Sangguniang Kabataan ng Barangay Villa Isla

Sangguniang Kabataan ng Barangay Villa Isla Mabuhay ang Kabataan ng Barangay Villa Isla! Para sa bayan, para sa kabataan, at para sa masa.

01/09/2026

KK ASSEMBLY 2026
VIDEO HIGHLIGHT

01/09/2026

Sibol Year 2
VIDEO HIGHLIGHT

“𝐊𝐚𝐥𝐚𝐩𝐚𝐬𝐭𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐦𝐢𝐤𝐢𝐭 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐠𝐡𝐚𝐡𝐚𝐧𝐠𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐄𝐝𝐮𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧.”𝐋𝐢𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐈-𝐒𝐊-𝐎𝐋𝐀𝐑, limang taon ng pagpili na hi...
01/09/2026

“𝐊𝐚𝐥𝐚𝐩𝐚𝐬𝐭𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐦𝐢𝐤𝐢𝐭 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐠𝐡𝐚𝐡𝐚𝐧𝐠𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐄𝐝𝐮𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧.”

𝐋𝐢𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐈-𝐒𝐊-𝐎𝐋𝐀𝐑, limang taon ng pagpili na hindi pumikit sa mga pangarap ng kabataan.

Matagumpay nating ipinagdiwang ang 𝟓𝐭𝐡 𝐘𝐞𝐚𝐫 𝐨𝐟 𝐈-𝐒𝐊-𝐎𝐋𝐀𝐑, isang patuloy na hakbang ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Villa Isla upang suportahan ang mga kabataang nagsusumikap makamit ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng edukasyon.

Dahil sa likod ng bawat estudyanteng nangangarap ay may kwento ng pagsisikap, sakripisyo, at pag-asa. At bilang lingkod-kabataan, tungkulin nating makita, marinig, at suportahan ang mga pangarap na iyon.

Hindi dapat hadlangan ng kakulangan ang pangarap. Hindi dapat maging pribilehiyo lamang ang edukasyon.

Sa 𝐥𝐢𝐦𝐚𝐧𝐠, patuloy nating pinatutunayan na kapag binigyan ng pagkakataon ang kabataan, mas malayo ang kaya nilang marating.

Para sa bawat iskolar, sa bawat pangarap, at sa bawat kinabukasang nais abutin—Patuloy tayong 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐢𝐩𝐢𝐤𝐢𝐭. Patuloy tayong 𝐤𝐢𝐤𝐢𝐥𝐨𝐬. Patuloy nating 𝐬𝐮𝐬𝐮𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 ang kabataan.💚







PART II - Laro ng Lahi
01/09/2026

PART II - Laro ng Lahi

LARO NG LAHI: SUCCESSFULLY CONCLUDED!Pawis? Meron. Tawanan? Sobra. Competitive? Medyo… pero friendly!🏆Matagumpay na nais...
01/09/2026

LARO NG LAHI: SUCCESSFULLY CONCLUDED!

Pawis? Meron. Tawanan? Sobra. Competitive? Medyo… pero friendly!🏆

Matagumpay na naisagawa ang Laro ng Lahi bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan ng Barangay Villa Isla! 🎉

Mula sa bawat sigawan at tawanan hanggang sa bawat takbuhan, habulan, at paligsahan, muling nabuhay ang mga larong kinalakihan ng ating mga Pilipino. Masaya mang maglaro, mas mahalaga ang pagkakaisa, pakikipagkaibigan, sportsmanship, at pakikilahok na ipinakita ng ating kabataan. 🤝💚

Hindi lang tayo naglaro—bumalik tayo sa mga larong walang Wi-Fi, walang battery, at walang “low storage,” pero punong-puno ng saya!😂

Maraming salamat sa lahat ng kabataang nakiisa, nakisaya, at nagpakita ng kanilang energy! Kayo ang patunay na kahit maraming bagong uso ngayon, may puwang pa rin sa puso ng kabataan ang mga larong Pinoy.🇵🇭✨

Laro ng Lahi done!✅
Saya? 100%.
Pawis? 100%.
Memories? Priceless.

Tuloy-tuloy ang saya, pagkakaisa, at pagkilos para sa kabataan!
PART I







GENERAL ASSEMBLY: SUCCESSFULLY CONCLUDED!Attendance? Present.Participation? Present na present!Active youth? Villa Isla ...
01/09/2026

GENERAL ASSEMBLY: SUCCESSFULLY CONCLUDED!

Attendance? Present.
Participation? Present na present!
Active youth? Villa Isla never disappoints!🔥🗣️

Matagumpay na naisagawa ang General Assembly ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Villa Isla, na dinaluhan ng napakaraming aktibong kabataan. Para sa amin, hindi lang ito tungkol sa dami ng dumalo—ito ay bunga ng tuloy-tuloy na trabaho, pakikipag-ugnayan, at pagsisikap ng SK na mas mapalapit at mas mapakinggan ang kabataan.

Sa bawat programang inilulunsad, bawat aktibidad na isinasagawa, at bawat pagkakataong binubuksan para sa kabataan, unti-unti nating nabubuo ang isang mas aktibo at mas nagkakaisang youth community. 💚

Kaya ang dami ng kabataang dumalo sa General Assembly ay isang magandang patunay na kapag may tunay na serbisyo at malasakit, sumasabay ang kabataan.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa! SK works, youth responds.💪✨

Assembly done. Trust earned. Youth engaged. Work continues.







JUST IN | LARO NG LAHI!🚨Balik-kabata, balik-laro! 🏃‍♀️🎉Mainit ang laban, mas mainit ang tawanan! Sa Laro ng Lahi ngayong...
31/08/2026

JUST IN | LARO NG LAHI!🚨

Balik-kabata, balik-laro! 🏃‍♀️🎉

Mainit ang laban, mas mainit ang tawanan! Sa Laro ng Lahi ngayong Linggo ng Kabataan, buhay na buhay ang traditional Filipino games habang ipinapakita ng kabataan ang lakas, bilis, diskarte, at teamwork!🇵🇭💪

Mula sa tawanan hanggang sa friendly competition—walang talo kapag sama-sama! 🤝✨

Kwentong kabataan. Larong Pilipino. Alaala habang-buhay.❤️





PART II
31/08/2026

PART II

Address

Barangay Villa Isla, Science City Of Muñoz, Nueva Ecija
Muñoz
3119

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Barangay Villa Isla posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share