Kapitan Gerry Teves

Kapitan Gerry Teves The Official page of Kapitan Gerry Teves
(1)

Maligayang 28th Anniversary, Mutual Homes 1 & 2 Senior Citizen Association, Inc.! Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng ...
01/09/2026

Maligayang 28th Anniversary, Mutual Homes 1 & 2 Senior Citizen Association, Inc.!

Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng ating minamahal na senior citizens sa inyong 28th Anniversary!

Nawa’y patuloy kayong maging inspirasyon sa ating komunidad sa pamamagitan ng inyong karanasan, karunungan, pagkakaisa, at malasakit.

Maraming salamat sa inyong mahalagang ambag sa pagbuo ng isang mas masaya, mapayapa at nagkakaisang pamayanan.

Saludo kami sa inyong lahat! Mabuhay ang Mutual Homes 1 & 2 Senior Citizen Association, Inc.!



Sa gitna ng sunod-sunod na pag-ulan, patuloy nating sinisikap na makalapit at makapagbigay ng kahit kaunting tulong sa a...
31/08/2026

Sa gitna ng sunod-sunod na pag-ulan, patuloy nating sinisikap na makalapit at makapagbigay ng kahit kaunting tulong sa ating mga kabarangay.

Hindi lamang tayo nag-iikot upang mag-abot ng tulong, kundi upang personal na makausap, makumusta at makakwentuhan ang ating mga kabarangay, alamin ang kanilang kalagayan at iparamdam na sa panahon ng pagsubok, hindi sila nag-iisa.

Maliit man ang ating naiaabot, malaking bagay ang malasakit at presensya.

Patuloy tayong lalapit, makikinig at tutugon para sa bawat pamilyang nangangailangan.

Serbisyong ramdam. Malasakit na personal. Para sa bawat Kabarangay ng Putatan.




KAPITAN GERRY TEVES

Kagawad Bono Teves | Kagawad Sandy Arciaga | Kagawad Alex Santos | Kagawad Rodney Solema | Kagawad Tin Andres | Kagawad Jay Cascalla | Kagawad Paul Patdu

SK Chairwoman CYRILLE KATE “CY” ARCIAGA

SK Kagawad Andrei Arciaga | SK Kagawad Shane Arciaga | SK Kagawad Eula Teves | SK Kagawad Rian Arciaga | SK Kagawad J.E. Dimatatac | SK Kagawad Jheboy Tagle | SK Kagawad Biboy Zamoraga

Maraming Salamat, Camella 1!Taos-puso ang aming pasasalamat sa buong pamunuan at sa lahat ng residente ng Camella 1 sa i...
22/08/2026

Maraming Salamat, Camella 1!

Taos-puso ang aming pasasalamat sa buong pamunuan at sa lahat ng residente ng Camella 1 sa inyong mainit na pagtanggap at pakikiisa. Dahil sa inyong suporta, naging matagumpay ang pagbaba ng mga serbisyo at programa ng ating barangay.

Patuloy nating pinapatunayan na ang tunay na serbisyo ay tao sa tao, direktang naihahatid sa bawat pamilyang nangangailangan, na may malasakit at pagkakaisa.

Magkasama nating isinusulong ang mas maayos, mas mabilis, at mas garantisadong serbisyo para sa bawat kabarangay!



Kapag May Malasakit, May Pag-asa!Hindi lang tulong ang ating naiabot, kundi pag-asa, malasakit at pakiramdam na may kasa...
21/08/2026

Kapag May Malasakit, May Pag-asa!

Hindi lang tulong ang ating naiabot, kundi pag-asa, malasakit at pakiramdam na may kasama tayo sa bawat hamon.

Taos-puso ang aming pasasalamat sa Filipino-Indian Commerce & Welfare Society Inc., sa pangunguna ng kanilang Presidente na si Mr. Tristan James Kumar, kay Vice Mayor Hon. Phanie Teves Wong, at sa lahat ng indibidwal at organisasyong nakiisa sa ating layunin.

Sa bawat kamay na nag-abot, bawat pusong nakialam, at bawat taong nakiisa, mas marami tayong kabarangay na mabibigyan ng tulong.

Dahil ang tunay na serbisyo, hindi lang nakikita sa salita, nararamdaman sa gawa.

Sama-sama sa malasakit. Sama-sama para sa Kabarangay!



BAGONG AMBULANSYA, BAGONG PAG-ASA!Isang panibagong hakbang tungo sa mas mabilis, mas maayos at mas maagap na serbisyong ...
19/08/2026

BAGONG AMBULANSYA, BAGONG PAG-ASA!

Isang panibagong hakbang tungo sa mas mabilis, mas maayos at mas maagap na serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kabarangay!

Sa pagpapala ng ating Bagong Barangay Putatan Ambulance, hindi lamang isang sasakyan ang ating ipinagkaloob, ito ay dagdag na proteksyon, dagdag na kahandaan, at dagdag na pag-asa para sa bawat pamilyang nangangailangan ng agarang tulong.

Sa oras ng emergency, bawat segundo ay mahalaga. Kaya naman ang ating bagong ambulansya ay magiging katuwang sa mabilis na pagtugon at paghatid ng kinakailangang serbisyo sa ating komunidad.

Handang bumiyahe. Handa sa saklolo. Handa para sa Putatan.



ISANG HAKBANG PARA SA MAS MALUSOG NA KABATAAN!Agosto 17, 2026, matagumpay nating naisagawa ang ADOPT A CHILD PROGRAM – M...
18/08/2026

ISANG HAKBANG PARA SA MAS MALUSOG NA KABATAAN!

Agosto 17, 2026, matagumpay nating naisagawa ang ADOPT A CHILD PROGRAM – MOA SIGNING, isang mahalagang programa na naglalayong makatulong sa ating mga kabataang undernourished sa Barangay Putatan.

Pinangunahan natin ang MOA Signing kasama ang buong Sangguniang Barangay at mga kinatawan ng Barangay Nutrition Council, katuwang ang ating mga partner na Non-Governmental Organizations (NGOs).

Taos-puso ang aking pasasalamat kina:

MR. TRISTAN JAMES KUMAR
President, Filipino-Indian Commerce & Welfare Society Inc.

MS. MJ MURILLO
Representative, Masaganang Pilipinas Movement

Ang tunay na serbisyo ay hindi lamang nasusukat sa dami ng ating ginagawa, kundi sa dami ng buhay na ating natutulungan at kinabukasang ating napapabuti.

Sa pamamagitan ng ADOPT A CHILD PROGRAM, sama-sama nating ipakita na walang batang dapat maiwan at walang batang dapat pagkaitan ng pagkakataong lumaking malusog, masigla at may magandang kinabukasan.

Para sa bawat bata, para sa bawat pamilya, para sa mas malusog na Putatan , patuloy tayong maglilingkod!



MALIGAYANG KAPISTAHAN, OUR LADY OF THE ASSUMPTION , BAGONG SIBOL!Walang masikip, walang matarik, at walang maliit na lug...
16/08/2026

MALIGAYANG KAPISTAHAN, OUR LADY OF THE ASSUMPTION , BAGONG SIBOL!

Walang masikip, walang matarik, at walang maliit na lugar para sa ating malasakit. Dapat tayo mismo ang nakakarating at nakakapunta sa bawat sulok ng ating lugar upang makasama kayo at maramdaman ang tunay na diwa ng ating kapistahan.

Kaya sa araw na ito, nagbigay tayo ng pansit na maaaring ihanda sa bawat tahanan at nagpa-handa rin ng pagkain upang sama-sama nating ipagdiwang ang ating kapistahan. Sabay-sabay na kainan, sabay-sabay na tawanan, at sabay-sabay na kuwentuhan, mga simpleng sandali na nagiging espesyal dahil magkakasama tayo.

At hindi doon natapos ang ating kasiyahan! Sa ating Bingo Bonanza at mga raffle, sabay-sabay tayong sumigaw, tumawa at kinabahan sa bawat numerong lumalabas sa ating tambyelo. Talagang ramdam ang saya at pagkakaisa ng bawat isa!

Maraming, maraming salamat, Bagong Sibol, Putatan! Sa isang buong araw, naging bahagi ako ng inyong selebrasyon at napakasarap makasama kayo sa pagdiriwang ng ating kapistahan.

Maligayang Kapistahan, Our Lady of the Assumption!

Nawa’y manatili sa atin ang pagkakaisa, saya, at malasakit sa isa’t isa. Dahil ang tunay na kapistahan ay hindi lamang tungkol sa handaan, ito ay tungkol sa pagsasama-sama ng isang komunidad na parang isang malaking pamilya.

KAPITAN GERRY TEVES

Kagawad Bono Teves | Kagawad Sandy Arciaga | Kagawad Alex Santos | Kagawad Rodney Solema | Kagawad Tin Andres | Kagawad Jay Cascalla | Kagawad Paul Patdu

SK Chairwoman CYRILLE KATE “CY” ARCIAGA

SK Kagawad Andrei Arciaga | SK Kagawad Shane Arciaga | SK Kagawad Eula Teves | SK Kagawad Rian Arciaga | SK Kagawad J.E. Dimatatac | SK Kagawad Jheboy Tagle | SK Kagawad Biboy Zamoraga

Kahit maulan at patuloy ang sama ng panahon, hindi naging hadlang ang ulan upang personal nating puntahan ang ating mga ...
11/08/2026

Kahit maulan at patuloy ang sama ng panahon, hindi naging hadlang ang ulan upang personal nating puntahan ang ating mga kababayan sa San Guillermo hanggang Freewill.

Hindi lamang masarap na pandesal ang ating hatid, kundi higit sa lahat ay pagdamay, pag-aalala at kapanatagan. Sa simpleng pagbisita at pakikipagkwentuhan, nais nating mabawasan ang kanilang pangamba at maipadama na hindi sila nag-iisa sa panahong kailangan nila ng gabay at suporta.

Mahalaga sa atin na personal kayong makita, makausap at malaman ang inyong kalagayan. Sa gitna ng masamang panahon, patuloy tayong nagbabantay at handang tumulong para sa kaligtasan ng bawat pamilyang tiga Putatan.

Ulan man o araw, tuloy ang serbisyo. Dahil ang tunay na malasakit, hindi naghihintay ng magandang panahon.




KAPITAN GERRY TEVES

KAGAWAD BONO TEVES
KAGAWAD SANDY ARCIAGA
KAGAWAD ALEX SANTOS
KAGAWAD RODNEY SOLEMA
KAGAWAD TIN ANDRES
KAGAWAD JAY CASCALLA
KAGAWAD PAUL PATDU

SK CHAIRWOMAN CY ARCIAGA

SK KAGAWAD ANDREI ARCIAGA
SK KAGAWAD SHANE ARCIAGA
SK KAGAWAD EULA TEVES
SK KAGAWAD RIAN ARCIAGA
SK KAGAWAD J.E. DIMATATAC
SK KAGAWAD JHEBOY TAGLE
SK KAGAWAD BIBOY ZAMORAGA



PATULOY ANG ATING MINERAL WATER ON WHEELS!Patuloy ang pag-iikot ng ating Mineral Water on Wheels sa iba’t ibang bahagi n...
10/08/2026

PATULOY ANG ATING MINERAL WATER ON WHEELS!

Patuloy ang pag-iikot ng ating Mineral Water on Wheels sa iba’t ibang bahagi ng ating barangay upang makapaghatid ng libreng malinis at ligtas na inuming tubig sa ating mga kabarangay.

Hindi hadlang ang malakas na ulan upang tayo ay patuloy na makapagbigay ng serbisyo. Sa kabila ng panahon, patuloy tayong kumikilos at lumalapit sa ating mga kabarangay upang maihatid ang tulong na kanilang kailangan.

Dahil ang tunay na serbisyo ay hindi lamang nasusukat sa magandang panahon, ito ay nasusukat sa patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kabarangay, anumang panahon at anumang pagkakataon.




KAPITAN GERRY TEVES

KAGAWAD BONO TEVES
KAGAWAD SANDY ARCIAGA
KAGAWAD ALEX SANTOS
KAGAWAD RODNEY SOLEMA
KAGAWAD TIN ANDRES
KAGAWAD JAY CASCALLA
KAGAWAD PAUL PATDU

SK CHAIRWOMAN CY ARCIAGA

SK KAGAWAD ANDREI ARCIAGA
SK KAGAWAD SHANE ARCIAGA
SK KAGAWAD EULA TEVES
SK KAGAWAD RIAN ARCIAGA
SK KAGAWAD J.E. DIMATATAC
SK KAGAWAD JHEBOY TAGLE
SK KAGAWAD BIBOY ZAMORAGA



Mula ng tayo ay makaranas ng malakas at walang tigil na pag ulan ay patuloy nating mino-monitor ang kalagayan ng ating m...
09/08/2026

Mula ng tayo ay makaranas ng malakas at walang tigil na pag ulan ay patuloy nating mino-monitor ang kalagayan ng ating mga lugar at sinikap nating hikayatin ang ilan nating mahal na kabarangay na lumikas para sa kanilang kaligtasan.

Ngayong umaga, agad tayong nagtungo sa DRT Sports Complex, kung saan pansamantalang nananatili ang ating mga kabarangay na lumikas. Nagdala rin tayo ng kanilang makakain upang kahit sa simpleng paraan ay makatulong at maibsan ang kanilang pagod, pangamba at hirap na kanilang nararanasan.

At hanggang ngayon, hindi pa rin tumitigil ang malakas na buhos ng ulan. Kaya naman muli kong hinihiling at pinakikiusapan ang ating mga mahal na kabarangay na kung kinakailangan ay pansamantalang lumikas at manatili sa ating evacuation center upang mas maging ligtas kayo at ang inyong mga pamilya.
Huwag na nating hintayin pang lumala ang sitwasyon bago tayo kumilos.

Ang kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad.

Sa lahat po, mangyaring mag-ingat tayo, manatiling alerto at makinig sa mga abiso ng ating mga awtoridad.

Hindi tayo titigil sa pag-aalaga at pagprotekta sa ating mga kabarangay. Sama-sama tayo sa panahong ito. Walang maiiwan.



Address

Putatan
Muntinlupa City
1772

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapitan Gerry Teves posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share