01/12/2025
𝐏𝐡𝐢𝐥𝐑𝐢𝐜𝐞 𝐧𝐚𝐠-𝐥𝐞𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐯𝐢𝐬𝐢𝐭 𝐬𝐚 𝐏𝐇𝐢𝐥𝐌𝐞𝐜𝐡
Upang mapalawak ang ugnayan at palitan ng kaalaman sa pagitan ng dalawang pangunahing institusyon sa sektor ng bigas, nagsagawa ng learning visit ang mga empleyado ng Department of Agriculture-PhilRice sa PHilMech.
Sa naturang pagbisita, binigyan sila ng overview tungkol sa mga programa at inobasyon ng PHilMech na naglalayong itaas ang produktibidad at kahusayan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng makinarya at modernong teknolohiya.
Bilang mahalagang bahagi ng aktibidad, dinala ang grupo sa Technology Management and Demonstration Center, kung saan nakita at natutunan nila ang iba’t ibang developed technologies ng ahensya.
Sa kabuuan, ang pagbisita ay nagsilbing plataporma para palakasin ang kolaborasyon ng PhilRice at PHilMech, na kapwa nagsusulong ng mas makabago, episyente, at progresibong sektor ng pagsasaka sa bansa.