Barangay Kanluran Kabubuhayan

Barangay Kanluran Kabubuhayan The Official page of Barangay Kanluran Kabubuhayan

02/06/2026

๐Ÿค GIVE HUGS, NOT DRUGS ๐Ÿค

Sa pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) 2026, muli nating paalalahanan ang bawat kabataan na ang tunay na lakas ay hindi nasusukat sa bisyo, kundi sa pagpili ng tama at responsableng landas.

Ang pagmamahal, suporta ng pamilya at kaibigan, tamang edukasyon, at positibong pakikilahok sa komunidad ang pinakamabisang sandata laban sa ipinagbabawal na droga.

โœจ Piliin ang kalusugan. Piliin ang kinabukasan. Piliin ang buhay.
๐Ÿค— Give Hugs, Not Drugs!

๐—š๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—›๐—จ๐—š๐—ฆ, ๐—ก๐—ข๐—ง ๐——๐—ฅ๐—จ๐—š๐—ฆ! ๐Ÿค—๐Ÿšซ๐Ÿ’ŠNgayong ika-26 ng Hunyo, kaisa ang Sangguniang Kabataan ng Kanluran Kabubuhayan sa paggunita ng...
02/06/2026

๐—š๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—›๐—จ๐—š๐—ฆ, ๐—ก๐—ข๐—ง ๐——๐—ฅ๐—จ๐—š๐—ฆ! ๐Ÿค—๐Ÿšซ๐Ÿ’Š

Ngayong ika-26 ng Hunyo, kaisa ang Sangguniang Kabataan ng Kanluran Kabubuhayan sa paggunita ng ๐—œ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐——๐—ฎ๐˜† ๐—”๐—ด๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐˜€๐˜ ๐——๐—ฟ๐˜‚๐—ด ๐—”๐—ฏ๐˜‚๐˜€๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—œ๐—น๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐˜ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด (๐—œ๐——๐—”๐——๐—”๐—œ๐—ง) 2026.

Sa temang โ€œWorld Drug Problem: Persisting Issues, New Challenges, Innovative Responses,โ€ ating pinagtitibay ang ating pangako na bumuo ng isang komunidad na ligtas, mulat, at malaya sa epekto ng ilegal na droga.

Bilang kabataan, mahalagang piliin natin ang tamang landas, pangalagaan ang ating kalusugan, at maging bahagi ng mga programang nagtataguyod ng edukasyon, kamalayan, at positibong pagbabago. Sama-sama nating ipalaganap ang pagmamahal, pag-unawa, at suporta upang mabigyan ng pag-asa ang bawat isa.

โœจ Ang tunay na lakas ay nasa tamang desisyon.
โœจ Ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa komunidad.
โœจ Ang kinabukasan ay nasa kamay ng kabataang may pangarap at paninindigan.






30/05/2026

BUDGET APPROVED!

Isang mahalagang hakbang tungo sa mas makabuluhan at mas progresibong paglilingkod para sa kabataang Kanluran Kabubuhayan!

Aprubado na ng Sangguniang Bayan sa pamamagitan ng Resolution No. 2026-176 ang taunang badyet ng SK Kanluran Kabubuhayan na nagkakahalaga ng โ‚ฑ303,115.20. Ang pondong ito ang magsisilbing katuwang sa pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa youth development, good governance, sports development, environmental initiatives, at iba pang proyektong magbibigay ng positibong pagbabago sa ating komunidad.

https://sk.kanlurankabubuhayan.com/full-disclosure/annual-budget

27/05/2026
Sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-127 Araw ng Kalayaan ngayong Hunyo 12, sama-sama nating itinaas ang watawat ng Pilipi...
27/05/2026

Sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-127 Araw ng Kalayaan ngayong Hunyo 12, sama-sama nating itinaas ang watawat ng Pilipinas bilang simbolo ng ating pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at paggalang sa mga bayaning nagbigay ng ating kalayaan.

Alinsunod sa Flag and Heraldic Code of the Philippines (RA 8491), buong dangal nating ipinapakita ang ating pambansang watawat dito sa Barangay Kanluran Kabubuhayan. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Mabuhay ang Pilipinas!

23/05/2026

๐‹๐ˆ๐๐‘๐„๐๐† ๐๐ˆ๐†๐€๐’ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐–๐€๐“ ๐๐€๐Œ๐ˆ๐‹๐˜๐€๐๐† ๐๐€๐†๐‚๐€๐‘๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐
Schedule of Rice Distribution

Para sa pagpapatuloy ng isinasagawang pamamahagi ng libreng bigas para sa mga pamilyang Nagcarlangin, narito ang schedule para sa susunod na batch ng distribusyon na isasagawa sa lunes, Mayo 25, 2026.

Patuloy na isinasagawa ng Pamahalaang Bayan ng Nagcarlan ang programang ito bilang munting tulong at suporta sa ating mamamayan sa gitna ng patuloy na hamon at krisis na nararanasan ng maraming pamilya.

Sa pamamagitan ng programang ito, ang bawat pamilya ay makatatanggap ng ๐Ÿ๐ŸŽ ๐ค๐ข๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐›๐ข๐ ๐š๐ฌ upang makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng bawat tahanan.

๐Ÿ“Œ Paalala:
โ€ข Tanging mga benepisyaryong may hawak ng ๐œ๐ฅ๐š๐ข๐ฆ ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐› na ipamamahagi ng mga opisyal ng barangay ang pagkakalooban ng bigas. Ang nasabing ๐œ๐ฅ๐š๐ข๐ฆ ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐› ay ipamamahagi lamang isang araw bago ang itinakdang schedule ng pamamahagi ng bigas upang matiyak ang maayos at organisadong distribusyon.
โ€ข Kung ang lahat ng pamilya ay nakatala sa listahang isinumite ng barangay sa MSWDO at walang nakaligtaan, lahat ng kabilang dito ay makakatanggap. Halimbawa, kung sa isang bahay ay may dalawa o higit pang pamilya na nakatala sa listahan, bawat pamilya dito ay makakatanggap.
โ€ข Mangyaring tiyakin na ang pupunta sa itinakdang venue ay may kakayahang magbuhat ng 10 kilong bigas.
โ€ข Ang mga barangay na wala pa sa kasalukuyang schedule ay kabilang sa mga susunod na batch.

Mangyaring patuloy na sumubaybay sa mga opisyal na anunsyo para sa iba pang iskedyul ng distribusyon.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at kooperasyon.

22/05/2026

Many Filipinos ignore barangay documents because they think only national politics matters. But barangay money affects daily life. It affects small roads, drainage, streetlights, peace and order, local cleanups, barangay projects, and emergency response.

DILG reported that 97.7 percent, or 38,523 barangays, were compliant with the Barangay Full Disclosure Policy. This policy requires barangays to post quarterly financial documents in at least three visible places. These documents include the barangay budget, income and expenditures, 20 percent NTA utilization, annual procurement plan, notices of award, and itemized monthly collections.

This means citizens do not need to guess. They can check.

If your barangay claims there is no money, ask for the budget. If a project was announced, ask for the cost. If a contractor was chosen, ask who won.

Local accountability begins when ordinary residents read what is posted.

๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—œ๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ฆ๐—˜๐—ฆ๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ง๐—”๐—ฅ๐—จ๐—ก๐—š๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ โš–๏ธ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญBilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng maayos, makatarungan...
17/05/2026

๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—œ๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ฆ๐—˜๐—ฆ๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ง๐—”๐—ฅ๐—จ๐—ก๐—š๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ โš–๏ธ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng maayos, makatarungan, at mapayapang komunidad, ibinabahagi ng Pamahalaang Barangay ng Kanluran Kabubuhayan ang wastong proseso ng paghahain ng reklamo sa ilalim ng Katarungang Pambarangay.

Layunin nitong mabigyan ng gabay ang bawat mamamayan sa tamang hakbang bago magsampa ng kaso sa korte at mapalakas ang pagkakasundo at pagkakaunawaan sa ating barangay.

๐Ÿ“Œ ๐˜ฝ๐™–๐™จ๐™–๐™๐™ž๐™ฃ ๐™–๐™ฉ ๐™ช๐™ฃ๐™–๐™ฌ๐™–๐™ž๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™ง๐™ค๐™จ๐™š๐™จ๐™ค ๐™ช๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™œ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™–๐™ฎ๐™ค๐™จ, ๐™ข๐™–๐™—๐™ž๐™ก๐™ž๐™จ, ๐™–๐™ฉ ๐™ข๐™–๐™ ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ง๐™ช๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ง๐™š๐™จ๐™ค๐™ก๐™—๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ช๐™จ๐™–๐™ฅ๐™ž๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™—๐™–๐™ง๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฎ.



16/05/2026
TINGNAN | Isang malaking hakbang tungo sa mas makabago, mas accessible, at mas makabuluhang paglilingkod para sa Baranga...
16/05/2026

TINGNAN | Isang malaking hakbang tungo sa mas makabago, mas accessible, at mas makabuluhang paglilingkod para sa Barangay Kanluran Kabubuhayan!

Lubos po kaming nagpapasalamat sa AWS Learning Club - UST, sa University of Santo Tomas College of UST College of Information and Computing Sciences, at sa UST ICS Student Council sa pangunguna sa pagbuo at presentasyon ng Barangay Website Development Project.

Malaking tulong ang proyektong ito upang mas mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo, mas mapalawak ang access sa impormasyon, at mas mapalakas ang digital governance sa ating barangay. Sa pamamagitan ng teknolohiya at pagtutulungan, patuloy nating isinusulong ang progresibo at makabagong pamamahala para sa mamamayan.

Maraming salamat sa inyong suporta at dedikasyon para sa mas maayos at makabagong serbisyo publiko!

Address

Kanluran Kabubuhayan
Nagcarlan
4002

Opening Hours

Monday 9am - 4pm
Tuesday 9am - 4pm
Wednesday 9am - 4pm
Thursday 9am - 4pm
Friday 9am - 4pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Kanluran Kabubuhayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share