22/08/2026
Pwede rin.
At this point, lahat ng pwede makatulong, at the very least, pag-aralan natin and i-consider. 🙏
Kahit sa elementary and junior high school lang kasi yun ang formative years kung saan madali maconfuse ang mga bata.
Need pa rin ng metal detectors para sa mga maliliit na deadly weapons pero at least yung mga malalaki, mahirap itago.
Of course, number one need pa rin GABAY NG MGA MAGULANG. ❤️
Pero reality is, di mawawala sa mundo yung mga magulang na walang pake at pabaya sa sariling anak. At di naman natin pwede antayin tumino mga ganitong klaseng magulang kasi mga anak natin ang nasa panganib everyday. 🤷♂️
Kaya kahit pa medyo nakakatawa yung mga ganitong suggestions, need natin pa rin to “think-outside-the-box”.
Need natin ng mga ganitong possible EXTREME MEASURES para maproteksyunan naman natin ang ating mga pinakamamahal sa buhay.❤️
P.S. Syempre dapat LIBRE na yung bag pag public schools. Dito sa atin sa Muntinlupa, nagbibigay naman na libre school bag ang LGU. So gagawin nalang transparent yung bag. 😅
Sa private naman, pwede na isama sa babayaran na tuition. Di na siguro magcocomplain mga magulang, kasi para sa added safety naman ng nga anak natin yung konting dagdag gastos. Pati di naman kailangan taon-taon palitan.
Pabor ka ba na transparent o clear bags ang gamitin ng mga estudyante?
Ilang mga paaralan kasi sa bansa ang nagpatupad at may ipatutupad na regulasyon.
Kabilang na dito ang mga eskwelahan sa Cotabato at Iloilo, kung saan ang mga estudyante ay pinaggagamit ng mga transparent o clear bags sa loob ng kani-kanilang campus.
Ito ay upang mapalakas umano ang seguridad kasunod na rin ng naitalang pamamar*l sa loob ng isang paaralan sa Zamboanga City.
DISCLAIMER: Radyo Bandera Philippines is an independent media organization. All content posted is for news reporting, public information, and educational purposes only. We do not promote, endorse, or are affiliated with any political party, gambling platform, health product, or individual unless explicitly stated. Viewer discretion is advised, especially for sensitive content.