09/04/2026
๐ฏ๐ฌ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ป๐๐, ๐ ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ก๐ฎ๐ธ๐๐บ๐ฝ๐น๐ฒ๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐ฟ๐ฎ๐๐ธ๐ ๐๐๐ฑ๐ฟ๐ผ๐ฝ๐ผ๐ป๐ถ๐ฐ๐, ๐ ๐ถ๐ฐ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฒ๐ฒ๐ป๐, ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐๐ถ๐ฐ ๐จ๐ฟ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐๐ด๐ฟ๐ถ๐ฐ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฒ
MUNTINLUPA CITY โ Matagumpay na naisagawa ang Pagsasanay sa Basic Urban Agriculture, Kratky Hydroponics, at Microgreens sa New City Demo Farm, Orellana Compound, Putatan, na dinaluhan ng 30 online registrants mula sa ibaโt ibang barangay ng lungsod.
Layunin ng pagsasanay na palawakin ang kaalaman at kasanayan ng mga Muntinlupeรฑo sa pagtatanim, at ipakita na posible ang urban gardening kahit sa limitadong espasyo. Ani ng mga nag-organisa, layunin na makatutulong ang hakbangin upang mapalakas ang seguridad sa pagkain ng lungsod, at masiguro na may sariwang ani sa bawat tahanan kahit sa panahon ng krisis.
Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na inisyatiba ng Muntinlupa City na hikayatin ang bawat Muntinlupeรฑo na magtanim, alagaan, at anihin ang sariling gulay at prutas, sa layuning maging mas sustainable at self-reliant ang lungsod.