23/03/2026
PUBLIC HEARING || Petition for Temporary Tricycle Fare Hike
March 23, mga g**o at magulang mula sa Pederasyon ng Parent-Teacherโs Associations at mga kasapi ng Moncada Peopleโs Council na binubuo ng ibaโt ibang Civil Society Organizations at NGOs.
Matapos ang serye ng mga katanungan, diskusyon at palitan ng saloobin ng mga officials at stakeholders, ay nakamtan din sa huli ang consensus para sa isang maayos na desisyon na nararapat at patas para sa lahat.
Hinikayat naman ni Mayor RB Aquino ang lahat, ang riding public at mga TODA na magkaroon ng sapat na pagkakaunawaan ang bawat isa at magtulungan upang maging maayos ang pagpapatupad ng mga polisiya tungkol sa fare hike at iba pang mga batas at ordinansa para sa kapakanan ng bawat Moncadenian.
Inaasahang didinggin bukas, araw ng Martes, ang panukalang provisional fare hike sa regular session ng Sangguniang Bayan para sa pinal nitong pagpasa at pagpapatibay. # # # #