04/09/2026
UGNAYAN DIALOGUE | SOUTHERN POLICE DISTRICT
Noong Setyembre 4, 2026, isinagawa ang Ugnayan Dialogue sa pagitan ng Southern Police District (SPD) at Muntinlupa City Muslim Affairs Office (MCMAO) sa Timbol Compound, Barangay Putatan, Muntinlupa City.
Kinatawan ng Muntinlupa City Muslim Affairs Office (MCMAO) si Brother JANALODIN T. GUILING Pinuno ng Tanggapan. Dumalo naman mula sa SPD sina PMSg MANSOR S. CADAL ng Salaam Police Center, PCOL SAMUEL B. PABONITA, Chief ng District Community Affairs and Development Division (DCADD), at PSSg EDFUELO L. TANJILI, Salaam Focal ng Muntinlupa City Police Station.
Layunin ng nasabing dayalogo na mapalakas ang koordinasyon, ugnayan, at pagtutulungan ng kapulisan at ng pamayanang Muslim, gayundin ang pagpapalalim ng komunikasyon at pagkakaunawaan para sa kapayapaan at kaayusan ng komunidad.
Patuloy na isinusulong ng Muntinlupa City Muslim Affairs Office sa pamamagitan ng suporta ng butihing ama ng lungsod Mayor RUFFY BIAZON ang mga programang nagtataguyod ng maayos na koordinasyon, inklusibong serbisyo, at matatag na ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at ng pamayanang Muslim.