07/08/2026
Mga kabarangay, dahil tuloy-tuloy ang pag-ulan, kailangan din manatiling gising at magbantay ang inyong Kapitana.
Batay sa pinakahuling Weather Advisory ng PAGASA, patuloy pa ring nakaaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa malaking bahagi ng Luzon, kabilang ang Metro Manila at Muntinlupa City.
Ayon sa forecast, inaasahan pa rin ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Metro Manila hanggang sa mga susunod na oras. Dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan nitong mga nakaraang araw, mas mataas ang posibilidad ng pagbaha sa mga mabababang lugar at pagtaas ng tubig sa ilang bahagi ng ating lungsod.
Suspendido pa rin po ang face to face classes ngayong Sabado, 8 August, 2026 batay sa anunsyo ni Mayor Ruffy Biazon.
Nais ko pong hikayatin ang lahat na manatiling alerto at maingat. Iwasan ang mga hindi kinakailangang paglabas lalo na kung malakas ang ulan, bantayan ang mga bata at alagang hayop, at ihanda ang mga mahahalagang gamit sakaling magkaroon ng preemptive evacuation.
Patuloy pong nakaantabay ang Pamahalaang Barangay ng Cupang para sa kaligtasan ng bawat pamilya sa ating komunidad.
Mag-ingat po tayo! 🩵