03/09/2026
🟣Sept. 03, 2026
Magandang Gabi mga Kabarangay ‼️
PABATID PUBLIKO: Programang "Trash to Cashback" sa Barangay Batasan Hills ♻️🇵🇭
Muling inaanyayahan ng ating Butihing Punong Barangay Kap. Jojo Abad at ng Sangguniang Barangay ang lahat ng mamamayan ng Batasan Hills na lumahok sa programang Trash to Cashback. Ang inisyatibong ito ay naglalayong isulong ang wastong pamamahala ng basura at panatilihin ang kalinisan sa ating pamayanan.
Detalye ng Gawain:
Lokasyon: Garland St., Session Road
Petsa: Setyembre 29, 2026 (Martes)
Maaari ninyong dalhin ang inyong mga nakalap na recyclables (tulad ng mga basyong bote ng plastik, papel, at karton) upang maipalit sa katumbas na Environmental Points o cashback.
Inaasahan po ang patuloy na kooperasyon ng bawat isa para sa mas malinis, maayos, at maunlad na Barangay Batasan Hills.
https://www.facebook.com/share/p/17vKdFGKrj/