18/09/2026
𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐫, 𝐈𝐤𝐚𝐰 𝐍𝐚𝐦𝐚𝐧! 💙💛
Mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5, ating ipinagdiriwang ang 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐫𝐬’ 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡 bilang pagkilala at pasasalamat sa ating mga g**o na patuloy na nagbibigay ng kanilang panahon, kaalaman, malasakit, at dedikasyon para sa bawat mag-aaral.
Higit pa sa pagtuturo ng mga aralin, ang mga g**o ay nagsisilbing 𝑡𝑎𝑔𝑎𝑝𝑎𝑦𝑜, 𝑡𝑎𝑔𝑎𝑝𝑎𝑔𝑡𝑢𝑟𝑜 𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑝𝑎𝑝𝑎ℎ𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎, 𝑡𝑎𝑔𝑎𝑝𝑎𝑔𝑏𝑖𝑔𝑎𝑦 𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑠𝑝𝑖𝑟𝑎𝑠𝑦𝑜𝑛, at 𝑘𝑎𝑡𝑢𝑤𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑤𝑎𝑡 𝑚𝑎𝑔-𝑎𝑎𝑟𝑎𝑙 sa pagharap sa mga hamon. Sa bawat araling inihahanda, tanong na sinasagot, payong ibinibigay, at pangarap na sinusuportahan, may g**ong tahimik na gumagabay tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.
Ang kanilang natatanging kontribusyon ay hindi lamang nasusukat sa mga marka at akademikong tagumpay. Makikita rin ito sa mga 𝑝𝑎𝑔𝑝𝑎𝑝𝑎ℎ𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑖𝑝𝑎𝑚𝑢𝑚𝑢𝑙𝑎𝑡, sa 𝑡𝑖𝑤𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑏𝑢𝑏𝑢𝑜, at sa mga 𝑘𝑎𝑏𝑎𝑡𝑎𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 ℎ𝑖𝑛𝑢ℎ𝑢𝑏𝑜𝑔 upang maging responsableng mamamayan at bahagi ng isang mas mabuting lipunan.
Kaya ngayong buwan, Teacher, Ikaw Naman! Ating bigyang-pugay, pasalamatan, at iparamdam sa ating mga g**o ang kanilang halaga.
𝑺𝒂 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒈𝒖𝒓𝒐—𝒎𝒂𝒓𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒕 𝒔𝒂 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒘𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒘𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒈𝒂𝒃𝒂𝒚, 𝒑𝒂𝒈-𝒖𝒏𝒂𝒘𝒂, 𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒈𝒎𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍 𝒔𝒂 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒎𝒂𝒈-𝒂𝒂𝒓𝒂𝒍. 𝑲𝒂𝒚𝒐 𝒏𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒃𝒊𝒃𝒊𝒈𝒚𝒂𝒏𝒈-𝒑𝒂𝒏𝒔𝒊𝒏, 𝒃𝒊𝒃𝒊𝒈𝒚𝒂𝒏𝒈-𝒑𝒖𝒈𝒂𝒚, 𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒔𝒂𝒔𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒕𝒂𝒏.