31/05/2026
๐๐น๐ผ๐ฟ๐ฒ๐ ๐ฑ๐ฒ ๐ ๐ฎ๐๐ผ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ผ๐ธ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฎ๐ป ๐ฃ๐ฒ๐ฑ๐ฟ๐ผ ๐๐ฝ๐ผ๐๐๐ผ๐น | ๐ ๐๐น๐ฎ๐ป๐ฎ๐, ๐ค๐๐ฒ๐๐ผ๐ป | ๐ ๐ฎ๐ ๐ฏ๐ฌ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Taos-pusong nagpapasalamat ang Lokal na Pamahalaan ng Mulanay sa pangunguna ni Mayor Aristotle L. Aguirre, katuwang ang Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Jay E. Castilleja, na nagsilbing Hermano ng pagdiriwang ng Flores de Mayo ngayong taon, sa lahat ng mga nakiisa, tumulong, at naglaan ng kanilang panahon, pagsisikap, at suporta upang maging matagumpay ang Sagala at ang kabuuan ng selebrasyon.
Ang makulay at makahulugang pagdiriwang ng Flores de Mayo ay sumasalamin sa matibay na pananampalataya at patuloy na pagpapahalaga ng mga Mulanayin sa ating mayamang kultura at tradisyong Kristiyano. Ito rin ang pagkakataon upang magbigay-pugay at magparangal kay Mahal na Birheng Maria, ang Reyna ng mga Bulaklak, bilang huwaran ng kababaang-loob at ganap na pagtitiwala sa kalooban ng Diyos.
Nawaโy patuloy tayong manalangin at humingi ng patnubay kay Mahal na Birheng Maria upang manatiling matatag ang ating pananampalataya, at patuloy na gabayan ang bawat pamilya tungo sa kapayapaan, pagkakaisa, kaunlaran at patuloy na pagpalain ng Poong Maykapal ang ating bayan.