DSWD Region IV-A

Directions Website Contact the organization

DSWD Region IV-A A national government agency mandated to provide social protection, and promote the rights and welfare of the disadvantaged in the CALABARZON region.

As of October 07, 2026, the Department served 61.27% of its 83,791-targeted household beneficiaries in the CALABARZON Re...
08/10/2026

As of October 07, 2026, the Department served 61.27% of its 83,791-targeted household beneficiaries in the CALABARZON Region under the UPLIFT Assistance. This is equivalent to 51,338 households across the region who had received their assistance for the month of August only.

The payout for the UPLIFT Assistance for the period is still ongoing and is expected to be completed within the month of October 2026.

Para kay Marilyn Verano, President ng Macapicapic Upland Farmers Association (MUFA), higit pa sa pagkakaroon ng communal...
08/10/2026

Para kay Marilyn Verano, President ng Macapicapic Upland Farmers Association (MUFA), higit pa sa pagkakaroon ng communal garden at water reservoir ang naitulong sa kanila ng Project LAWA at BINHI ng DSWD sa kanilang grupo.

Dahil sa programa, ang asosasyon ay nagkaroon ng mas malalim na kaalaman sa pagtatanim at kaalaman rin sa mangalaga ng isda (tilapia). Ang mga ani nilang gulay at tilapia ay kanilang binebenta sa kanilang komunidat at nagiging kita ng grupo, at ang iba ay nai-uuwi ng myembro para pagkain ng kani-kanilang pamilya.

โ€œDahil sa Project LAWA at BINHI, nakakapagbenta kami ng fresh na gulay sa komunidad. Nagkaroon din kami ng kaalaman kung paano mag-alaga ng isda. Ngayon di na naming kailangang bumili (ng gulay at isda) dahil anyutime pwede na kaming mag-harvest sa aming lawa at communcal garden na siyang nagagamit ng aming mga pamilya,โ€ ani Marilyn.

Ang communal garden ng MUFA sa Brgy Puray, Bayan ng Montalban ay isa sa 33 Project LAWA at BINHI sites sa kabuuhan ng Lalawigan ng Rizal. Sa kabuuhan ng Rehiyon nasa sa 384 ang bilang ng Project LAWA at BINHI sites.

Mula ika-17 hanggang ika-29 ng Setyembre 2026, hindi bababa sa 155 residente mula sa siyam na Sustainable Livelihood Pro...
08/10/2026

Mula ika-17 hanggang ika-29 ng Setyembre 2026, hindi bababa sa 155 residente mula sa siyam na Sustainable Livelihood Program (SLP) Association sa Cavite ang pinalakas ng DSWD upang magsimula ng mga pangkatang negosyo sa ilalim ng SLP.

Nakatanggap ang mga asosasyon, na mula sa mga bayan ng Magallanes, Indang, at General Emilio Aguinaldo, ng kabuuang PhP 2.725 milyon na seed capital fund bilang paghahanda sa kanilang mga itatayong negosyo, gaya ng hog-raising, poultry production, weaving, sari-sari store, food catering, at iba pa. Iginawad naman sa bawat grupo ang puhunang katumbas ng PhP 20,000 bawat miyembro.

Read the full story:
https://fo4a.dswd.gov.ph/2026/10/karagdagang-tulong-pangkabuhayan-sa-mga-residente-ng-cavite/

As Knauf Gypsum Philippines, Inc. (Knauf) expands services in Rizal Province, an additional set of 32 beneficiaries of t...
08/10/2026

As Knauf Gypsum Philippines, Inc. (Knauf) expands services in Rizal Province, an additional set of 32 beneficiaries of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) from the town of Jalajala completed their skills training on basic drywall and ceiling installation last October 2, 2026.

In September this year, around 90 beneficiaries from the towns of Angono, Taytay, and Cardona completed the same skills training.

Read full story: https://fo4a.dswd.gov.ph/2026/10/more-4ps-beneficiaries-in-rizal-province-complete-knaufs-skills-training-program/

๐๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ซ๐ž๐ก๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐š๐๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐จ๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐ฐ๐จ๐ซ๐ค๐ž๐ซ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐’๐š๐ฆ๐š-๐๐š๐ฃ๐š๐ฎ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐š๐ฌ ๐‚๐ข๐ญ๐ฒMula sa batang napilitang tumigil ng pag-aaral ...
07/10/2026

๐๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ซ๐ž๐ก๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐š๐๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐จ๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐ฐ๐จ๐ซ๐ค๐ž๐ซ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐’๐š๐ฆ๐š-๐๐š๐ฃ๐š๐ฎ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐š๐ฌ ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ

Mula sa batang napilitang tumigil ng pag-aaral dahil sa palipat-lipat sila ng tahanan, isang rehistradong social worker na ngayon si Lucy Grace Ilaji, isang Sama-Bajau mula sa Brgy. Wawa sa Batangas City.

Ayon kay Lucy Grace, naging malaking tulong ang kanilang pagiging benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) upang matupad niya ang pangarap na ito.

Nakabalik siya sa pag-aaral ng elementarya sa pamamagitan ng Alternative Learning System at nagpursige ang kanyang mga magulang sa pangingisda upang patuloy na masuportahan ang kanyang pag-aaral.

Sa kolehiyo, naging katuwang niya ang iba't ibang organisasyon at ang kanyang pagtatrabaho sa school canteen upang makapagtapos nitong Mayo 2026.

Nitong nakaraang Setyembre, nakapasa si Lucy Grace sa Social Workers Licensure Examination na naging isang malaking tagumpay ng kanilang komunidad na Sama-Bajau sa Batangas City. Sa kanlang komunidad, siya ang pangalawang batang-Sama-Bajau na ngayon ay ganap na social worker na.

"Ngayon ay bitbit ko ang tagumpay na ito at gagamitin ko ang propesyon ko upang makatulong at makapaglingkod sa iba pang nangangailangan lalo na sa aking mga kapatid na Sama-Bajau," pagbabahagi ni Lucy Grace.

For the members of the Samahan ng mga Magniniyog ng Brgy. Lumutan, Atimonan, Quezon, it is the 187-meter long Kalahi-CID...
07/10/2026

For the members of the Samahan ng mga Magniniyog ng Brgy. Lumutan, Atimonan, Quezon, it is the 187-meter long Kalahi-CIDSS concrete pathway that started their โ€˜concernโ€™ for the community.

At first, the pathway meant progress for their respective livelihood and families, but when they were tasked to take care of it (operations and maintenance), they started to see it differently. The group, through their president, Resty became more involved in the community and are now able to voice out their concerns and recommend solutions as farmers and members of the community, as well.

Read full story:
https://fo4a.dswd.gov.ph/2026/10/beyond-the-end-of-the-road/

๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐‹๐๐† ๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ๐ž, ๐ก๐š๐ง๐๐จ๐  ๐ง๐  ๐ ๐ซ๐ฎ๐ฉ๐จ ๐ง๐  ๐ญ๐ซ๐ข๐œ๐ฒ๐œ๐ฅ๐ž ๐๐ซ๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐‹๐จ๐ฌ ๐๐šรฑ๐จ๐ฌ!Kung dati ay umaasa lamang ang karamihan sa kanila sa...
07/10/2026

๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐‹๐๐† ๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ๐ž, ๐ก๐š๐ง๐๐จ๐  ๐ง๐  ๐ ๐ซ๐ฎ๐ฉ๐จ ๐ง๐  ๐ญ๐ซ๐ข๐œ๐ฒ๐œ๐ฅ๐ž ๐๐ซ๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐‹๐จ๐ฌ ๐๐šรฑ๐จ๐ฌ!

Kung dati ay umaasa lamang ang karamihan sa kanila sa pagiging tricycle drivers, ngayon ay may dagdag nang pagkakakitaan ang 15 miyembro ng Todamax Sustainable Livelihood Program (SLP) Association matapos magbukas ang kanilang LPG retail business sa Brgy. Batong Malake, Los Baรฑos, Laguna noong ika-25 ng Setyembre 2026.

Pinasimulan ang nasabing negosyo matapos nilang makatanggap ng mga pagsasanay at panimulang puhunan na PhP 225,000 sa ilalim ng SLP.

โ€œMasaya po kami na mayroon na po kaming dagdag na mapagkakakitaan. Sana po mapalago namin ang aming negosyo,โ€ pagbabahagi ni Remedios Lajom, ingat-yaman ng asosasyon.

Sa implementasyon ng SLP, pinapalakas ng DSWD ang mga kwalipikadong indibidwal na magsimula ng mga pangkatang negosyo na makapagbibigay ng pangmatagalang dagdag kita sa kanila at kanilang mga pamilya. Magpapatuloy din ang pag-agapay ng mga kawani ng ahensya upang matiyak ang paglago ng bagong kabuhayan at kita ng mga miyembro. [with reports from CDMatias]

Mahigit PhP 4,000 ang kabuuang napagbentahan ng Gintong Binhi Project LAWA at BINHI group mula sa Brgy. Guitnang Bayan 1...
07/10/2026

Mahigit PhP 4,000 ang kabuuang napagbentahan ng Gintong Binhi Project LAWA at BINHI group mula sa Brgy. Guitnang Bayan 1, San Mateo, Rizal para sa kanilang mga ani at agricultural products sa Agri-Kabuhayan Market noong Setyembre 27, 2026.

Ang nasabing grupo ay mga partner-beneficiaries ng Project LAWA at BINHI ng DSWD na binuo at binigyang-kapasidad ng Kagawaran at ng lokal na pamahalaan para makapagtayo ng mga proyekto tulad ng community garden na makatutulong upang makatugon sa problema sa pagkain at tubig sa kanilang komunidad.

Ang Agri-Kabuhayan Market ay isang inisyatiba ng Municipal Agriculture Office ng San Mateo na nagbibigay ng pagkakataon sa mga lokal na negosyo at community-based groups na maipamalas at maibenta ang kanilang mga produkto.

Plano ng Gintong Binhi na ilaan ang kanilang kinita bilang karagdagang pondo para sa pagpapaunlad ng kanilang proyekto.

Sa ilalim ng Project LAWA at BINHI, hinihikayat ng Kagawaran ang mga grupo ng mga benepisyaryo na ipagpatuloy ang kanilang mga nasimulang proyekto para sa tuluy-tuloy na kapakinabangan ng kanilang grupo at ng kanilang mga komunidad. [with reports from MERCao]

In the City of Dasmariรฑas, Cavite, 292 beneficiaries of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) graduated as benef...
07/10/2026

In the City of Dasmariรฑas, Cavite, 292 beneficiaries of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) graduated as beneficiaries of the program during the Pugay Tagumpay Graduation Ceremony last October 1, 2026.

These families were assessed by the DSWD to have achieved self-sufficiency status or have the capacity to support their needs based on several indicators including employment, income, skills and education of members, and access to social services among others.

Read full story:
https://fo4a.dswd.gov.ph/2026/10/292-dasmarinas-city-families-attain-self-sufficiency-graduate-from-4ps/

Teary-eyed, Christina Reyes, 45, still recalls her heartaches whenever her young children would say 'Ma, wala pa si Papa...
06/10/2026

Teary-eyed, Christina Reyes, 45, still recalls her heartaches whenever her young children would say 'Ma, wala pa si Papa, gutom na kami.'

As a resident of an island barangay in Mauban, Quezon, her family relies mostly on the sea for their daily needs.

So when the 4Ps crossed the sea and reached them in 2012 (as how Christina puts it), she found more than just a financial support to put food on the table. What she found is an inspiration to dream bigger than simply ensuring there's food on the table.

READ FULL STORY:
https://fo4a.dswd.gov.ph/2026/10/hindi-na-nagugutom/

Address

DSWD FIELD OFFICE IV-A, 3F, AYALA MALLS SOUTHPARK, ALABANG
Muntinlupa City
1770

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DSWD Region IV-A posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DSWD Region IV-A:

Shortcuts

Share