Cupang Youth Federation

Cupang Youth Federation Samahan na nagbibigay programa para sa mga Kabataan.

TEAM CHERMAN HENDRIK VIZCARRA ๐Ÿ’™Ang tunay na lakas ng isang koponan ay nakikita sa pagkakaisa, tiwala, at iisang layunin ...
22/07/2026

TEAM CHERMAN HENDRIK VIZCARRA ๐Ÿ’™

Ang tunay na lakas ng isang koponan ay nakikita sa pagkakaisa, tiwala, at iisang layunin na maglingkod sa kabataan.

Sama-sama nating isulong ang mga programang may konkretong aksyon ๐Ÿฉต๐Ÿ’™๐Ÿฉต

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐€๐ญ๐ž ๐€๐ง๐ ๐ž๐ฅ ๐Ž๐ฅ๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐จ๐ฌ! ๐ŸŽ‰๐Ÿ’™Maraming salamat sa iyong walang sawang paggabay bilang aming CYF Adviser. Sa...
29/06/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐€๐ญ๐ž ๐€๐ง๐ ๐ž๐ฅ ๐Ž๐ฅ๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐จ๐ฌ! ๐ŸŽ‰๐Ÿ’™

Maraming salamat sa iyong walang sawang paggabay bilang aming CYF Adviser. Salamat sa pagiging mabuting tagapayo ng ating samahan at sa iyong aktibong pangunguna sa mga proyektong pangkabataan at pangkomunidad.

Nawa'y pagpalain ka pa ng Diyos ng mabuting kalusugan, masayang puso, at mahabang buhay. Mabuhay ka pa nang matagal dahil kailangan ka ng kabataan at ng buong Barangay Cupang.

Maligayang Kaarawan, Ate Angel! ๐Ÿ’›

- Cupang Youth Federation

๐—™๐—œ๐—ฅ๐—ฆ๐—ง ๐— ๐—จ๐—ก๐—ง๐—œ๐—ก๐—Ÿ๐—จ๐—ฃ๐—” ๐—ฌ๐—ข๐—จ๐—ง๐—› ๐—›๐—”๐—ก๐—š๐—ข๐—จ๐—ง | ๐—•๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—จ๐—–๐—”๐—งNoong ika-30 ng Mayo 2026, nakiisa ang Cupang Youth Federation sa kauna-u...
31/05/2026

๐—™๐—œ๐—ฅ๐—ฆ๐—ง ๐— ๐—จ๐—ก๐—ง๐—œ๐—ก๐—Ÿ๐—จ๐—ฃ๐—” ๐—ฌ๐—ข๐—จ๐—ง๐—› ๐—›๐—”๐—ก๐—š๐—ข๐—จ๐—ง | ๐—•๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—จ๐—–๐—”๐—ง

Noong ika-30 ng Mayo 2026, nakiisa ang Cupang Youth Federation sa kauna-unahang Muntinlupa Youth Hangout na ginanap sa Barangay Sucat.

Ang Youth Hangout ay isang buwanang programa ng Youth Division ng Youth Affairs and Sports Development Office (YASDO) ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa na iikot sa iba't ibang barangay bawat buwan. Layunin nitong pagtibayin ang pagkakaisa, kooperasyon, at koneksyon ng mga kabataan mula sa siyam (9) na barangay ng lungsod. Nagsisilbi rin itong pagkakataon upang magkaroon ng mas matibay na samahan, pagtutulungan, at pagkakaunawaan ang iba't ibang samahang pangkabataan para sa sama-samang pag-unlad ng Lungsod ng Muntinlupa.

Dumalo ang Cupang Youth Federation sa makabuluhang gawaing ito sa pangunguna ni Federation President Tin Pelovello, katuwang sina SK Chairman Ian Papa at SK Kagawad Hendrik Vizarra, bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa mga programang nagtataguyod ng aktibong partisipasyon ng kabataan at pagpapalakas ng ugnayan ng mga organisasyong pangkabataan sa lungsod.

Patuloy ang Cupang Youth Federation sa pakikiisa sa mga programang nagsusulong ng pagkakaisa, liderato, at makabuluhang pakikilahok ng kabataan tungo sa isang mas progresibo at mas nagkakaisang Muntinlupa.

๐Ÿญ๐Ÿต ๐—”๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—Ÿ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐๐€๐“๐€๐๐† ๐“๐‘๐„๐’ ๐˜๐Ž๐”๐“๐‡ ๐Ž๐‘๐†๐€๐๐ˆ๐™๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐„๐‹๐„๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Ž๐… ๐๐„๐– ๐’๐„๐“ ๐Ž๐… ๐Ž๐…๐…๐ˆ๐‚๐„๐‘๐’Naganap noong ika-19 ng Abril 2026 (Linggo...
20/04/2026

๐Ÿญ๐Ÿต ๐—”๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—Ÿ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐๐€๐“๐€๐๐† ๐“๐‘๐„๐’ ๐˜๐Ž๐”๐“๐‡ ๐Ž๐‘๐†๐€๐๐ˆ๐™๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐„๐‹๐„๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Ž๐… ๐๐„๐– ๐’๐„๐“ ๐Ž๐… ๐Ž๐…๐…๐ˆ๐‚๐„๐‘๐’

Naganap noong ika-19 ng Abril 2026 (Linggo) sa Guapeza Compound ang Eleksyon ng Bagong Hanay ng mga Opisyales ng Batang Tres Youth Organization. Ito ay pinangunahan at dinaluhan ng Cupang Youth Federation sa pangunguna ni Pangulong Tin Pelovello.

Asahan po ang mas pinaigting na mga programa at proyektong ilulunsad ng Batang Tres Youth Organization na maglalayong makatulong hindi lamang sa kabataan kundi sa kanilang komunidad.

Taos-pusong pagbati sa lahat ng mga bagong halal na opisyales, at lalong-lalo na sa bagong Pangulo, Christian Jervin Villorente.

Mabuhay ang kabataang Batang Tres!

๐Ÿญ๐Ÿณ ๐—”๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—Ÿ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐‹๐Ž๐‚๐€๐‹๐ˆ๐™๐„๐ƒ ๐๐‹๐€๐๐๐ˆ๐๐† ๐‚๐Ž๐๐’๐”๐‹๐“๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐๐† ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐˜ ๐‚๐”๐๐€๐๐†Isinagawa ang Localized Planning Consultation ng Baran...
17/04/2026

๐Ÿญ๐Ÿณ ๐—”๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—Ÿ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐‹๐Ž๐‚๐€๐‹๐ˆ๐™๐„๐ƒ ๐๐‹๐€๐๐๐ˆ๐๐† ๐‚๐Ž๐๐’๐”๐‹๐“๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐๐† ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐˜ ๐‚๐”๐๐€๐๐†

Isinagawa ang Localized Planning Consultation ng Barangay Cupang, kung saan matagumpay na inilahad at inihain ang mga ipinanukalang programa para sa Youth Development sa Youth Affairs and Sports Development Office (YASDO) ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa.

Ang mga panukala ay inilatag ng mga opisyal ng ibaโ€™t ibang youth organizations sa Barangay Cupang, kabilang ang mga samahang nasa ilalim ng Cupang Youth Federation (CYF) gaya ng Eliseo Youth Organization, Cupang Hoopers Movement Youth Organization, at Sto. Niรฑo Elite, at ibang mga independent youth organizations sa Barangay Cupang.

Ang mga ipinanukalang programa ay nakabatay sa mga isyu at pangangailangan ng kabataan na natukoy ng YASDO, bilang bahagi ng proseso ng pagkalap ng mga input mula sa bawat barangay. Ang mga datos at rekomendasyong ito ay magsisilbing batayan ng YASDO sa pagbuo ng Citywide Youth Development Programs na ipapanukala sa Punong Lungsod, Kagalang-galang Rozzano Rufino โ€œRuffyโ€ B. Biazon, bilang mga solusyong direktang nagmumula sa sektor ng kabataan.

Sa pamamagitan ng prosesong ito, naipakita ang mahalagang papel ng kabataan sa paghubog ng mga programang tutugon sa kanilang aktuwal na pangangailangan sa antas lungsod.

15 APRIL 2026 | ๐๐‘๐„-๐ƒ๐‘๐€๐…๐“๐ˆ๐๐† ๐Ž๐… ๐‹๐Ž๐‚๐€๐‹๐ˆ๐™๐„๐ƒ ๐๐‹๐€๐ ๐…๐Ž๐‘ ๐˜๐Ž๐”๐“๐‡ ๐ƒ๐„๐•๐„๐‹๐Ž๐๐Œ๐„๐๐“ ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐Œ๐’Isinagawa ang Pre-Drafting ng Localized Pla...
17/04/2026

15 APRIL 2026 | ๐๐‘๐„-๐ƒ๐‘๐€๐…๐“๐ˆ๐๐† ๐Ž๐… ๐‹๐Ž๐‚๐€๐‹๐ˆ๐™๐„๐ƒ ๐๐‹๐€๐ ๐…๐Ž๐‘ ๐˜๐Ž๐”๐“๐‡ ๐ƒ๐„๐•๐„๐‹๐Ž๐๐Œ๐„๐๐“ ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐Œ๐’

Isinagawa ang Pre-Drafting ng Localized Plan for Youth Development Programs na nilahukan ng ibaโ€™t ibang samahan ng kabataan sa ilalim ng Cupang Youth Federation, gayundin ng ilang independent youth organizations sa Barangay Cupang.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Youth Affairs and Sports Development Office ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa, katuwang ang Cupang Youth Federation, na naglalayong makabuo ng mga panukalang programa mula sa bawat organisasyon batay sa mga natukoy na isyu at pangangailangan ng kabataan sa lungsod.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagtalakay, nakapaglatag ang mga kalahok ng mga angkop at makabuluhang solusyon upang tugunan ang mga hamon na kinakaharap ng kabataan.

Ginanap ang nasabing aktibidad sa Cupang Events Place.

Lubos ang aming pasasalamat sa Pamahalaang Barangay ng Cupang at sa Sangguniang Kabataan ng Cupang sa kanilang patuloy na suporta sa mga programang pangkabataan.

๐Ÿ“ข ๐€๐๐”๐๐’๐˜๐Ž | ๐˜๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐Œ๐š๐ฌ๐ฌ ๐•๐จ๐ญ๐ž๐ซ ๐‘๐ž๐ ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ƒ๐ซ๐ข๐ฏ๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Isasagawa ng Cupang Youth Federation (CYF) ang Youth Mass Voter Regi...
29/01/2026

๐Ÿ“ข ๐€๐๐”๐๐’๐˜๐Ž | ๐˜๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐Œ๐š๐ฌ๐ฌ ๐•๐จ๐ญ๐ž๐ซ ๐‘๐ž๐ ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ƒ๐ซ๐ข๐ฏ๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Isasagawa ng Cupang Youth Federation (CYF) ang Youth Mass Voter Registration Drive bilang isang inisyatiba upang mas maraming kabataan ng Barangay Cupang ang mahikayat na magparehistro at bumoto sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2026.

๐Ÿ—“ Iskedyul: Pebrero hanggang Mayo 2026
โฐ Oras: 8:00 AM โ€“ 5:00 PM
๐Ÿ“ Lugar: COMELEC Satellite Office, Ayala Malls Alabang, Lungsod ng Muntinlupa
Ang mga kabataang lalahok ay ihahatid mula sa kanilang komunidad patungo sa COMELEC Satellite Office sa Ayala Malls Alabang upang maisagawa ang voter registration.

๐Ÿ“Œ Mga Ihahanda:
โœ” Valid ID na nakatala sa anunsyo ng COMELEC (original and photocopy)

Makiisa sa programang ito at maging bahagi ng aktibong kabataang bumubuo ng isang responsableng pamayanan.




๐‹๐Ž๐Ž๐Š | ๐Ÿ๐ฌ๐ญ ๐๐ฎ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ซ ๐˜๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐†๐ž๐ง๐ž๐ซ๐š๐ฅ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฆ๐›๐ฅ๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Nagtipon ang mga Youth Area Coordinators, kasama ang mga Federation Presid...
29/01/2026

๐‹๐Ž๐Ž๐Š | ๐Ÿ๐ฌ๐ญ ๐๐ฎ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ซ ๐˜๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐†๐ž๐ง๐ž๐ซ๐š๐ฅ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฆ๐›๐ฅ๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Nagtipon ang mga Youth Area Coordinators, kasama ang mga Federation Presidents at Representatives, para sa 1st Quarter Youth General Assembly na pinangunahan ni Ms. Ahya Dancel Parfan, LYDO Head.

Isinagawa ang pagpupulong sa YASDO โ€“ Youth Division Office, South Park Center noong Enero 8, 2026. Tinalakay dito ang mga mahahalagang updates hinggil sa city youth programs and initiatives para sa FY 2026, kabilang ang:
โ€ข Status ng Youth Federation Officers
โ€ข Make Your City Proud Program
โ€ข Revisiting and reactivation of youth organizations
โ€ข Muntinlupa Youth Connect updates
โ€ข Financial assistance requests para sa youth activities
โ€ข Impormasyon sa mga designated youth leaders
โ€ข Youth Day sa South Park

Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan ni Pangulong Justin Rain Graganta Pelovello at ng Cupang Youth Area Coordinator na si Ronald Dela Cruz Ferreras.
Isang makabuluhang pagtitipon na naglalayong palakasin ang koordinasyon, partisipasyon, at pagkakaisa tungo sa mas aktibo at konektadong kabataang Muntinlupeรฑo.




Address

Barangay Cupang
Muntinlupa City

Telephone

+639630880523

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cupang Youth Federation posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Cupang Youth Federation:

Shortcuts

Share