02/09/2026
🏆 MUNTINLUPA SHINES SA MANILA DANCE PRIX 2026! 🩰💙
Ipinagmamalaki ng City Government of Muntinlupa ang tagumpay ng Southernside Dance Theatre (SDT) sa Manila Dance Prix 2026, na ginanap sa Maybank Performing Arts Theater sa Bonifacio Global City.
Kasama ang 44 dance schools mula sa iba’t ibang panig ng bansa, buong husay na kinatawan ng SDT ang Muntinlupa City, kasama ang 61 dancers na edad 5 hanggang 22.
Mula solo, duo, at trio categories hanggang large ensembles, ipinamalas ng ating mga batang artista ang kanilang galing sa Classical Ballet, Demi Character, Jazz/Lyrical, at Hip Hop.
At talagang nagbunga ang kanilang sipag at dedication! Sa loob ng apat na araw ng kompetisyon, nakamit ng SDT ang:
🏆 3 First Places
🥈 7 Second Places
🥉 4 Third Places
⭐ 10 Top 10 Finishes
🥇 30 Gold Awards
🥈 24 Silver Awards
🥉 7 Bronze Awards
Hindi rin nagpahuli si Alyssa Sibulo, na kinilala bilang Overall Top 2 sa Senior B Category, habang nakatanggap naman si Coach and Choreographer Carl Daniel Doromal ng 9 Outstanding Teacher Awards.
At ang pinakamalaking karangalan—MOST OUTSTANDING SCHOOL ang Southernside Dance Theatre matapos makuha ang pinakamaraming Gold Awards sa lahat ng 44 participating schools! 🏆
Higit pa sa mga medalya at awards, ang tagumpay na ito ay patunay ng talento, disiplina, dedikasyon, at potential ng mga batang Muntinlupaño. Sa bawat hakbang at bawat performance, dala nila ang pangalan ng Muntinlupa nang buong pride at excellence.
Congratulations, Southernside Dance Theatre! 💙🩰
61 DANCERS. 44 SCHOOLS. 4 DAYS. ONE CITY. ONE TEAM. ONE UNFORGETTABLE WIN.
Muntinlupa is proud of you! 🏆💙