20/08/2026
Nakikiramay tayo sa mga pamilyang naapektuhan ng nakalulungkot at nakakabahalang insidente ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University Junior High School.
Bilang isang magulang, naiintindihan ko ang pangamba na dulot ng ganitong balita. Natural lamang na mapaisip ang mga magulang dito sa Muntinlupa tungkol sa kaligtasan ng kanilang mga anak sa tuwing papasok sila sa paaralan.
Kaya gusto kong tiyakin sa bawat Muntinlupeรฑo parent: hindi tayo naghihintay na may mangyari bago tayo kumilos.
Bago pa man ang mga naiulat na insidente ng karahasan sa mga paaralan sa Tacloban at Zamboanga, patuloy na nating binabantayan ang anumang maaaring maging banta sa kaligtasan ng ating mga kabataanโkasama na rito ang mga mapanganib na content at impluwensyang nakikita nila online na maaaring magtulak sa kanila sa karahasan.
Pinalakas na natin ang coordination ng DepEd Muntinlupa, PNP, Social Services Department, at iba pang concerned offices para tuloy-tuloy nating ma-assess at matugunan ang anumang security concern sa ating mga paaralan.
Mas mahigpit na rin ang security protocols at inspection sa school gates pati sa classrooms. Nagdagdag tayo ng security personnel at kapulisan sa mga paaralan, at pinaigting ang police visibility sa ibaโt ibang bahagi ng lungsod.
Kasama rin sa recommendations ng partner security at DepEd Muntinlupa ang paggamit ng walkthrough metal detectors, student behavioral monitoring program, at random classroom security inspections bilang dagdag na preventive measures.
Pero malinaw sa atin na hindi sapat ang pagbabantay lamang sa gate.
Kailangan din nating bantayan at gabayan ang ating mga anak sa mundong ginagalawan nila online. Kaya pinag-aaralan natin ang mga posibleng hakbang na maaaring gawin ng lokal na pamahalaan upang mas maprotektahan sila sa harmful online content. Palalawakin din natin ang information and awareness programs para sa mga magulang at guroโpara mas maagang makilala ang warning signs at malaman kung paano makatutulong at makagagabay sa isang batang nangangailangan.
Ang kaligtasan ng ating mga anak ay hindi lamang tungkol sa seguridad sa loob ng paaralan. Kasama rito ang kanilang mental well-being, ang mga impluwensyang nakapaligid sa kanila, at ang pagkakaroon nila ng mga taong handang makinig at gumabay.
Sa mga magulang, makakaasa kayo: hindi tayo magiging complacent.
Ang paaralan ay dapat manatiling ligtas na lugar kung saan malayang makapag-aaral, makapangarap, at lumaki ang bawat bata nang walang takot.
At gagawin natin ang lahat ng ating makakaya upang manatiling ganoon ang mga paaralan dito sa Muntinlupa.