06/10/2023
Nagkaroon ng Courtesy Call at nakapanayam ng inyong lingkod nitong September 21, 2023 sa pamamagitan ng KALAHI-CIDSS (Kapit Bisig Laban sa Kahirapan - Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services) Atimonan sa pamumuno ni Mr. Alexander V. Sisperez- KALAHI-CIDSS Area Coordinator ang mula sa National Program Management Office (NPMO) na sina Mr. Anthony P. Ong II (Project Evaluation Officer IV), Mr. Jake M. Garbo (Senior Administrative Assistant V-Database Developer) kasama ang RPMO staff na sina Mr. Reyben Jones Satira (Project Evaluation Officer IV), Mr. Joven Valenzuela (Project Evaluation Officer III) at Mr. John Bonaobra (Project Evaluation III-Grievance) para sa isasagawa nilang validation at spot check kung saan ang Brgy. Ponon ang napiling barangay dito sa bayan ng Atimonan.
Layunin ng pabisita ng ating mga panauhin na patunayan at tiyakin ang kalidad ng datos sa antas ng munisipyo at barangay upang magbigay ng teknikal na tulong sa Regional Program Management Office at Munisipyo nang sa gayun ay matugunan ang mga pagkukulang at hamon na kakaharapin sa panahon ng pagpapatupad ng programa.