01/09/2026
ππππππππππ πππππππππ ππ πππππππ ππ πππππππππ
Setyembre 1, 2026 | Municipal Multipurpose Gymnasium
Isinagawa ang regular Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Nagcarlan, na pinangunahan ngayong linggo ng Office of the Building Official (OBO) at Municipal Engineering Office, bilang bahagi ng patuloy na pagpapatibay ng diwa ng paglilingkod, disiplina, at pagkakaisa sa hanay ng mga lingkod-bayan.
Pinangunahan ni Joy Mesalucha ang programa bilang host, habang pinangunahan naman ni Jojo Itoralba ang panalangin. Sinundan ito ng pagbasa sa Banal na Ebanghelyo ni Ptra. Merie Llorera, pag-awit ng Lupang Hinirang na pinangunahan ni Alle Vince Romanes, Panunumpa sa Watawat ni Engr. Elisha Tuico, Panunumpa ng Lingkod-Bayan ni Ismaelo Sombilla, at Panata sa Bagong Pilipinas na pinangunahan ni Gabriel Ereve.
Bilang bahagi ng programa, inilahad nina G. Kelvin Rabara, OBO Staff, at Engr. Jojo Dorado, Pambayang Inhinyero, ang ulat at mahahalagang accomplishment ng kanilang mga tanggapan sa nakalipas na walong buwan. Ibinahagi rin ang mga naging gawain, programa, at patuloy na inisyatiba ng mga tanggapang nakatuon sa pagsusulong ng maayos na imprastraktura at pagpapaunlad ng Bayan ng Nagcarlan.
Nagbigay rin ng kanyang lingguhang mensahe at ulat si Punong Bayan Ark./Inh. Elmor Vitangcol Vita, kung saan binigyang-diin ang mga mahahalagang usapin at patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan upang higit na mapabuti ang paghahatid ng serbisyo publiko sa mga Nagcarlangin.
Samantala, naging bahagi rin ng seremonya ang pagkilala sa mga natatanging atletang Nagcarlangin na nagbigay-pugay sa bayan sa pamamagitan ng kanilang husay, determinasyon, at mga natamong tagumpay sa larangan ng palakasan. Ang pagkilalang ito ay pinangunahan ng Youth and Sports Development Office, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office, bilang pagpapahalaga sa talento at potensiyal ng kabataang Nagcarlangin.
Patuloy na isinasabuhay ng Pamahalaang Bayan ng Nagcarlan ang diwa ng pagkakaisa, kahusayan, at tapat na paglilingkod, tungo sa isang pamahalaang sama-samang kumikilos para sa kapakanan at pag-unlad ng bawat mamamayan.