Science City of Muñoz

Science City of Muñoz The Science City of Muñoz, Nueva Ecija is located 147km Northeast of Manila.

EMERGENCY HOTLINE NUMBERS


LGU Science City of Muñoz
(9:00AM-4:00PM Monday-Friday)
- (044) 456 5505 (Landline)
- 146.270 (Radio)


CDRRMO Rescue 3119
- (044) 456 3119 (Landline)
- 0966 774 6951 (Globe)
- 0912 846 6896 (Smart)


Ospital ng Lungsod Agham ng Muñoz (OsLAM)
- (044) 511 6234 (Landline)
- 0977 776 9802
- 0939 930 0986 (ER)
- [email protected] (Email)


PNP Muñoz Station
- (

044) 456 0104 (Landline)
- 0915 599 1424 (Globe)
- 0998 598 5417 (Smart)


BFP Muñoz Station
- (044) 456 5893 (Landline)
- 0954 178 1747 (Globe)
- 0922 735 9848 (Smart)


CLSU Hospital
- (044) 940 6978 (Landline)


NEECO
- 0933 823 1894 (Globe)
- 0918 912 6007 (Smart)


Muñoz Water District - PrimeWater
(9:00AM-4:00PM)
- (044) 456 0599 (Landline)


City Health Office
(9:00AM-4:00PM Monday-Friday)
- (044) 940 6886 (Landline)
- (044) 950 6748 (Landline)
- (044) 604 9941 (Landline)


CSWDO
- (044) 940-9367 (Landline)
- 0932 172 2047

GUNITA | Araw ng KalayaanAng pagmamahal ay mapagpalaya. Sa ika-128 na taong pagdiriwang ng kabuuang kasarinlan ng ating ...
11/06/2026

GUNITA | Araw ng Kalayaan

Ang pagmamahal ay mapagpalaya.

Sa ika-128 na taong pagdiriwang ng kabuuang kasarinlan ng ating bansa mula sa pwersa ng imperyalismo, marapat lamang na tingnan natin ito nang may malalim na pag-usisa at pagninilay.

Dahil ang dangal, tapang, at kagitingang nangahas na sumupil sa ngalan ng kalayaan, ay mga panganay na bunga ng masidhing pagmamahal— para sa sarili, para sa kapwa, at para sa bayan.

Ang araw na ito ay hindi lamang pag-alala sa lahat ng katawang tumindig nang buong tikas, kundi pati na rin sa lahat ng pusong nabagbag at namulat.

Nawa’y muling mag-alab sa ating gunita ang makabayang pagmamahal, nang sa gayo’y maisabuhay sa ating patuloy pag-iral, at maibahagi pa sa mas malawak na mga panawagan ng buong kalayaan.

Sapagkat upang maging tunay na mapagpalaya ang pagmamahal, dapat ay maging malaya muna tayong magmahal.

No need to travel, PHINMA AU is coming to our town!Hassle-free enrollment?Posible!📍 Science City of Munoz, Nueva Ecija📌 ...
11/06/2026

No need to travel, PHINMA AU is coming to our town!
Hassle-free enrollment?
Posible!

📍 Science City of Munoz, Nueva Ecija
📌 Municipal Gym |
⏱️ 9:00AM-2:00PM | 🗓️ June 19, 2026 (Friday)

Enrollment is OPEN for incoming 1st-year college & SHS - SY2627

Enroll now:

https://share.hsforms.com/1FvWz1E5ZTMul0NPFBDg9RQdu1n5
share.hsforms.com
Or SCAN the QR code

MGA LARAWAN | BMIS Training para sa BPWs, isinagawa sa City Tourism OfficeBilang pagpapaigting sa hanay ng Barangay Popu...
11/06/2026

MGA LARAWAN | BMIS Training para sa BPWs, isinagawa sa City Tourism Office

Bilang pagpapaigting sa hanay ng Barangay Population Workers (BPWs) sa buong Science City of Muñoz, isinagawa ang isang Barangay Management Information System (BMIS) Training ngayong araw, June 11, 2026, sa City Toursim Office na siyang inaasahang makapag-aambag sa mas mabilis at maayos na pagdaloy ng serbisyo publiko sa mga mamamayan ng lungsod agham.

Ang pagsasanay na ito ay paghahanda rin sa patuloy na paglago ng mga pamamaraan sa pagngangalap, pagtatala, at pag-uulat ng mga datos na siyang makatutulong sa paghuhulma ng mga polisiyang nakatulon sa kolektibong kaunlaran.

TINGNAN | Nueva Ecija Provincial Gov’t at Ako Ang Saklay Inc., inilunsad ang “Spore to Soar” Project sa lungsodBilang pa...
11/06/2026

TINGNAN | Nueva Ecija Provincial Gov’t at Ako Ang Saklay Inc., inilunsad ang “Spore to Soar” Project sa lungsod

Bilang pagsuporta sa komunidad ng mga Persons With Disabilities (PWDs) sa Science City of Munoz, ihinandog ng panlalawigang pamahalaan ng Nueva Ecija, katuwang ang Ako Ang Saklay Inc., ang “Spore to Soar” project sa Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) Building, City Tourism Park ngayong araw, June 11, 2026.

Sa bisa ng temang “Nurturing Abilities, Growing Sustainable Livelihoods Through Mushroom Cultivation for Persons With Disabilities (PWDs),” nagkaloob ng 100 mushroom fruiting bags ang nasabing proyekto sa 100 ding PWD beneficiaries.

Dinaluhan ang nasabing programa nina City Mayor Baby Armi L. Alvarez, City Social Welfare and Development Office (CSWDO) Head Ms. Gabriela B. Fernandez, at PWD Federation President Mr. Raffy G. Palapuz, bilang karagdagang pagkilala sa proyektong ukol sa pagpapaunlad ng komunidad ng mga PWDs sa lungsod agham.

Nagbigay rin ng natatanging pagdalo ang Ako Ang Saklay Inc. sa katauhan nina Ms. Rhica Mae Pagdanganan at Mr. Felipe Bartolome, na siya ring nagsilbing resource speaker at demonstrator ng mushroom cultivation.

MGA LARAWAN | Galing ng Muñozonian sa larangan ng palakasan, ginawaran ng parangal sa Flag Raising CeremonyItinampok nga...
08/06/2026

MGA LARAWAN | Galing ng Muñozonian sa larangan ng palakasan, ginawaran ng parangal sa Flag Raising Ceremony

Itinampok ngayong umaga, June 8, 2026, sa lingguhang Flag Raising Ceremony ang naging mabungang pagrepresenta ng mga piling kinatawan sa iba’t ibang kategorya ng sports.

Unang kinilala ang mga nagwagi sa Hermit Knight Chess Nueva Ecija Intertown 2-on-2 Team Tournament na ginanap sa Pavilion Park, Science City of Muñoz noong nakaraang Sabado, June 6, 2026.

Nag-uwi ng 2nd Runner-up placement ang Team PNP na sina Chief of Police Lorvinn Layugan at Arena FIDE Master Samuel Ganado sa nasabing patimpalak, habang 1st Runner-up title naman ang nakamit nina Lance Ganado at Mark Pangilinan ng Team Maligaya.

Bukod dito, kinilala rin si Mark Pangilinan bilang Best Board 2 Awardee dahil sa kaniyang malinis na 5-0 win-loss record sa naging torneyo.

Sunod na itinanghal si Renz A. Ariola na siyang nagbitbit ng pangalan ng Science City of Muñoz sa Palarong Pambansa 2026 na ginanap sa Prosperidad, Agusan Del Sur nito lamang nakalipas na May 21-30.

Sa ilalim ng pagsasanay ni Coach Lea Irish Antolin, nasungkit ni Ariola ang tanso sa Orthopedic Handicap Shot-put na siyang malaking karagdagan sa kabuuang tala ng mga medalya ng Region 3 na may 27 na ginto at pilak, at 33 na tansong parangal sa pagtatapos ng taunang palaro.

TINGNAN | CDRRMO at CIO benchmarking, isinagawa sa Alaminos CitySa pangunguna nina Engr. Randy Baldedara, Department Hea...
05/06/2026

TINGNAN | CDRRMO at CIO benchmarking, isinagawa sa Alaminos City

Sa pangunguna nina Engr. Randy Baldedara, Department Head ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), at Ms. Sheila Umagat, Department Head ng City Information Office, dumulog ang mga kawani ng mga nasabing opisina sa lokal na pamahalaan ng Alaminos City, Pangasinan kahapon, June 4, 2026, upang alamin ang mga “best practices” ng nasabing syudad.

Ang benchmarking activity na ito ay lubos na sinuportahan naman nina Alaminos CDRRMO Head Ms. Mylene O. Manalastas, OIC-City Information Officer, CGADH 1 Venus N. Balgua, at Mayor Arth Bryan Celeste na buong init ang pagsalubong sa pagdating ni Mayor Baby Armi L. Alvarez at Hon. Carmelita Umagat, kasama ang buong delegasyon mula sa Science City of Muñoz.

Bukod sa mga nasabing departamento, nagkaroon din ng obserbasyon ang mga dumalong kawani hinggil sa operasyon ng iba pang opisina gaya ng Civil Registry at Management Information Systems (MIS) na siya namang pinaplano ring bigyan nang mas komprehensibong atensyon ng lungsod agham.

Isa ang Alaminos City sa mga kinikilalang Local Government Unit (LGU) pagdating sa kalidad ng serbisyo hindi lamang sa probinsya ng Pangasinan, kundi maging sa buong Pilipinas. Dahil sa pagbitisang ito, inaasahang mas magiging malapit din ang ugnayan sa pagitan ng dalawang lokal na pamahalaan pagdating sa pagbabahagi ng mga makabuluhang mga sistema at praktika sa hinaharap.

04/06/2026
TINGNAN | City Nutrition Committee, nagsagawa ng kanilang 2nd Quarterly MeetingPinangunahan ni City Nutrition Action Off...
03/06/2026

TINGNAN | City Nutrition Committee, nagsagawa ng kanilang 2nd Quarterly Meeting

Pinangunahan ni City Nutrition Action Officer Eduardo V. Banayat Jr. ang pagpupulong ng City Nutrition Committee ngayong hapon, June 3, 2026, sa City Mayor’s Conference Hall bilang pagsusuri sa mga datos, programa, at iba pang paksaing kaugnay ng kanilang serbisyo.

Ilan sa mga napag-usapan sa nasabing pagtitipon ay ang OTP Plus (Operation Timbang) noong nakaraang quarter pati na ang planong 2nd Round Deworming na magsisimula ngayong buwan.

Kabilang din sa mga napag-usapan ang Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation (MELLPI Pro), ang mga Barangay Nutrition Scholars (BNS), pati na ang nalalapit regional evaluation ng dalawang programang ito.

Nagsilbing paunang paghahanda rin ang pulong na ito sa darating na pambansang selebrasyon ng Nutrition Month sa buwan ng Hulyo, ang kanilang operational budget, at maging ang iba pang batas at polisiyang kaugnay ng kanilang komite.

Kabilang sa naturang komite sina Hon. Carmelita Umagat, Dr. Judith Padilla, at Mr. Jayromie Aromin, na inaasahang lalo pang magiging aktibo ngayong ikalawang quarter ng taon.

TINGNAN | Solo parents mula sa Science City of Muñoz, tumanggap ng libreng training mula sa Department of Trade and Indu...
03/06/2026

TINGNAN | Solo parents mula sa Science City of Muñoz, tumanggap ng libreng training mula sa Department of Trade and Industry (DTI)

Sa nagkaisang koordinasyon ng City Social Development and Welfare Office (CSWDO) at ng Solo Parent Federation ng Science City of Muñoz, isinagawa ang pangmalawakang selebrasyon ng Solo Parents Day ngayong taon sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng entrepreneurship at marketing skills training para sa mga kabahagi ng kaugnay nitong komunidad.

Katuwang ng Lokal na Pamahalaan para sa programang ito ang Department of Trade and Industry (DTI) sa katauhan nina Mr. Darwin P. Manumbali, na nagsilbing speaker para sa marketing, packaging, and labelling training, at Mr. Jovert Reyes na mangunguna naman sa entrepreneurship and business management session.

Sa bisa ng temang “Hindi ka nag-iisa sa iyong Pag-iisa, Yakap at Kalinga para sa Solo Parent,” nagsimula ang nasabing gawain ngayong araw, June 3, 2026, at magpapatuloy hanggang bukas, June 4, 2026 sa Balai Ti Muñoz Tourism Hall.

Mainit na pagbati at pagsaludo po sa lahat ng ating magigiting na solo parents!

Address

Munoz

Opening Hours

Monday 8am - 6pm
Tuesday 8am - 6pm
Wednesday 8am - 6pm
Thursday 8am - 6pm

Telephone

+63444565505

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Science City of Muñoz posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Science City of Muñoz:

Share