Muntinlupa Population Development Office

Muntinlupa Population Development Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Muntinlupa Population Development Office, Public & Government Service, Manila S Road, Putatan, Muntinlupa City.

Mandated to spearhead, coordinate and manage programs and projects that will enable the City to establish and maintain a comprehensive, integrated and updated population development information system to analyze population needs.

Matagumpay na naisagawa ang 1st Adolescent Empowerment Lecture Activity ng MunTEEN Kalinga Program para sa ika-anim na B...
27/07/2026

Matagumpay na naisagawa ang 1st Adolescent Empowerment Lecture Activity ng MunTEEN Kalinga Program para sa ika-anim na Batch ng mga Beneficiaries noong Sabado, Hulyo 25, 2026. Tinalakay sa programa ang mahahalagang paksa tungkol sa Consent at Adolescent Sexuality. Layunin nito na palalimin ang kanilang pag-unawa sa kahalagahan ng paggalang sa sariling katawan, pagkilala sa personal na hangganan, at paggawa ng mga responsableng desisyon sa anumang uri ng relasyon.

Naging inspirasyon ng mga kalahok ang kanilang mga natutunan upang maging mas mapanuri sa kanilang mga desisyon, at maging mabuting huwaran sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagtataguyod ng ligtas, may respeto, at may malasakit na kapaligiran para sa susunod na henerasyon.

Ang MunTEEN Kalinga Program ay alinsunod sa Karunungan, Kalusugan, at Kaunlaran Agenda na patuloy na ipinapatupad ng Pamahalaan ng Muntinlupa sa pangunguna ng ating butihing Punong-Lungsod, Ruffy Biazon.






27/07/2026
Happy 12th Birthday, Geril Lee! 💝🎁
27/07/2026

Happy 12th Birthday, Geril Lee! 💝🎁

Alam mo ba isa sa 100 Millionth Filipino ay isang Muntinlupeño?

Siya si Geril Lee Trazares mula Brgy. Poblacion na ipinanganak noong July 27, 2014. Sa kanyang 12th birthday, binati siya ni Mayor Ruffy Biazon at hinikayat na mag-aral nang mabuti at huwag titigil sa pag-abot ng kanyang pangarap.

Grade 7 student si Geril Lee ngayon sa Tunasan National High School, at nangangarap maging pulis. At higit pa sa kanyang mga pangarap, dala niya ang isang natatanging titulo bilang 100 Millionth Filipino, na patuloy na ipinagmamalaki ng Muntinlupa.

🎂 Happy Birthday, Geril! Pagbutihin mo ang iyong pag-aaral. Hiling ng Pamahalaang Lungsod na matupad mo ang iyong mga pangarap at manatiling proud na Muntinlupeño habang dala ang iyong natatanging kuwento sa kasaysayan ng Pilipinas.

Isinagawa ang Parent-Teen Talk Lecture nitong ika-23 ng Hulyo para sa mga magulang at kabataang kalahok ng Alternative L...
27/07/2026

Isinagawa ang Parent-Teen Talk Lecture nitong ika-23 ng Hulyo para sa mga magulang at kabataang kalahok ng Alternative Learning System (ALS) – Bayanan bilang isang makabuluhang hakbang upang patatagin ang ugnayan ng bawat pamilya sa pamamagitan ng bukas na komunikasyon, pag-unawa, at paggabay. Sa bawat sesyon, tinalakay ang mahahalagang paksa na nagbigay ng mas malalim na kaalaman sa mga magulang at kabataan hinggil sa wastong pakikipag-usap, pag-unawa sa emosyon at pagbabago ng mga kabataan. Naging daan ang aktibidad upang hikayatin ang mga magulang na maging mas bukas sa pakikinig at paggabay, habang nabigyan naman ng pagkakataon ang mga kabataan na maipahayag ang kanilang saloobin sa isang ligtas at suportadong kapaligiran.

Sa panahon ngayon kung saan dumarami ang mga insidente ng karahasan sa paaralan at iba pang suliraning kinahaharap ng mga kabataan, lalong napapatunayan ang kahalagahan ng mga programang nagpapalakas sa relasyon ng magulang at anak. Ang isang pamilyang may matatag na komunikasyon ay nagiging unang sandigan ng kabataan upang maipahayag ang kanilang mga pinagdaraanan at makahanap ng tamang gabay bago pa lumala ang anumang suliranin. Sa pamamagitan ng mga gawaing tulad ng Parent-Teen Talk, sama-sama nating naihahanda ang kasalukuyan at susunod na henerasyon na maging mas responsable, may malasakit sa kapwa, at may matibay na pundasyon ng pagmamahal at pag-unawa na magsisilbing susi sa pagbuo ng isang mas ligtas at mas mapayapang komunidad.

Ang Parent-Teen Talk ay nakapailalim sa Karunungan, Kalusugan, at Kaunlaran Agenda ng Lungsod ng Muntinlupa sa pamumuno at gabay ni Mayor Ruffy Biazon.






22/07/2026
22/07/2026

Magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng Local Civil Registry Office - Muntinlupa ng Birth Registration Orientation & Consultation ngayong Sabado:

🗓️ July 25, 2026
⌚️ 7AM - 11AM
📍 Bayanan Elementary School Main

Bahagi ito ng 7K Agenda ni Mayor Ruffy Biazon, para matiyak na lahat ng batang Muntinlupeño ay rehistrado, may legal na pagkakakilanlan, at may access sa serbisyong pangkalusugan at kapakanan.

Tandaan: Ang birth registration ay hindi lang dokumento. Ito ang susi sa edukasyon, kalusugan, proteksyon, at iba pang social benefits, kaya’t sinisiguro ng Pamahalaang Lungsod na walang batang maiiwan mula sa simula pa lang ng kanilang buhay.

Sa patuloy na layunin ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa pamumuno ni Mayor Ruffy Biazon, na mapaigting ang kaalaman...
16/07/2026

Sa patuloy na layunin ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa pamumuno ni Mayor Ruffy Biazon, na mapaigting ang kaalaman at kamalayan ng mga kabataan tungkol sa kanilang kalusugan at kinabukasan, matagumpay na isinagawa ang Sexually Healthy and Personally Empowered-Adolescents (SHAPE-A) ngayong araw, Hulyo 16, 2026 para sa mga mag-aaral ng Alternative Learning System (ALS) – Bayanan.

Tinalakay sa nasabing programa ang Muntinlupa Population Situationer, Adolescent Sexuality, How to be Sexually Responsible, at Prevention of Early Pregnancy. Sa panahon ngayon kung saan madaling maimpluwensiyahan ng iba't ibang impormasyon at social media ang kabataan, mahalagang maisagawa ang mga ganitong klaseng usapin upang mapalawak ang kanilang kaalaman, mapaunlad ang kanilang kakayahang magpasya nang may pananagutan, at mahikayat silang pahalagahan ang kanilang kalusugan, edukasyon, at mga pangarap sa buhay.

Ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang aktibong pakikilahok at pagnanais na maging responsableng kabataan sa pamamagitan ng mga mahahalagang aral na hindi lamang magsisilbing gabay sa kanilang personal na buhay, kundi maaari rin nilang ibahagi sa kanilang mga kapwa kabataan nang sa gayon ay sama-samang makabuo ng isang komunidad na may sapat na kaalaman, malasakit, at maging instrumento ng positibong pagbabago at inspirasyon sa kanilang mga kapwa.






11/07/2026

Ngayong World Population Day, nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa pagsusulong ng isang komunidad kung saan bawat Muntinlupeño, lalo na ang mga kabataan, ay may pagkakataong maabot ang kanilang mga pangarap at buong potensyal.

Sa pamamagitan ng mga programang nakatuon sa edukasyon, kalusugan, kabuhayan, at inklusibong pag-unlad, patuloy nating binubuo ang isang mas matatag at mas handang Muntinlupa para sa susunod na henerasyon.

Empowered youth, sustainable future. Sama-sama nating isulong ang isang lungsod na walang naiiwan at may pantay na oportunidad para sa lahat.

Address

Manila S Road, Putatan
Muntinlupa City
1772

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Muntinlupa Population Development Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Muntinlupa Population Development Office:

Shortcuts

Share