Batang Juan Network

Batang Juan Network Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Batang Juan Network, Political organisation, Muntinlupa, Muntinlupa City.

The Batang Juan Network (BJN) champions the rights and wellbeing of Filipino children through evidence-based policy advocacy and participatory programs that place children at the center of development.

05/08/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐˜‚๐˜„๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฏ๐—ผ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ. ๐—˜๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐—ผ๐—ฑ๐—ฒ ๐Ÿฐ ๐—ป๐—ฎ!

Sa bawat komunidad na ating napupuntahan, mas lumalalim ang ating pag-unawa at mas tumitibay ang ating adbokasiya para sa bawat batang Pilipino.

Kasama ang ating Batang Juan Network Conveners, balikan natin ang mga kuwento, karanasan, at mga sandaling nagpapaalala kung bakit patuloy nating isinusulong ang mga programang nagbibigay ng mas maraming pagkakataon para sa bawat bata.

Handa ka na bang mag-rewind? Panoorin ang Episode 4.

BATANG JUAN, IKAW ANG NUMBER 1! ๐Ÿ’™

04/08/2026

๐—ช๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ถ๐—ฑ๐—ฑ๐—น๐—ฒ ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ถ๐—ฟ๐˜๐—ต ๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ฒ? ๐Ÿค”

Ang concern na ito ay may tamang prosesong kailangang sundin batay sa iyong sitwasyon. Bago magsimula, alamin muna ang tamang impormasyon sa pamamagitan ng 24/7 Birth Registration Digital Assistant ng Batang Juan Helpline.

๐Ÿ“ฉ Mag-message sa Batang Juan Network page.

30/07/2026

๐— ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ถ๐—ป ๐—ธ๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ถ๐—ฟ๐˜๐—ต ๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ฒ? ๐Ÿค”

Kung may mali sa taon o petsa ng kapanganakan sa iyong Birth Certificate, hindi mo kailangang mangapa sa proseso. Sa Batang Juan Helpline, maaari kang makakuha ng paunang impormasyon sa pamamagitan ng 24/7 Birth Registration Digital Assistant upang mas malinaw mong maunawaan ang mga susunod na hakbang.

๐Ÿ“ฉ Mag-message sa Batang Juan Network page.

29/07/2026

๐—ง๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ-๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜„. ๐—˜๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐—ผ๐—ฑ๐—ฒ ๐Ÿฏ ๐—ป๐—ฎ! ๐ŸŽž๏ธ

May mga paglalakbay na hindi lang nagdadala sa atin sa iba't ibang lugarโ€”nagdadala rin ito sa mga taong lalo pang nagpapatibay sa ating paninindigan para sa bawat batang Pilipino.

Samahan muli ang ating Batang Juan Network Conveners sa pagbabalik-tanaw sa mga kuwento, karanasan, at mga sandalling patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa ating adbokasiya.

Handa ka na bang mag-rewind? Panoorin ang Episode 3.

BATANG JUAN, IKAW ANG NUMBER 1! ๐Ÿ’™

25/07/2026

๐—›๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ถ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ! ๐ŸŽญ

Hindi pa rin nagpapahuli ang Team Orange! Sa Episode 4 ng Rehistro Rush: The Batang Juan Charades Challenge, panibagong set ng charades na naman ang kanilang haharapin na susubok sa kanilang teamwork, bilis, at creativity.

Bawat tamang hula ay hindi lang dagdag puntos, kundi dagdag kaalaman din tungkol sa kahalagahan ng birth registration at kung bakit mahalagang maging Rehistrado, Sigurado ang bawat Batang Juan.

Hanggang saan kaya aabot ang puntos ng Team Orange? ๐Ÿค” Panoorin ang Episode 4 at alamin!

23/07/2026

๐—”๐—ป๐˜†๐˜๐—ถ๐—บ๐—ฒ. ๐—”๐—ป๐˜†๐˜„๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ. ๐Ÿฎ๐Ÿฐ/๐Ÿณ ๐˜๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜† ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ถ๐—ฟ๐˜๐—ต ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป. ๐Ÿ’ก

Ang tamang impormasyon ay mahalaga sa bawat hakbang ng Birth Registration. Sa Batang Juan Helpline, layunin nating gawing mas malinaw at mas madaling maunawaan ang proseso sa pamamagitan ng 24/7 Birth Registration Digital Assistant at personal na assistance.

๐Ÿ“ฉ Mag-message sa Batang Juan Network page.

22/07/2026

๐—ฅ๐—ฒ๐˜„๐—ถ๐—ป๐—ฑ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ. ๐—˜๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐—ผ๐—ฑ๐—ฒ ๐Ÿฎ ๐—ป๐—ฎ! ๐ŸŽž๏ธ

May mga larawang hindi lang nagbabalik ng alaala, ipinapaalala rin nila kung bakit tayo patuloy na kumikilos.

Samahan muli ang ating Batang Juan Network Conveners sa pagbabalik-tanaw sa mga karanasan at kuwentong tumatak sa puso at naging bahagi ng paglalakbay ng Batang Juan Network.

Panoorin ang Episode 2 at balikan ang kuwento sa likod ng larawan.

BATANG JUAN, IKAW ANG NUMBER 1!

๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐˜€๐—ผ๐—น๐˜‚๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—บ๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป. ๐Ÿ’™Sa panel discussion ng Batang Juan Maagang Gabay ...
20/07/2026

๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐˜€๐—ผ๐—น๐˜‚๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—บ๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป. ๐Ÿ’™

Sa panel discussion ng Batang Juan Maagang Gabay Act Stakeholders' Co-Creation Forum, nagbahagi ng kanilang mga pananaw sina Teacher Joji Reynes Santos, Special Education and Literacy Specialist at Co-Founder ng Candent Learning Hauz; Mr. Tony Pasia, Founding Chairman ng Down Syndrome Association of the Philippines, Inc. (DSAPI) at isang parent advocate; at Dr. Jack Alexander Herrin, Developmental and Behavioral Pediatrician at Board of Trustees Officer ng Philippine Society for Developmental and Behavioral Pediatrics (PSDBP).

Mula sa kani-kanilang karanasan sa edukasyon, parent advocacy, at developmental pediatrics, binigyang-diin nila ang kahalagahan ng pagbibigay-kapangyarihan sa mga pamilya, pagpapalakas ng suporta sa komunidad, at pagtiyak na ang mga batang nangangailangan ng intervention ay hindi na kailangang maghintay bago makatanggap ng tamang gabay.

Ibinahagi rin sa talakayan ang pangangailangang palawakin ang community-based support, palakasin ang papel ng mga magulang at grassroots workers, at tiyaking ang maagang screening ay agad nasusundan ng tamang referral at intervention.

Ang mga rekomendasyong ito ay magsisilbing mahalagang ambag sa patuloy na pagpapaunlad ng HB 8513 at HB 8517, tungo sa isang mas maagap, mas inklusibo, at mas accessible na sistema para sa bawat Batang Juan.

Catching it early. Building it together. ๐Ÿ’™

BATANG JUAN, IKAW ANG NUMBER 1!

18/07/2026

๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป, ๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป, ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜, ๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐˜๐˜‚๐—บ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—๐˜‚๐—ฎ๐—ป. ๐Ÿ’™

Sa iisang layunin na palakasin ang suporta para sa bawat batang Pilipino, nagsama-sama ang mga health practitioners, educators, advocates, parent leaders, at partner organizations sa Batang Juan Maagang Gabay Act Stakeholders' Co-Creation Forum upang makatulong sa pagpapaunlad ng HB 8513 at HB 8517.

Ang bawat pananaw at rekomendasyong ibinahagi ay nagpatibay sa iisang layuninโ€”isang sistemang may mas maagang pagtukoy, mas mabilis na access sa intervention, at mas matatag na suporta para sa bawat bata at kanilang pamilya.

Naniniwala ang Batang Juan Network na ang makabuluhang pagbabago ay nagsisimula sa pakikinig at sama-samang pagkilos. Dahil kapag mas maaga ang gabay, mas Malaki ang pagkakataon ng bawat batang Pilipino na maabot ang kanilang buong potensyal.

Bawat boses ay mahalaga. Bawat ambag ay hakbang tungo sa mas inklusibo at mas maagap na kinabukasan para sa bawat Batang Juan.

Catching it early. Building it together.

BATANG JUAN, IKAW ANG NUMBER 1! ๐Ÿ’™

๐— ๐—ฎ๐˜€ ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ-๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ต๐˜‚๐—ฏ๐—ผ๐—ด. Ang isang panukalang batas ay mas nagiging matibay kapag hinuhubog ng...
17/07/2026

๐— ๐—ฎ๐˜€ ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ-๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ต๐˜‚๐—ฏ๐—ผ๐—ด.

Ang isang panukalang batas ay mas nagiging matibay kapag hinuhubog ng tunay na boses at karanasan ng mga mamamayan.

Sa Batang Juan Maagang Gabay Act: Stakeholders' Co-Creation Forum, nagsama-sama ang mga child rights advocates, practitioners, experts, mga magulang, at iba pang stakeholders upang magbahagi ng kanilang mga pananaw at rekomendasyon para sa patuloy na pagpapaunlad ng House Bill No. 8513 at House Bill No. 8517.

Binigyang-diin ni Cong. Jimmy Fresnedi, pangunahing may-akda ng HB 8517, ang kahalagahan ng pagbuo ng isang sistemang maagang nakakatukoy at agad na nakapagbibigay ng tamang suporta sa mga batang may developmental needs. Mula sa karanasan ng Project AGAP sa Muntinlupa, ipinakita niyang ang maagang pagtukoy at intervention ay maaaring magbukas ng mas maraming oportunidad para sa bawat bata.

Samantala, ibinahagi ni Congressman Papa Jess Marquez, may-akda ng HB 8513, na ang Maagang Gabay Act ay higit pa sa maagang screening. Layunin nitong bumuo ng isang mas matatag at mas accessible na support system upang mas maraming bata at pamilya ang magkaroon ng access sa mga serbisyong kailangan nila sa tamang panahon.

Binigyang-diin naman ni Batang Juan Network Lead Convener Atty. Jojay Alcaraz na ang forum ay isang pagkakataon upang makinig sa mga karanasan ng mga komunidad at matiyak na ang panukalang batas ay tunay na tumutugon sa kanilang mga pangangailangan. Sa pamamagitan ng pakikinig at pagtutulungan, mas nagiging inklusibo at mas makabuluhan ang batas na ating isinusulong.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nagbahagi ng kanilang panahon, kaalaman, at karanasan. Ang bawat pananaw na ibinahagi ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagbuo ng isang sistemang magtitiyak na walang batang mapag-iiwanan at bawat isa ay magkakaroon ng pagkakataong makatanggap ng tamang gabay sa tamang panahon.

BATANG JUAN, IKAW ANG NUMBER 1! ๐Ÿ’™

Address

Muntinlupa
Muntinlupa City
1770

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Batang Juan Network posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share