28/08/2026
MGA LARAWAN | Linggo ng Kabataan 2026 Tree Planting & Clean up Drive Activity
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Science City of Muรฑoz sa Linggo ng Kabataan ngayong taon, isinagawa ngayong umaga, August 21, 2026, ang isang Tree Planting & Clean up Drive Activity sa Barangay Catalanacan Memorial Cemetery na pinangunahan ng Local Youth Development Council katuwang ang Environment and Natural Resources Office (ENRO) ng lungsod agham.
Nakapagtanim ng higit isang daang flowering trees ang nasabing aktibidad kung saan pangunahing nakibahagi ang Libis Ballers, Order of DeMolay Kalikasan Chapter, Muรฑoz National High School (MNHS) - Main Volleyball Club, MNHS - Annex SSGL, at Alpha Kappa Rho - Muรฑoz Council.