05/05/2026
TINGNAN: Sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan, pormal na nanumpa sa tungkulin ang labing-isang (11) opisyal ng Samahan ng mga Tourism Officers (SAMATO)-Quezon para sa taong 2026 nitong Mayo 4.
Inaasahan na sa pamamagitan ng kanilang pamumuno, dedikasyon, at mga makabagong inisyatiba, lalo pang mapauunlad at maipapakilala ang mga natatanging destinasyon at yaman ng turismo sa lalawigan ng Quezon, na magbibigay daan sa mas masiglang ekonomiya at mas malawak na oportunidad para sa mga Quezonians.