27/09/2026
𝐑𝐄𝐋𝐄𝐀𝐒𝐄 𝐎𝐅 𝐁𝐁𝐌𝐏 – 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐒 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐋𝐀𝐑𝐒 𝐄𝐃𝐔𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐀𝐒𝐒𝐈𝐒𝐓𝐀𝐍𝐂𝐄 🇵🇭💵
Isang makabuluhang hakbang para sa kinabukasan ng ating kabataan!
Matagumpay na naipamahagi ang ₱100,000.00 bilang bahagi ng Bawat Barangay Makikinabang Program (BBMP) – Bagong Pilipinas Barangay Scholars, kung saan limang (5) kwalipikadong benepisyaryo mula sa Barangay San Isidro Poblacion, Nabua, Camarines Sur ang tumanggap ng ₱20,000.00 bawat isa, alinsunod sa DILG Memorandum Circular No. 2026-038.
Ang mga napiling Bagong Pilipinas Barangay Scholars ay sina:
-Onel Follero Bañaga
-Nicole Ortiz Dela Cruz
-Owhen Parma
-Joseph Gerobin Ortega
-Lorine Angel Ani Española
Ang pagpili sa mga benepisyaryo ay isinagawa sa pamamagitan ng masusing pagsusuri batay sa mga sumusunod na pamantayan:
1️⃣ Residency
2️⃣ Academic Qualification
3️⃣ Socio-Economic Condition
4️⃣ Risk of Dropping Out
5️⃣ Family Educational Background
6️⃣ Documentary Validation
7️⃣ One-on-One Interview
8️⃣ Overall Assessment
Layunin ng programang ito na makatulong sa mga kabataang nangangailangan ng karagdagang suporta upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Ang bawat tulong na naibibigay ay isang puhunan sa kanilang pangarap at sa mas magandang kinabukasan ng ating komunidad.
Congratulations, our Bagong Pilipinas Barangay Scholars! 🎓👏
Nawa’y magsilbing inspirasyon ang pagkakataong ito upang lalo ninyong pagbutihin ang inyong pag-aaral at abutin ang inyong mga pangarap.
Sa SK ng Barangay San Isidro Poblacion, patuloy nating isinusulong ang mga programang nagbibigay-halaga sa edukasyon, oportunidad, at kapakanan ng kabataan. 📚✨
Padayon, Kabataan ng San Isidro Poblacion.💙