araw ang relief goods para sa mga pamilyang residente...
27/08/2026

Serbisyong Nararamdaman, Lahat Makikinabang! โค๏ธ

Naipamahagi ngayong araw ang relief goods para sa mga pamilyang residente ng Purok Bonifacio Purok Del Pilar , Purok Magsaysay East and West mula sa pondong nakalaan para sa AICS ng ating Barangay.

Para naman po sa mga residente ng mga nabanggit na purok na hindi pa nakakuha ng relief goods, maaari po ninyo itong kunin sa Barangay Hall sa Biyernes, Agosto 28, 2026.

Layunin po natin na matiyak na ang tulong ay makarating sa mga pamilyang nangangailangan. ๐Ÿค

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pang-unawa.

Serbisyong Totoo, Serbisyong Ramdam! ๐Ÿ’™

๐™Ž๐™ฉ๐™–๐™ง๐™ฉ ๐™ฃ๐™– ๐™ฅ๐™ค ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™๐™š๐™ก๐™ž๐™š๐™› ๐˜ฟ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™ง๐™ž๐™—๐™ช๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™ช๐™ง๐™ค๐™  ๐˜ฝ๐™ค๐™ฃ๐™ž๐™›๐™–๐™˜๐™ž๐™ค ๐™–๐™ฉ ๐˜ฟ๐™š๐™ก ๐™‹๐™ž๐™ก๐™–๐™ง ๐™™๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™จ๐™– ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™–๐™ง๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฎ ๐™‹๐™ก๐™–๐™ฏ๐™– :-)
27/08/2026

๐™Ž๐™ฉ๐™–๐™ง๐™ฉ ๐™ฃ๐™– ๐™ฅ๐™ค ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™๐™š๐™ก๐™ž๐™š๐™› ๐˜ฟ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™ง๐™ž๐™—๐™ช๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™ช๐™ง๐™ค๐™  ๐˜ฝ๐™ค๐™ฃ๐™ž๐™›๐™–๐™˜๐™ž๐™ค ๐™–๐™ฉ ๐˜ฟ๐™š๐™ก ๐™‹๐™ž๐™ก๐™–๐™ง ๐™™๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™จ๐™– ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™–๐™ง๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฎ ๐™‹๐™ก๐™–๐™ฏ๐™– :-)

Address

Barangay San Julian
Moncada
2308

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay San Julian Moncada, Tarlac posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share