28/08/2026
Aug. 28, 2026
Nitong umaga ng Agosto 28, 2026, binisita ni Tru Head Kagawad Nelson Brila ang Dali Montillano sa Alabang. Nadatnan niya ang mga nakahambalang na tricycle sa mismong linya ng mga PWD, pati na rin ang isang tricycle na ginagawang talyer ang harap ng nasabing establisimyento.
Layunin ng Pamahalaang Lungsod na laging bigyan ng prayoridad ang ating mga kapatid na PWD at Senior Citizens sa paggamit ng mga lansangan. Dahil dito, agad na binigyan ng Citation Ticket ang mga lumabag sa ordinansa.