BBM Sara PFP- Cam Sur

BBM Sara PFP- Cam Sur Movement for Change and Progress for Filipinos Empowerment

03/05/2022

Kalye Surveys April 11-30: BBM 68.3%; magtatala ng kasaysayan sa pinakamalaking lamang sa halalan

MAGTATALA sa kasaysayan sa halalang pampanguluhan ng Pilipinas si presidential frontrunner Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) dahil base sa pinakahuling resulta ng Kalye Survey, nakakuha siya ng 68.3 percent, gayundin ang running-mate niya na si Mayor Inday Sara Duterte na may 68.2 percent.

Dahil dito, sinabi ng SPLAT Communications, maaaring ito na ang pinakamalaking 'landslide victory' sa history ng presidential elections ng bansa.

Inihayag ito ilang araw na lang bago ang inaabangang May 9 elections.

Ang Kalye Survey ay isingawa noong April 11-30 kung saan ay tinambakan ni BBM ng malaki ang malayong pumapangalawa na si Leni Robredo na mayroon lang na 14 percent.

Pangatlo sa kanila si Manny Pacquiao na may 5.8 percent at naungusan nito si Isko Moreno na may 4.6 percent.

Sa pagkabise-presidente, malayo ring pangalawa kay Duterte si Tito Sotto na mayroong 15.6 percent.

Kinuha ang mga naturang bilang mula sa 10,091 respondents. Anim na porsiyento rito ang undecided.

Sa pagkabise-presidente ay umabot naman sa 6,881 ang respondents at 7.9 percent ang undecided.

“The data show a tandem super majority victory for the Uniteam of Mayor Inday Sara Duterte and former Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. This is already inevitable at this point… It’s just a matter of time before these formalities are realized,” sinabi ng SPLAT Communications.

Idinagdag din ng SPLAT na wala silang nakitang pagbabago sa numero kahit na hindi dumalo si Marcos sa ilang debate.

“That opportunity has sailed long ago,” sabi pa ng SPLAT.

Kaugnay nito, muling pinaalalahanan ng SPLAT ang mga botante na lumabas ng bahay upang bumoto sa darating na Lunes.

“All of these numbers are worthless if everyone will not vote on election day. So make sure your lists are ready and that you will vote,” sabi pa nila.

Binigyang-diin ng SPLAT na magtatagumpay lamang ang mga tambalan--tulad ng BBM-Sara UniTeam--kung parehas silang nagtutulungan.

“Indeed, the future of the Philippines looks bright. Unity is a positive force that paves the way for success. A nation united can never be conquered,” sabi pa ng SPLAT.


26/04/2022

Statement of Atty. Vic Rodriguez, Chief of Staff and Spokesperson of presidential frontrunner Bongbong Marcos

On my FB Account Suspension:

"FB/Meta suspended my account because I am for Bongbong Marcos.

This action is censorship of the highest degree and interference on a sovereign act, digital terrorism no less.

I will not appeal for I have not violated anything. My duty is to the Filipino people and not to FB/Meta. I will continue communicating with the many other forms of media available that are free from any filter, censorship or manipulation from foreign platform providers."


25/04/2022

BBM suportado ang pag-aaral sa paggamit ng alternatibong animal feeds

INIHAYAG ni presidential frontrunner Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na popondohan niya ang pagsasaliksik sa mga alternatibong sangkap ng mga animal feeds para mapababa ang presyo ng karneng baboy sakaling palarin siyang magwagi sa papalapit na pambansang halalan sa Mayo 9.

Naniniwala si Marcos na ang pagpapasustento ng bansa sa mga imported na materyales upang makagawa ng mga feeds ay nakakadagdag sa mataas na gastos sa produksyon ng mga nag-aalaga ng baboy.

"Our dependence on imported ingredients for our local animal feed production is one of the reasons why the price of pork products remains high in the country. Reducing or eliminating this would ultimately lead to reduced farm gate prices," sabi ni Marcos.

Ang mga feeds ay ang pinakamahal na gastusin sa swine farming, kung kaya't ang nag-aalaga sa bansa ay mas mataas ang ginagastos kaysa sa mga bansang Vietnam at China, ayon sa 2021 data.

Katunayan, ang feeds ay katumbas ng 54.64% ng gastos sa backyard raisers at 64.53% para naman sa commercial raisers.

"There is ongoing research for the use of copra meal and cassava as an alternative feed ingredient and we will support that initiative. Alongside this, we will look into improving the yield of cassava to make it readily available as raw material," dagdag pa ni Marcos.

Ayon sa 2020 data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang lokal na produksyon ng baboy ay isang P249.66-B na industriya na pangunahing binubuo ng mga backyard raisers.

Kakulangan sa supply pa rin ang nangungunang problema sa lokal na produksyon ng baboy, na bumagsak ng 6.9% kasabay ng pananalasa ng African Swine Fever (ASF) noong 2020.

"There is also an urgent need for us to revive our local corn production because the high tariff imposed on imported corn drives the price of feeds further," ani Marcos.

Ipinunto rin ni Marcos na pagdating sa protina na bahagi ng mga feeds, ang imported na soybeans pa rin ang pangunahing pinagkukunan sa kabila nang ang lokal na sorghum, Azolla, o copra meal ay nagpapakita ng potensiyal bilang kapalit.

Malamig din siya sa panukalang tanggalin na ang ban sa pag-angkat sa ibang bansa ng animal proteins dahil aniya ay maaaring maging dahilan ito ng muling pananalasa ng ASF sa bansa.

"We need to carefully weigh the pros and cons of the proposal to lift the ban on processed animal protein. The local hog industry is just beginning to recover. We cannot risk this sector to be devastated again by ASF," pahayag pa ni Marcos.


22/04/2022

OVERSEAS ABSENTEE VOTERS HINIMOK NA MAGING MAPAGBANTAY

NANAWAGAN ang mga lider ng recruitment industry sa mga overseas Filipinos na kwalipikadong makakaboto sa isinasagawang overseas absentee voting para sa May 9 presidential elections na maging mapagmatyag, sa gitna ng mga balitang nagkakaroon ng anomalya sa proseso ng halalan sa ibang mga bansa.

Kaugnay niti, hinimok ni Lito B. Soriano ang mga overseas absentee voters, lalo na ang mga overseas Filipino workers (OFWs), na protektahan ang kanilang boto.

Si Soriano ay isang recruitment consultant at presidente ng LBS E-Recruitment Solutions at president emeritus ng Philippine Association of Service Exporters, Inc. (PASEI), isa sa mga pinakamalaking asosasyon ng mga lisensyadong recruitment agencies sa bansa.

“We have received such reports and we are still verifying them. Nevertheless, I am calling on overseas absentee voters to be more vigilant to ensure the integrity and sanctity of their votes. Lodge a report or complaint immediately if you encounter any anomaly,” sabi ni Soriano.

Kumalat ang ilang mga video sa social media kung saan nagrereklamo ang mga OFWs tungkol sa anomalyang nangyayari sa overseas absentee voting na nagsimula noong April 9, 2022.

Reklamo nila na minarkahan nila ang bilog para kay Marcos sa balota ngunit hindi ito makikita sa voter-verifiable paper audit trails na lumabas sa makina pagkatapos maipasok ang kanilang mga balota.

“Sabi nila baka nagkamali daw ako ng shinade. Hindi ako magkakamali, si BBM ang binoto ko. Kung nagkamali ako bakit lahat ng senatoriables ko lumabas? Bukod-tanging ‘yung presidente ko lang ang hindi lumabas,” galit na sabi ng isang babaeng OFW.

“Kaya agad akong nag-file ng complaint sa taas. Hindi ito fake news dahil sa akin mismo nangyari,”dagdag ng isang babae sa video tungkol sa halalan na agad na nag-viral.

Hinikayat din ni Soriano na paigtingin ang kampanya upang masigurado na mananatili ang pangunguna ni presidential frontrunner Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).

“Let's intensify campaigning to maintain BBM’s enormous lead – 60 percent lead. This will be record-breaking in the history of our overseas absentee voting. Let us campaign some more,” deklara niya.

“BBM does not let up in his tiring campaign, hence we should follow his lead. BBM deserves the massive support he is getting We continue to campaign to get more support for him from our OFWs,”dagdag pa ni Soriano.

Si Soriano na isang recruitment consultant ay bise president rin ng KBL-Sectoral Organizations, presidente ng BbM Lagi, - parallel-group na may mahigit 300,000 rehistradong coordinators at miyembro.

Siya rin ay co-convenor ng Alyansa Duterte Bongbong (AlDuB), isang parallel campaign group noong 2016 presidential elections.

Inaasahan din ni Soriano na magiging kakaiba ang mangyayaring halalan ngayong May 9 sa kasaysayan ng Philippine eleksiyon, si Marcos at ang kanyang running-mate na si Mayor Inday Sara Duterte ay makakakuha ng malaking kalamangan sa kanilang mga kalaban.

Tingin din niya na ang OAV voter turn-out ngayong eleksyon ay posibleng mas mataas ang turn-out keysa noong nakaraang mga halalan.

“With BBM’s enormous lead, this will be record-breaking in the history of our overseas absentee voting,” sabi ni Soriano.


22/04/2022

LAGUNA GOV. HERNANDEZ ENDORSES BBM-SARA

BIÑAN CITY, Laguna - Gov. Ramil L. Hernandez on Thursday night officially endorsed Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential candidate former Sen. Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. before another huge crowd of supporters during the Uniteam grand rally at Biñan Football Field here.

Earlier, the governor already endorsed Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) and Hugpong ng Pagbabago (HNP) chairperson Davao City Mayor Inday Sara Duterte as his vice presidential candidate.

Hernandez, president of Laguna's Partido Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), joined the majority of Filipinos in declaring support for Marcos.

"Buong pamunuan ng PDP-Laban kasama po ng iba pang mga partido na nandito ay nagkakaisa para po sa iisang layunin, si Governor Hernandez po bilang pangulo ng PDP-Laban Laguna, ang akin pong presidente at vice president ay BBM-SARA," Hernandez declared before introducing Marcos in the rally.

He earlier welcomed Marcos in a previous campaign sortie in the province but was silent on his endorsement.

"Akin po ang karangalan na ipakilala sa inyo ang presidente nating lahat, president Ferdinand Bongbong Marcos, Jr.," Hernandez said.

The campaign rally was spearheaded by Laguna officials led by Deputy Speaker and Laguna Congresswoman Len Alonte , Biñan City Mayor Arman Dimaguila, Vice Mayor GEL Alonte, Vice Governor Karen Agapay, Rep. Ruth Mariano Hernandez and others.

The tens of the thousands of cheering supporters filled to overflowing capacity the Biñan Football Field in Biñan City as the tandem’s supporters in Southern Tagalog are tirelessly showing up, less than three weeks before the elections.

Marcos and Duterte reiterated their message of unity, hope, and patriotism during the rally wherein they also bannered the Uniteam presence, which included senatorial candidates Herbert M. Bautista, Jinggoy Estrada, Atty Larry Gadon, Harry Roque, Gilbert 'Gibo' Teodoro, Jr., and Sherwin Win Gatchalian.

Before the rally in Biñan City, Duterte led the UniTeam in offering a thanksgiving mass near the JAM Compound in San Pedro City, Laguna.

It is in the same compound where Duterte also held a caucus with local and community leaders.

On Wednesday night, thousands of supporters also jampacked the grounds of the sprawling Lima Park Hotel Malvar-Lipa City in Batangas.


21/04/2022

Si BBM ang ating susunod na pangulo ng Republika ng Pilipinas - Gov. Dolor

Pormal ng inindorso ni Oriental Mindoro Governor Humerlito "Bonz' Dolor si Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. sa pagkapangulo sa darating na eleksyon dahil ayon sa kanya ay malaki ang naging kontribusiyon ng dating senador sa pag-unlad ng lalawigan.

“Sa lahat ng tumatakbong kandidato sa pagka-pangulo ngayon, siya ang isa sa may pinakamaraming nagawa para sa Oriental Mindoro,” sabi nito matapos alalahanin ang lahat ng road projects na tinulong ni Marcos sa kanya.

Ayon din sa gobernador, laging handang tumulong ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer sa probinsya.

“Mga kababayan, tumitig sa hinaharap, tumitig kayo sa bukas na mas maganda at maliwanag. Sabi nga ng iba bakit ang susuportahan ko ay ang taong ito, simple lang ang sagot. Ang taong ito na kilala ko sa loob ng dalawang dekada ang nagparamdam sa akin at sa mga Mindoreño na higit sa kulay, higit sa anyo, tumutulong ng walang kapalit,” ani Dolor.

“Bilang governor ninyo at mananatiling governor ng Mindoro, katuwang ang bawat isang Mindoreño, pagsama-samahin natin, ipanalo natin, ihatid natin sa Malacañang ang susunod na pangulo ng Republika ng Pilipinas,” dagdag ni Dolor.

Nagpasalamat naman si Marcos sa mga taga-suporta ng Uniteam sa mainit na pagtanggap sa kanila.

“Nung pumasok ako sinalubong niyo agad ako ng mga sigaw ninyo. Nagpapasalamat ang buong UniTeam sa napaka-init niyong suporta,” pagpapasalamat ni Marcos.

Bago ang rally sa Oriental Mindoro, unang bumisita si Marcos sa Mamburao, Occidental Mindoro at pinagpatuloy ang kanyang Southern Luzon swing sa Lipa, Batangas kung saan sinamahan siya ng kanyang running mate na si Mayor Inday Sara Duterte.


16/04/2022

BBM MAGTATATAG NG ‘REGISTRY SYSTEM’ PARA SA MGA BAKUNADO SA BAWAT LGU SA BANSA

MAGPAPATAYO si presidential frontrunner Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. ng “immunization registry system” sa bawat local government sa bansa para sa mas mabilis na access sa mga rekord sa bakuna ng mga Filipino, matapos manalo sa halalan sa Mayo 9.

Sa isang pahayag, sinabi ni Marcos na ang registry system sa bakuna ay para sa mas mabilis na pag-access ng mga kababayan natin sa pamamagitan ng digital platform sa halip na mga pangkaraniwang ID o identification card.

Kasama rin sa naturang sistema ang pagbibigay ng QR (quick response) codes sa bawat Pilipino na nabakunahan na pwedeng magamit sa lahat ng establisyemento na kanilang papasukan.

Sinabi ni Marcos na standard bearer din ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na ilan lamang ito sa napakaraming programa ng Uniteam BBM-Sara para tutukan ang kalusugan at labanan ang patuloy na banta ng Covid19 upang tuluyan ng makaahon ang bansa mula sa pandemya.

“Our unifying leadership shall provide measures and strategies on how Filipinos can improve their lives and how the Philippine economy can rebound while in the midst of the pandemic and even beyond it,” ani Marcos sa pahayag.

Kapag manalo, siniguro ni Marcos at kanyang katambal na si Inday Sara Duterte na bibigyan nila ng solusyon ang mga problema sa iba’t ibang sektor na tinamaan ng pandemya tulad ng agrikultura, kuryente, telekomunikasyon, digital infrastructure, kalusugan, MSMEs, tourism, manufacturing, transportasyon at iba pa.

“We shall increase the budget for the country’s healthcare system, increase health workers’ salaries and benefits, add more public hospitals, and boost the country’s medical research capability,” sinabi ni Marcos.

Kamakailan ay inanunsyo rin ni Marcos na plano niyang dagdagan ang bilang ng mga specialty hospital sa bawat rehiyon katulad ng National Kidney and Transplant Institute, Lung Center of the Philippines at Philippine Heart Center.

Kasabay nito, sinabi rin ni Marcos na plano rin niyang palawakin ang tungkulin ng mga rural health unit sa pagbibigay “first-line healthcare services” sa publiko.

13/04/2022

Kalye Surveys April 1-10, BBM 62%; Marcos magtatala ng pinakamalaking kalamangan sa pampanguluhang halalan sa kasaysayan

KUNG pagbabasehan ang resulta ng mga isinagawang mga Kalye Survey sa iba’t- ibang panig ng bansa, si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer at frontrunner Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. ay nakatakdang gumawa ng kasaysayan bilang isang kandidato na makakakuha ng pinakamaraming boto sa pagkapangulo sa darating na halalan.

Batay sa survey na isinagawa mula Abril 1 hanggang 10 na may 3,000 na respondents, nangunguna pa din si Marcos na may halos di maabot na 62 percent preference shares.

Habang nananatili sa malayong pangalawa si Leni Robredo na nakakuha lang ng 18.4 percent.

Si Isko Domagoso, Panfilo Lacson, at Manny Pacquiao ay statistically tied naman sa pangatlo hanggang panglimang pwesto matapos makakuha ng 6.5 percent, five percent, at 4.6 percent.

Ayon sa SPLAT Communications na siyang katuwang ng consulting firm na Simplified Strategic Solutions (SSS) upang gumawa ng summary ng mga Kalye Survey, inihayag ulit nito na tapos na ang laban ngayong may 27 araw na lang bago ang halalan kung titignan ang 43.6 percent na lamang ni Marcos.

“That is far more than an avalanche and a tsunami combined. Imagine leading by nearly 24 million votes with 28 days left before the elections. We are reiterating this – game over, game over, game over. The Uniteam of BBM and Mayor Inday Sara Duterte will be elected with majority preference shares. Their winning margins will go down in history as the most dominant victory in the history of Philippine national elections,” sabi ng SPLAT.

Base sa parehas na datos, nagbabala ang SPLAT na magiging mas mahirap para kay Robredo ang mga natitirang araw dahil oras na ang kalaban ng kanyang mga kampon upang makakuha pa ng mas maraming boto para sa kanya.

“Now it gets much worse for the second-ranked candidate in the remaining 28 days before the elections. Her campaigns need to convert approximately 855,494 voters per day – yes 855,494,” sabi nito.

Dagdag ng SPLAT na base sa datos, nanatili sa malayong pangalawa si Robredo kahit sa mga regional cluster kasama na ang kanya balwarte.

Sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon), MIMAROPA (Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan), at Bicol ay nakakuha si Marcos ng 46.8 percent preference shares habang 21.6 percent lang si Robredo.

Sinabi ng SPLAT na kahit mapunta pa sa kanya ang boto ng 12 percent na undecided sa nasabing lugar, 13.2 percent lamang ang mababawas nito sa mga boto ni Marcos.

12/04/2022

Bilang suporta ng ating mga kababayang OFW, gumawa sila ng website upang maprotektahan ang ating mga boto.

Sa lahat ng gustong makiisa, mag-register lamang sa www.bbmforofws.com upang malaman ang lahat ng impormasyong kailangan ninyo ngayong eleksyon. Sama-sama po tayo tungo sa nagkakaisang bansa.

11/04/2022

Address

Naga City
4400

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BBM Sara PFP- Cam Sur posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share