30/10/2023
~ Hello madlang pipol, mabuhay!! πΆ
Mabuhay po ang bagong kapitan na maglilingkod ng buong puso at katapatan sa ating minamahal na barangay Binaritan! π
Binabati ka namin at maligayang kaarawan, KAPITAN ROBERTO "BAROY" DEL ROSARIO!! π«‘π
Walang nang mas hihigit pa sa regalong ipanagkaloob ng Maykapal na makapaglingkod sa ating barangay.
Taos puso po ang pasasalamat na nais ipahatid ng ating bagong kapitan, kanyang pamilya at buong TEAM DEL ROSARIO sa buong pusong pagtitiwala niyo sa sa amin! π€
Pagbati rin po para sa ating mga bagong kagawad na sina kagawad Roy Perez, kagawad Zenaida "Naiding" Teodoro, SK kagawad Jemiel Pastelero at SK kagawad Patrick Pilipino na mga nagmula sa TEAM DEL ROSARIO!! π
Hindi man pinalad ang lahat sa aming team ay hindi mabubura ang masasaya at nakakapagod na mga karanasan na aming pinagsaluhan kasama ang mga mamamayan ng barangay Binaritan. Nais pa rin po naming magpasalamat ng buong puso sa madla ng barangay Binaritan. Maraming maraming salamat po!! π₯°
Pagbati rin po para sa lahat ng nanalo at napiling maglingkod sa ating barangay! π
Asahan niyong magiging karamay niyo kami sa progreso at lahat ng kalamidad na kakaharapin ng ating barangay.
Mabuhay, Kapitan Baroy!
Mabuhay, Team Del Rosario!
Mabuhay, Barangay Binaritan!
Laban Binaritan! Karapatan Ipaglaban ng may paninindigan! β€οΈπ