03/06/2026
π½ππΏπΌππ π½πΌππππΌ | ππππ ππππ πππππππ ππππ, ππππ-π
πππ πππππ πππππ ππππππ ππππ πππ πππππ-πππππππ; ππππππππππ ππ πππ ππππππ πππππ, πππππππ | Via Frances Ivy Balantes
NAGA CITY β Naka-full alert na ngayon ang mga market guard ng Naga City Peoples Mall (NCPM) isang linggo bago ang pagbubukas ng klase bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga mamimili at mag-aaral sa pamilihan.
Ayon kay Market Supervisor IV Neptali Pabines ng Market Enterprise and Promotions Office (MEPO), nagsagawa sila ng adjustment sa deployment ng mga guwardiya upang mas mapalakas ang seguridad sa loob at paligid ng merkado.
Mas maraming market guard ang naka-deploy tuwing umaga hanggang hapon kumpara sa gabi upang mabantayan ang mga mamimili at tindero na abala sa paghahanda para sa balik-eskwela.
Sa kasalukuyan, pitong market guard ang nakaatas na mag-monitor sa palibot ng Naga City Peoples Mall sa bawat oras. Gayunman, inamin ng MEPO na hindi lahat ng bahagi ng NCPM ay nababantayan ng kanilang mga tauhan.
Malaki rin ang naitutulong ng mga CCTV camera na nakainstala sa loob ng merkado, gayundin ang paggamit ng handheld radios upang mapabilis ang koordinasyon at pagresponde ng mga guwardiya sakaling magkaroon ng insidente o krimen sa loob at paligid ng pamilihan.
Para sa buong detalye ng balita, panoorin ang kumpletong ulat sa GNN TV48 Naga page.
Manatiling nakatutok sa GNN TV48 Naga News Break para sa mga balitang Garantisadong Nangunguna at Napapanahon! Mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa GNN Naga digital TV channel 48.2, GNN TV48 Naga page, at YouTube channel.